Someone ( Binibining Mishil ) POV
Nawala siya sa kanyang balanse at kamuntikan ng matumba ngunit agad naman niyang naitayo ng maayos ang kanyang sarili. Marahil ay napasobra ang paggamit niya ng depensa.
Lubos akong nagagalak sapagkat nakita ko na humina ang kanyang depensa hahahaha!
Inatake ko siya gamit ang aking kakayahan na magpalabas ng libo-libong espada. Maliksi niya itong naiwasan dahil isa siyang bampira at likas na sa kanila ang maliksi.
Nang simula'y naiiwasan niya ang aking mga naging atake ngunit sa bandang huli ay natamaan pa rin siya.
Lumipad ako gamit ang itim na Usok na isa sa aking mga kakayahan upang puntahan siya. Nagpalit muna ako ng wangis at ginaya ang wangis ng kanyang ina.
"Ayos ka lamang ba anak ko?" - Tanong ko matapos kong makalapit at hawakan ang kanyang balikat
Mula sa pagkakayuko ay iniangat niya ang kanyang ulo. Nakita ko ang kanyang muka na walang emosyon. Nang bigla na lamang akong nakaramdam na may dumaloy sa aking katawan. Agad akong napalayo sa kanya.
"Mahusay ang iyong pagkilatis, Haring Frederick. Agad mong nalaman na hindi ako ang iyong tunay na Ina." - Puri ko sa kanya ng hindi iniinda ang sakit habang nakangiti
"Mahusay rin ang paggaya mo sa wangis ng aking Ina ngunit mayroon siyang katangian na kahit kailan ay hindi mo magagaya." - Puri pabalik sa akin ni Frederick
"At ano naman ang sinasabi mong katangian ng iyong Ina na kahit kailan ay hindi ko magagaya?" - Tanong ko ng nakangiti ngunit sa aking isipan ay lubha na akong naiinis
"It's for me to know and for you to find out." - Tugon niya sa aking katanungan na ganoon pa rin ang itsura
Akala niya ba'y hindi ko nauunawaan ang wikang kanyang ginamit? Tsk! D'yan siya nagkakamali dahil nagtungo na ako sa mundo ng mga tao, ilang taon na ang nakalilipas.
"Talaga ba? Puwes, hindi ko na kailangang alamin pa!" - Inis kong sabi sabay gamit ng Itim na Usok upang sakalin siya
Nagtagumpay ako sa pag-atake kong iyon. Umangat siya sa hangin at maya maya'y pilit ng hinahabol ang kanyang hininga.
Joshel Frederick POV
Sumugod na nga ang Masamang Angkan. Nakita kong tumigil sila ilang kilometro ang layo mula sa hangganan ng Vamperia.
Lumabas mula sa palangkin ang isang babaeng hindi masyadong katandaan ngunit makikita pa rin sa kanyang wangis ang karikitan.
"Paulanan sila ng mga bolang apoy!" - Pasigaw niyang utos sa kanyang mga kawal
Pinaulanan nga kami ng kanyang kawal ng mga bolang apoy ngunit napigilan iyon ng ginawa kong pananggalang. Naglaho ang mga bolang apoy at ilang sandali lamang ay nakita ko siyang nagbibigkas ng mga salita.
Marahil ay may kakayahan rin siyang bumigkas ng mga salita at magsagawa ng ritwal. Hindi lamang pala ako ang may kakayahang gano'n.
Naglaho ang aking ginawang pananggalang kung kaya't nagkaroon sila ng pagkakataon upang lumusob.
Nakita ko ang unti-unting pagpaslang nila sa aking mga kawal. Nakita ko ring lumalaban sina Shigure pati na ang mga Prinsesa't Prinsipe.
Nawala ang aking atensyon sa labanan sa pagitan ng aking mga kawal at ng mga kalaban, nang biglang may nagpaulan ng mga espada sa akin.
