Chapter 44: The Return of the Legendary Magical Princess

197 4 0
                                    

Binibining Mishil POV

Kasalukuyang naka-angat sa hangin ang Hari ng mga bampira habang hinahabol ang kanyang hininga.

Nagagalak ako dahil nagagawa ko ito sa magiging kabiyak ng Itinakdang Prinsesa na magliligtas daw sa buong sanlibutan laban sa akin.

Nakawala si Haring Frederick sa aking kapangyarihan dahil bigla na lamang kumirot ang aking puso at nakaramdam ng pagdadalamhati. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng ganito. 

Tingnan ko kung saan bumagsak ang walang kamalay-malay na katawan ni Frederick.

Tsk! Napakahina naman pala ng tinaguriang pinaka-malakas at pinakakinatatakutan na Hari ng Vamperia hahahaha! Nawalan kaagad siya ng malay sa simpleng pag-atake kong iyon hahahaha!

Sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito dahil sa wala siyang malay at tiyak na hindi niya ako malalabanan.

Inatake ko muli siya gamit ang aking libo-libong espada. Subalit nabigla ako no'ng mawala ang mga espada na iyon, tila ba isang bulang pumutok sa hangin habang lumilipad.

Pinakiramdaman ko ang paligid at may naramdaman akong malakas na enerhiya. Marahil siya ang may gawa ng paglaho ng aking mga espada kanina.

Nilingon ko kung kanino nanggagaling ang malakas na enerhiyang iyon at napangiti ako nang makita kung sino iyon.

Hermione Athena POV

Dumaan ang ilang araw, linggo at buwan, lagi akong nagsasanay rito sa Sagradong Lupain. Sa ilang buwan na lumipas ay determinado akong matutunan ang mga dapat kong matutunan sa pagsasanay at ng dahil do'n ay lumakas pa ako.

Kasalukuyang akong narito sa gubat ng Sagradong Lupain kasama si Cassiopeia upang ipagpatuloy ang aking pagsasanay.

Nang biglang may lumabas na mga imahe sa aking isipan kung kaya't napatigil ako sa aking pagsasanay.

Nang tapos na ang mga imaheng iyon na magpakita sa aking isipan, agad akong napatingin kay Binibining Cassiopeia na tila ba nagtatanong kung nakita niya rin ang pangitaing lumabas sa aking isipan.

"Kinakailangan na nating bumalik sa Immortallia upang tulungan sila sa pakikidigma." - Ani ni Binibining Cassiopeia bilang pagsagot sa aking tingin sa kanya

Tumango ako at pumalakpak siya ng dalawang beses. Sa isang iglap lang ay nasa harapan na namin ang bagahe na inimpake ni Joshrick ko bago kami nagtungo rito.

"Prinsesa, ikaw na ang magtungo sa Vamperia samantalang ako nama'y magtutungo sa Elementallia." - Dagdag niya na nagpatango sa akin at saka biglang nawala

Hinawakan ko ang aking mahiwagang kwintas kung kaya't lumiwanag ito. Pumikit ako ng bahagya dahil senyales itong nagbabago na ang kwintas.

Pagdilat ng aking mga mata ay nakita ko ang isang Pulang Dragon na may ginintuang kulay na mga mata. Sa harapan ng dragong iyon ay may lumulutang na isang bilog na bagay, tila ba isang imahe ng Yin at Yang na tinatawag ng mga Tsino.

"Narito ang iyong lingkod na si Drachen. Anong maipaglilingkod ko sa inyo, Mahal na Prinsesa?" - Ani niya na bahagyang yumukod 

"Nais kong magtungo tayo sa Kaharian ng Vamperia at kinakailangan nating makarating doon sa lalong madaling panahon." - Ma-otoridad kong ani sa kanya

"Sumakay na kayo sa aking likuran, Mahal na Prinsesa." - Ani niyang muli

Agad akong sumakay sa likuran ni Drachen. Ipinagaspas niya ang kanyang pakpak at umangat kami mula sa lupa. Nagbuga siya ng apoy sa himpapawid at dali-daling pumasok sa loob niyon.

Napapikit ako sa pag-aakalang matutupok ang aming mga katawan sa lagablab ng nilikha niyang apoy subalit nagkamali ako. Sa pagmulat ng aking mata ay nasa Vamperia na kami.

Hindi ko inaasahan na ang aking tagapangalagang dragon ay may kakayahan palang mag-teleport.

Inilibot ko ang aking paningin. Tanging pagkawasak at pagdadalamhati ang aking mga nasaksihan. Nang biglang mapunta sa isang nilalang ang aking tingin.

Nakita ko ang aking pinaka-iibig na nilalang na nakalutang sa hangin habang may nakapalibot sa kanyang leeg na Itim na usok.

Tingnan ko kung sino ang kumokontrol sa usok na iyon at nakita kong kinokontrol iyon ng isang may edad ng babae.

Bigla itong napahawak sa kanyang dibdib subalit hindi nagtagal ay nawala rin ito at napatingin siya sa aking Mahal.

Nakita kong may mga libo-libong espada ang patungo kay Joshrick. Tinitigan ko ang libo-libong espada na patungo sa aking sinisinta at ito'y naglaho ng parang bula.

Hinanap ni ng naturang babae na may katandaan na kung sino ang may kagagawan ng pagkawala ng kanyang mga espada, hanggang sa napunta ang kanyang tingin sa akin. Marahil ay naramdaman niya ang aking enerhiya.

Umalis ako kay Drachen at lumipad patungo sa kanya may edad ng babaeng iyon samantalang siya ay nananatiling nakatingin sa akin. Tinignan ko siya ng masama dahil sa kanyang pagtingin na tila ba nang-aasar pa.

"Drachen, maaari bang tulungan mo muna ang mga Vamperian na sa kanilang pakikidigma?" - Ani ko sa kanyang isipan

"Kung iyon ang iyong nais ay susundin ko, Mahal na Prinsesa." - Ani naman ni Drachen

Tiningnan ko si Joshrick na nakahilata sa lupa. Nakakahabag ang kanyang kalagayan.

Ang kanyang katawan ay puno ng mga galos mula sa pakikidigma sa babaeng ito. Maging ang napakakisig na mukha ng aking si Joshrick ay may mga galos.

Nakaramdam ako ng labis na pagkamuhi sa babaeng ito dahil sa aking nadatnan na senaryo.

Sa labis na pagkamuhing aking nararamdaman ay kumulog ng malakas na madirinig sa apat na sulok ng kahariang ito. 

Napatingin ang lahat sa maitim na kalangitan dahil sa labis kong pagkamuhi kay matandang babaeng ito.

Biglang umulan ng malakas na may kasamang kulog at kidlat. Ang lahat ay basang basa dahil sa biglaang pag-ulan.

"Mahal na Prinsesa, nasa ligtas na lugar na ang mga Vamperian. Samantalang ang mga sugatan ay nasa maliit na tanggapan ni Ginoong Harry." - Singit ni Drachen sa aking isipan

Ginamit ko ang aking kakayahan na hangin upang palutangin sa hangin ang may edad ng babaeng ito.  Tinanggalan ko siya ng hininga dahil sa kanyang ginawa sa aking Joshrick.

Hindi ko na ito patatagalin pa sapagkat humihina na ang pintig ng puso ng aking si Joshrick. Habang pinapatagal ko ang labanang ito, mas lalo lamang manganganib ang buhay ng mga nilalang na mahalaga sa akin.

Matapos ko siyang tanggalan ng hininga, pinahinto ko naman ang pagkilos ng kanyang dugo.

Unti-unti ko ng nakikita na nagiging kulay ube ang kanyang buong katawan. Senyales ito na nagtatagumpay ako sa aking binabalak.

End of Chapter 44

Edited Date: Mar. 14, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon