Aphrodite Paula POV
Ilang sentimetro na lamang ang lapit niya sa akin na mas lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso. Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at saka ngumiti.
"Mahal, maaari bang ako na lamang ang pumili ng pelikulang na ating panonoorin?" - Tanong niya habang suot ang nakakaakit niyang ngiti
Whoo! Buti na lang at nagtanong lamang siya. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Grabe ka kasi Aphro eh... masyado kang nag-iisip ng kung ano-ano.
"Oo naman. Maaari." - Sagot ko sa kanyang tanong at pilit na ngumiti
Agad siyang nagtungo sa lagayan ng CDs at inisa-isa ang mga ito. Pumunta naman ako sa mini refrigerator ko para kumuha ng snacks nitong Childish Love ko hahahaha!
Pagtapos kong kumuha ng snacks ay agad akong humiga sa aking higaan. Nakapili na siya ng panonoorin kaya isinalpak na niya sa DVD Player at saka tumabi sa akin nang magsimula na ang napili niyang pelikula.
SpongeBob SquarePants pala ang napili niya kaya ayon hahahaha! Tawa kami ng tawa hahahaha!
Ilang beses ko na iyon napanood ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili sa paghalakhak, lalo na kapag nakikita ko si Bibi Shone ko na humahagalpak din ng tawa.
Tinititigan ko lamang siya habang tumatawa, nang bigla akong makaramdam ng...
No One POV
Nakaramdam ng antok si Prinsesa Aphrodite Paula kung kaya't nakatulog siya. Naramdaman Naman ni Prinsipe Shone ang unti-unting paglaglag ng kamay ni Prinsesa Aphrodite Paula kung kaya't iniayos niya ang higa ng kanyang Prinsesa.
Nang tapos na niyang ayusin ang pagkakahiga ng Prinsesa, hindi niya maiwasang tumitig sa mayumi at maamo nitong mukha.
Hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na iniibig niya ang dalagang Prinsesa na nasa kanyang harapan. Hindi niya alam kung paano niya nagustuhan at inibig ang naturang prinsesa.
Basta na lamang huminto ang kanyang paligid at bumilis ang tibok ng kanyang puso noong una niya siyang nasilayan.
Iniwas na niya ang kanyang tingin sa kanyang iniibig dahil baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili't kung ano pa ang kanyang magawa.
Itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa pinapanood niyang SpongeBob SquarePants at inubos ang natitirang pagkain na ibinigay sa kanya ni Aphrodite.
Maya-maya ay nakaramdam na rin siya ng antok kung kaya't pinatay na niya ang TV at iniayos ang mga pinagkainan.
Pagtapos niyang gawin iyon ay tumabi na siya ng higa kay Aphrodite at humarap sa kanyang iniibig, tinitigan niya itong muli hanggang sa siya'y nakatulog.
********************
Ang lahat ng nilalang sa Vamperia ay payapa ng nagpapahinga samantalang sa Elementallia naman ay katatapos pa lamang ng naganap na digmaan.
Tulad ng nangyari sa naganap na digmaan sa Vamperia ay nagwagi rin ang mga Elementallian. Nagwagi sila sa pamamagitan ng pagtutulungan kung kaya't kaunti lamang ang napaslang sa kanilang panig.
Kasalukuyan na silang nagpapahinga, nang biglang napatayo si Haring Joshel Frederick sa kanyang kinahihigaan.
"Kumusta na kaya ang Mahal ko? Pinapakain kaya siya ng maayos ni Binibining Cassiopeia? Nakakatulog kaya siya ng maayos kung nasaan man siya ngayon?" - 'Yan ang naging mga katanungan niya sa kanyang isipan na hindi niya namalayang naibigkas
Nag-teleport na lamang siya sa kusina upang iwaksi ang mga katanungan sa kanyang isipan.
Pagdating niya sa kusina ay binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng dugo na kanyang maiinom. Dugo iyon ng tao na kanyang binili mula sa Blood Bank. Kung sabagay matagal na rin simula ng huli siyang uminom ng dugo.
Matapos niyang inumin ang dugo ay ginamit niya ang isa pa niyang kakayahan upang malaman kung nasaan ang kanyang sinisinta. Subalit bigo siyang matagpuan ito.
Bumuntong hininga siya't muling nag-teleport sa kanyang silid upang makapagpahinga.
Hermione Athena POV
Hinawakan ako sa balikat ni Binibining Cassiopeia. Sa isang iglap lamang ay napunta kami sa isang lugar na ngayon ko lamang napuntahan at nasaksihan sa loob ng ilang araw na pamamalagi ko sa Immortallia.
"Narito tayo sa Sagradong Lupain. Iilan lamang ang mga nilalang na nakakapasok at nakakalabas ng buhay sa lugar na ito." - Agad na sabi ni Binibining Cassiopeia
"Bakit iilan lamang ang nakakapasok at nakakalabas ng buhay rito?" - Tanong ko habang nakatingin sa kanya
"Batay pa lamang sa ngalan nito, sagrado ang lupain na ito. Ngunit huwag kang palilinlang sa mga nakikita mo dahil hindi lahat ng iyong nasasaksihan ay tunay." - Seryoso niyang tugon sa aking katanungan habang nakatingin sa akin
"Paano mo naman nasabi iyan?" - Muli kong tanong sa kanya
"Batid kong maraming katanungan ang nabuo diyan sa 'yong isipan. Subalit batid ko rin na napagod ka sa paglalakad kanina sa Hardin kasama si Haring Frederick. Bukas ko na lamang sasagutin ang iyong iba pang katanungan at magpahinga ka na lamang upang magkaroon ka ng lakas para sa iyong pagsasanay bukas." - Mahabang ani niya sabay kumpas ng kanyang kamay at bigla na lamang nagkaroon ng isang maliit na kubo sa aming harapan
Bago ako pumasok sa maliit na kubo ay pinagmasdan kong muli ang paligid. Tila ba nasa isa akong Isla dahil mukang napalilibutan ng tubig ang buong lupain. Mayroong Gubat at sa pinakagitna nito ay isang Bulkan.
May mga kakaiba rin akong hayop na nakikita. Kahit madilim na ang paligid ay nagsisilbing liwanag ang sinag ng labing-dalawang tala kasama ng dalawang Buwan.
Pumasok na ako sa maliit na kubo matapos kong pagmasdan ang paligid. Narito na pala si Binibining Cassiopeia, nakalutang siya sa hangin habang naka-Indian Sit.
Nakita kong isa lang ang higaan kaya magtatanong sana ako kung bakit isa lamang ang higaan ngunit bago ko pa maibuka ang aking mga labi ay nagsalita na siya.
"Sinadya ko talaga na isa lamang ang mahihigaan dahil ganito ako matulog, nakalutang sa hangin." - Ani niya habang nakapikit ang mga mata't nakalutang sa hangin
Nanahimik na lamang ako at nahiga sa higaan dahil nga sinagot na niya ang dapat na itatanong ko sa kanya. Nakahiga na ako sa higaan ngunit hindi pa rin ako makatulog.
Biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari kanina sa Hardin. Kinilig ako kanina dahil sa ginawa ng Joshrick ko.
Kumanta siya ng "For Life" english version by D.O at nakasabay ko siyang naglakad sa hardin ng matagal. Kinilig din ako kanina dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin bago kami umalis ni BinibiningCassiopeia. Kaya lang nakarami na siya eh.
Hindi pa rin ako makatulog kaya naisipan kong maglakad-lakad. Nalilibang ako habang naglalakad dahil sa mga kakaibang nilalang na nakikita ko. Ang iba sa kanila ay nagliliwanag kung kaya't nakadagdag sila sa liwanag na nagmumula sa tala at buwan.
Naglakad pa akong muli hanggang sa napunta ako sa loob ng kagubatan. Malayo na ang aking narating kaya naisipan ko ng bumalik.
Naglalakad na ako pabalik sa maliit na kubo ng may bigla akong marinig na kaluskos. Pinakiramdaman kong maigi kung saan nagmula ang kaluskos na iyon.
Pinakiramdaman ko rin kung gaano kalakas ang inilalabas niyang enerhiya. Hindi nagtagal ay natunton ko kung saan ito nagmumula at ramdam kong malakas ang enerhiya niya.
Hindi pa ako nagtatagal dito sa Immortallia ngunit nadadagdagan na ang aking kaalaman tungkol sa mundong ito dahil sa tulong nila Aphrodite.
Naramdaman ko na mabilis itong lumalapit sa akin at sa isang iglap lamang ay may nakita akong papalapit sa akin.
End of Chapter 33
Edited Date: Mar. 1, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...