Maliksi ko itong iniwasan dahil likas na sa aming mga bampira ang maliksing kumilos.
Iniiwasan ko lamang ang mga espada nang bigla na lamang akong nanghina kung kaya't natamaan ako ng isa sa mga ito sa aking kanang balikat.
Napaluhod ako dahil sa sakit na dulot ng espadang tumama sa aking balikat. Naramdaman kong may papalapit sa akin dahil sa kanyang malakas na enerhiya.
"Ayos ka lamang ba anak ko?" - Ani niya matapos niyang makalapit at hawakan ang aking kaliwang balikat
Mula sa pagkakayuko ay iniangat ko ang aking ulo upang aking masilayan ng malapitan ang kanyang muka. Sa pag-angat ng aking ulo ay nasilayan ko ang kanyang muka sa wangis ng aking Ina.
Ngunit kahit gano'n ang kanyang wangis, hindi niya ako malilinlang sapagkat kilalang-kilala ko ang aking Ina.
Bagama't kawangis niya ang aking Ina ay ramdam kong hindi talaga siya iyon kung kaya't ginamit ko ang aking isa pang kakayahan.
Ipinadaloy ko ang iilang boltahe ng kuryente mula sa aking balikat patungo sa kanyang katawan. Iyon ang naging dahilan upang siya ay lumayo sa akin ng ilang metro at magbalik sa dati niyang wangis.
"Mahusay ang iyong pagkilatis, Haring Frederick. Agad mong nalaman na hindi ako ang iyong tunay na Ina." - Puri niya sa akin habang nakangiti at tila ba hindi iniinda ang sakit na kanyang nararamdaman
"Mahusay rin ang paggaya mo sa aking Ina ngunit mayroon siyang katangian na kahit kailan ay hindi mo magagaya." - Puri kong pabalik sa kanya na may kaunting pang-aasar
"At ano naman ang sinasabi mong katangian ng iyong Ina na kahit kailan ay hindi ko magagaya?" - Tanong niya ng nakangiti ngunit batid kong sa kaloob-looban niya ay naiinis na siya sa akin dahil nababasa ko ang kanyang isipan
"It's for me to know and for you to find out." - Tugon ko sa kanyang katanungan ng wala pa ring ipinapakitang emosyon subalit sa kaloob-looban ko'y nakakaramdam na ako ng galak dahil sa kanyang mga iniisip
"Talaga ba? Puwes hindi ko na kailangang alamin pa!" - Inis niyang ani at saka ginamit ang kanyang kakayahang Itim na Usok
Nagtagumpay siya sa pag-atake niyang iyon na naging dahilan upang ako'y masakal. Umangat ako sa hangin dahil sa aking pagkakasakal at pilit na hinahabol ang aking hininga.
Napatingin ako sa paligid. Lahat ng aking mga kawal ay pilit na lumalaban, pati na sina Shigure.
Tanging ako na lamang ang pag-asa nila ngunit pa'no ko sila tutulungan kung maging ako ay nanghihina na rin. Pilitin ko mang lumaban ngunit hindi na kinaya ng aking katawan.
Lubos akong nanghihina dahil sa pagkawasak ng pananggalang at sa sunod-sunod na pag-atake ni Mishil. Idagdag pa ang hindi ko paginom ng dugo ilang linggo na ang nakalilipas dahil sa kalungkutan at sa pagiging abala para sa paglusob ng mga kalaban.
Ang tanging nasa aking isipan ay ang maamong muka ng Mahal kong si Hermione at ang mga panahon na kasama ko siya.
Hindi ko man lang nasabi sa kanya na lubos ko siyang iniibig bago siya lumisan upang magsanay.
Ito na ba ang katapusan ng aming buhay? ng aking buhay?
Kung gayon nga, nawa'y nasa mabuting kalagayan ang Irog ko at hindi siya maging malungkot sa aming paglisan, mahal na mahal kita... Mione ko.
End of Chapter 39
Edited Date: Mar. 11, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...