Chapter 15: The Visitors

303 10 0
                                    

Hermione Athena POV

Bubuksan ko na ito ng may biglang umagaw nito sa aking kamay. Nang tingnan ko kung sino ang kumuha sa aking kamay, nakita ko si Ama na nakatayo sa aking harapan at hawak ang kulay itim na kahon.

"Hermione, saan mo ito nakuha? Hindi mo pa ito maaaring buksan sapagkat hindi pa ito ang tamang panahon." - Ani ni Ama sa walang kaemo-emosyong itsura

"Ama, ano po ang ibig ninyong sabihin? Bakit n'yo po nasabing hindi pa ito ang tamang panahon upang ang kahon na iyan ay aking buksan?" - Tanong ko ng may pagtataka sa mga winika ni Ama

"A-ahh... kasi hindi pa ngayon ang i-iyong ka-kaarawan kung kaya't nabatid kong hindi pa ito ang tamang panahon upang ito'y iyong buksan." - Sagot ni Ama na medyo nautal pa sa pagpapaliwanag sa akin

"Ah ganoon po ba? Sige po manonood na lamang po ako habang kumakain ng fries. Nais n'yo po ba na ako'y samahan?" - Ani ko na nagtanong kung gusto niya akong samahan sa panonood

"Ah... hindi na anak. A-akyat na lamang ako sa aking silid nang sa ganoon ay makapagpahinga na ako." - Sagot ni Ama na medyo namumutla pa

"Sige po, Ama. Magpahinga na po kayo sapagkat muka po kayong namumutla." - Ani ko pa ng may pag-aalala

Umakyat na nga si Ama upang pumunta sa kanyang silid. Ito na naman ako nanonood pa rin habang kumakain ng fries.

Habang nanonood ako at kumakain ng fries ay hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang kakaibang kahon na iyon kanina.

Makalipas ang ilang oras, bigla akong napahikab ako. Nakaramdam na ako ng antok kaya pinatay ko na 'yong DVD Player at TV. Pagtapos kong patayin ang TV at DVD player ay umakyat na ako sa aking silid at saka nahiga.

Sa totoo lang, hindi pa rin nawawala sa aking isipan kung ano ang laman ng mapang-akit na kahong iyon kahit ilang oras na ang lumipas.

Bakit ako nahihikayat na buksan ang kahon na iyon? Bakit parang may nag-uudyok sa akin na ito'y kunin? Ano ba ang laman ng kahon na iyon kung kaya't naging ganoon na lamang ang pagpigil sa akin ni Ama na buksan iyon?

Harry Apollo POV

Napabuga ako ng hangin dahil sa nangyari kanina. Mabuti na lamang napigilan ko ang pagtatangka ni Hermione na buksan ang mahiwagang kahon. Bakit ba kasi napunta roon itong Mahiwagang kahon?

Hangal! Nalimutan mo ba na isa iyong Mahiwagang Kahon kung kaya't may nagagawa itong kakaiba? Tsk! Pati ba naman ang aking isipan ay nakikipagtalo sa aking sarili.

Napabuntong hininga na lamang ako sa pagtatalo ng aking sarili sa aking isipan. Nang bigla kong naisipan na puntahan ang Hari ng Vamperia.

Lumabas ako ng aming tahanan at nagpunta sa gubat upang magtungo sa Hari ng Vamperia. Ipapa-alam ko na rin ang nangyari kanina lamang.

Nang malayo na ako sa aming tahanan ay gumawa ako ng portal papunta sa kanyang tahanan at saka pumasok. Paglabas ko ng portal ay nakita ko siyang naka-upo sa isa sa mga upuan na nasa kanyang sala habang suot pa rin ang kanyang walang ekspresyong muka.

"Magandang gabi, Hari ng Vamperia." - Masiglang bati ko na bahagya pang yumukod

"Ano ang iyong sadya at naparito ka?" - Tanong niya matapos ko siyang batiin

"Naparito ako upang ipabatid na nagsisimula ng kumilos ang mahiwagang kahon sapagkat nalalapit na ang kaarawan ng Itinakdang Prinsesa." - Pagsabi ko ng dahilan ng pagparito ko sa seryosong tono at pananalita

"Huwag ka ng mag-alala pa, Ginoong Harry. Malapit na rin matupad ang aking binabalak at bukod doon ay may inatasan pa ako na magbantay sa Itinakdang Prinsesa liban kay Aphrodite." - Ani niya sa malamig pa rin na tinig at pananalita

"Kung ganoon ba'y... hindi ko na kailangan pang mangamba?" - Tanong ko upang mapawi na ng lubusan ang aking pangamba

"Ganoon na nga. Tulad ng aking binanggit ay may iba pa akong inatasan na magbantay sa Itinakdang Prinsesa." - Ulit niya na hindi pa rin nagbabago ang pananalita

"Kung gano'n, Hari ng Vamperia. Aalis na ako dahil tila nagambala kita sa iyong pag-iisip." - Pagpapaalam ko na bahagya muling yumukod bago umalis

Napailing na lamang ako habang naglalakad pala as ng kanyang tahnan. Kahit kailan ay hindi pa rin siya nagbabago. Ganoon pa rin ang kanyang pakikitungo sa mga nilalang na nakaka-usap.

Ano kaya ang magiging pakikitungo niya sa Itinakdang Prinsesa kapag sila'y nagtagpo na?

Itinigil ko na ang pag-iisip nang narito na muli ako sa aking tahanan. Pumasok ako sa aking silid at saka nagpahinga.

Hermione Athena POV

Ito ako ngayon, ginagawa na ang daily routine dahil papasok na naman ako sa T.U. Syempre kapag bagong araw, ibig sabihin ay may bagong pag-asa. Charot hahahaha!

Pagtapos ko sa daily routine ko ay bumababa na ako. Pagbaba ko ay nakita ko si Ama na kumakain ng Agahan. Lumapit ako sa hapag at umupo sa katabi niyang upuan upang sumabay sa kanyang pagkain.

Himala kumakain si Ama ngayon. Tuwing umaga kasi ay umi-inom lamang siya ng mainit na Kape habang nagbabasa ng pahayagan. Nakakapagtaka lang talaga.

"Kumusta ang iyong panonood kagabi?" - Tanong ni Ama na bahagya pang pinunasan ang kanyang labi sapagkat tapos na siya sa pagkain

Ang bilis naman kumain ni Ama. Tapos na agad siyang kumain? Hahahaha! Oo nga pala... kabababa ko pa lang pala kaya natural lamang na nauna siya sa aking matapos kumain. Hahahaha! Pati ba naman iyon  ay nakalimutan ko pa hahahaha!

"Maayos naman po ang aking panonood kagabi, Ama. Nga po pala, kumain po ba kayo ng hapunan kagabi?" - Ani ko na huminto muna sa pagkain bago nagsalita at nagtanong

"Hindi na ako kumain pa ng hapunan kagabi sapagkat ako'y napagod sa mga ginawa ko kahapon sa aking trabaho." - Ani niya na bahagyang nagulat sa aking katanungan ngunit agad naman siyang nakabawi

"Ah ganoon po ba..." - Ani ko na lamang at saka ipinagpatuloy ang pagkain

Tapos na akong kumain kung kaya't inayos ko na ang aming pinag-kainan. Habang inaayos ko ang aming pinag-kainan ay biglang tumunog ang door bell.

***** Ding Dong! Ding Dong! *****

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa aking nakita pagbukas ko.

End of Chapter 15

Edited Date: Feb. 3, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon