Chapter 38: The Attack

151 4 0
                                    

Joshel Frederick POV

Nang biglang dumating ang isang nilalang na may malakas na enerhiya at ako'y kanyang inatake.

Nakaiwas ako sa kanyang pag-atake at nang dahil sa kanyang atake ay nagkaroon ng isang pagsabog. Naging dahilan ito upang mapatingin ang lahat ng naririto sa aking kinaroroonan.

"Mahusay ang iyong ginawang pag-iwas mula sa aking atake, Haring Joshel Frederick." - Papuri ni Haring Hector Anthony

"Mahusay rin ang iyong ginawang pag-atake, Haring Hector Anthony." - Balik kong papuri sa kanya

Pagtapos makita ng lahat na hindi kalaban ang umatake sa akin ay saka lamang nagbalik ang lahat sa kanilang pagsasanay.

"May balita ka ba ukol sa pagsasanay ni Hermione Athena?" - Bungad na tanong ni Haring Hector Anthony matapos niyang makalapit sa akin

"Yaman rin lamang at nabanggit mo iyan, mabuti naman ang kalagayan niya kasama si Binibining Cassiopeia at naging maayos ang isinasagawa niyang pagsasanay." - Tugon ko sa kanyang katanungan

"Ikaw, kumusta naman ang iyong nararamdaman?" - Tanong niyang muli habang nakatingin sa mga nagsasanay

"Ayos lang naman ako ngunit nangungulila agad ako sa kanya, kahit na kakikita lamang namin kanina." - Tugon kong muli sa kanyang katanungan na may malungkot na tinig

"Ano?! Nagkita kayo kanina? Paano?" - Sunod-sunod niyang tanong matapos niyang marinig ang aking sinabi

"Bahagi iyon ng kanyang pagsasanay. Marahil ay may kakayahan na siyang mag-teleport tulad naming dalawa ni Aphrodite at ni Binibining Cassiopeia." - Tugon ko sa kanyang sunod-sunod na katanungan

"Tunay ngang hindi pangkaraniwang nilalang ang aking Kapatid. Kung sabagay, siya nga pala ang Itinakdang Prinsesa." - Ani niya ng may ngiti sa kanyang mga labi

Sumasang-ayon ako sa kanya dahil sa kanyang tinuran. Tumingin siya sa mga nagsasanay at gano'n din ako.

"Maging sila ay mahusay na ring makipaglaban. Nga pala, magbabalik muna ako sa Elementallia. Nagsasanay rin sila roon at nais kong masaksihan kung sila ba'y humusay na." - Ani niya at saka pinalipad ang kanyang sarili

Nang hindi na siya matanaw ng aking paningin ay nag-teleport akong muli sa silid ni Hermione. Nais ko lamang mamalagi rito.

***** ***** ***** ***** ***** *****

Dumaan ang ilan pang araw at linggo, lagi sila nagsasanay at naglalagi rin ako sa silid ng Mione ko. Sa paglipas din ng araw at linggo ay mas lalo kong nakikita ang tamis ng pag-iibigan nila Paula at Shone, pati na rin sina Shigure at Jason.

Nakakatuwa silang makita na naglalambingan ngunit hindi ko maiwasan na hindi mainggit sa kanila, lalo na't wala sa aking tabi ang Irog ko.

Narito akong muli, pinapanood ang pagsasanay ng lahat. Ang lahat ay nasa gitna ng kanilang pagsasanay ng may bigla akong maramdaman na mga enerhiya at isang napakalakas na enerhiya sa bandang hilaga ng Kaharian.

Pagtingin ko sa gawing hilaga, nakita ko ang bata-batalyong kalaban at isang palangkin na buhat ng ilang kawal. Marahil ay lulan ng palangkin na iyon ang nilalang kung saan nagmumula ang malakas na enerhiya.

Nag-teleport ako sa lugar kung nasaan ang batingaw at pinitik ito. Tumunog ito ng malakas na naging dahilan upang marinig ang tunog nito sa buong lugar na aking nasasakupan.

Sapat na ang aking isang pitik upang mapatunog ng malakas ang batingaw na dinig sa buong Vamperia.

Agad na naging alerto ang lahat ng mga kawal pati na rin sila Aphrodite. Batid nilang may panganib na parating kapag narinig nila ang tunog ng batingaw.

"Magsihanda ang lahat at pumunta sa lugar kung saan kayo iniatas!" - Sigaw ni Paula sa mga Kawal

Nagsihanda na nga sila samantalang ako ay nagtungong muli sa Tore at pinagmasdan ang kilos ng mga kalaban.

Nagbigkas ako ng ritwal upang magkaroon ng pananggalang ang buong kaharian.

Someone POV

Nakasakay ako sa palangkin habang patungo kami sa Vamperia upang lumusob.

Hindi na ako makapaghintay na mapaslang ang mga may dugong Maharlika. Nang sa gano'n ay makapaghari na ako sa buong sanlibutan.

Sa palagay ko ay malapit na ring makarating sa Elementallia ang inatasan ko na lumusob. May tiwala ako sa aking inatasan na magagapi nila ang mga Elementallian lalong lalo na ang pinuno nila na nagmula sa angkan ng mga Elementia.

***** Flash Back *****

"Heneral Seol Won!" - Sigaw ko sa pangalan ng isa sa aking mga Heneral

"Ano ang aking maipaglilingkod sa iyo, Binibining Mishil?" - Tanong sa akin ni Seol Won habang nakayukod matapos niya makalapit

"Nais kong ihanda mo na ang ating mga kawal dahil lulusob tayo sa lalong madaling panahon." - Utos ko sa kanya

"Masusunod, Binibining Mishil." - Ani niya matapos marinig ang aking ipinag-uutos

Aalis na sana siya ng bigla ko siyang pigilan.

"Sandali lamang... nais ko rin na ikaw ang mamuno sa paglusob ng mga kawal sa Elementallia." - Dagdag ko pa sa aking mga ipinag-uutos sa kanya

Tumango na lamang siya at saka umalis. Hindi nila matatalo ang isang tulad ko. Sapagkat ako si Mishil at nasa akin ang kalooban ng langit.

***** End Of Flash Back *****

Ilang kilometro na lamang ang layo namin mula sa hangganan ng Vamperia. Ramdam kong batid ni Frederick na kami ay lumulusob.

"Magsitigil ang lahat!" - Sigaw kong utos na agad naman nilang sinunod

Huminto ang lahat at ibinaba ang palangkin kung saan ako nakasakay. Iniangat nila ang takip ng palangkin at saka ako lumabas.

"Paulanan sila ng mga bolang apoy!" - Sigaw ko muling utos sa mga kawal na may Kapangyarihang Apoy

Pinaulanan nga ng aking mga kawal ng bolang apoy ang Vamperia. Ngunit nagtaka ako ng hindi man lamang ito napunta roon at bigla na lang naglaho. Marahil ay gumamit siya ng Ritwal na nagsisilbing Pananggalang.

Nagbigkas ako ng Ritwal na maaaring lumaban sa Ritwal ng Pananggalang na ginawa ni Frederick. Napangiti ako ng mawasak ko ang ginawa niyang pananggalang.

"Magsilusob na kayo at paslangin ang lahat ng nilalang na buhay ninyong makikita't maaari pang lumaban!" - Sigaw ko pang utos sa kanila

Lumusob na nga sila at pinaslang ang lahat ng nilalang na nakikita nilang buhay.

Natutuwa ako sa aking mga nasasaksihan, unti-unti ng nauubos ang mga Vamperian. Nakita ko si Frederick na nakatayo sa tore kung kaya't pinaulanan ko siya ng sunod-sunod ng mga sibat.

Mas lalo akong nagalak dahil hindi ko inaasahan ang nangyari sa kanya.

End of Chapter 38

Edited Date: Mar. 7, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon