Hermione Athena POV
Matulin na lumalapit sa akin ang isang nilalang na tila ba isang nagwawalang Toro. Ang pinagkaiba niya lamang sa Toro na nakita ko sa mundo ng mga Mortal ay ang kanyang mata na sing itim ng kadiliman at ang sobrang lakas na enerhiyang nagmumula sa kanya.
Sinuwag niya ako gamit ang kanyang malaking sungay. Subalit naiwasan ko ito. Hindi ko alam kung paano ko ito nagagawa... basta na lamang kumikilos ang aking katawan.
Huminto ang mistulang Toro no'ng hindi niya ako natamaan ng kanyang sungay. Susugod siyang muli ngunit umangat ang aking kamay at bigla na lamang siyang lumutang sa hangin.
Ilang sandali pa ay agad siyang bumulusok pababa. Tinitigan kong mabuti ang mistulang Toro, ngayon ay nakahilata siya sa lupa at wala ng buhay.
"Mahusay ang iyong ginawa, mahal na Prinsesa." - Ani ng isang tinig na batid kong nagmumula kay Binibining Cassiopeia
"Hindi ko inaasahan na gano'n mo kadali napaslang ang Orot na iyon." - May ngiti niya pang turan
"Ibig sabihin, batid mong susugod sa akin ang Toro este ang Orot na iyon?" - Hindi makapaniwala kong turan
"Oo naman, nalimutan mo bang ako ang Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap." - May ngiti niyang ani
"Oh siya, tayo ng magbalik sa kubo na aking ginawa nang sa gano'n ay makapagpahinga ka na." - Ani niya sabay hawak sa aking balikat at sa isang iglap lamang nasa loob na kami ng kubo
Hay... nalimutan kong siya ang Dakilang Tagapag-ulat ng Hinaharap at hindi na ako magtatakang mabilis kaming nakarating dito.
"Matulog ka na at magpahinga. Tiyak na magagalit sa akin si Haring Joshel Frederick kapag nalaman niyang pinabayaan kitang mapagod." - Ani niya pang muli na may ngiting nakaloloko sa akin
Hay... ang sweet naman ng Mahal ko. Humiga na ako at napatingin kay Cassiopeia.
Tulad kanina'y nakalutang siya sa hangin at naka-Indian Sit habang nakapikit. Natulog na nga ako dahil nakapikit na si Cassiopeia.
Someone POV
"Kamahalan, mayroon po akong iuulat sa iyo." - Ani niya ng nakayukod
"Ano ang iyong iuulat?" - Seryoso kong tanong sa kanya
"A-ang p-pangkat na l-lumusob sa K-kaharian ng Vamperia at E-Elementallia ay nasawing lahat." - Tugon niya na tila ba natatakot kung kaya't siya ay nauutal
"Bakit ka nauutal? Nakararamdam ka ba ng takot sa akin?" - Tanong kong muli na nagpipigil ng galit
Tumango siya ng dalawang beses. Hahahaha! Sino nga ba naman ang hindi matatakot sa akin, kung maramdaman nila ang malakas kong enerhiya hahahaha!
Hangal na lamang ang hindi makararamdam ng takot sa akin at sa taglay kong Kakayahan hahahaha!
"Ang sabi mo'y nasawi ang lahat ng mga lumusob sa dalawang kaharian, hindi ba?" - Tanong kong muli ngunit sa pagkakataong ito'y nakahawak na ako sa aking sandata
"O-opo..." - Utal niya pa ring sabi
"Kung gayon, bakit ka narito sa aking harapan at nananatiling humihinga?" - Tanong ko pang muli sa kanya na nakataas ang isang kilay
"Kasi po..." - Tugon niya ngunit agad ko iyong pinutol
"LAPASTANGAN! HUWAG KA NG MAGDAHILAN PA SAPAGKAT BATID KO NA ISA KA SA MGA LUMUSOB. ISA KANG HANGAL KUNG INIISIP MO NA AKO'Y MALILINLANG MO." - Ani ko sa nagpupuyos na galit
Agad kong ibinato sa kanya ang aking Sibat dahil sa aking poot na nararamdaman.
Ayoko sa lahat ay ang duwag. Tsk! Magtatangka pa talaga siyang linlangin ang isang tulad ko? Walang sinuman ang makapaglilinlang sa akin.
Nabawian siya agad ng hininga dahil natamaan na siya sa puso ng aking sandata. Nasaksihan ng mga kawal at alipin ang ginawa kong pagpaslang sa Hangal na iyon.
Batid ko na nakaramdam sila ng labis na takot at natutuwa ako roon. Pinakalma ko ang aking sarili at agad na nag-teleport sa aking silid. Nais ko ng matulog at magpahinga dahil lumalalim na ang gabi.
Nagkakaroon na ako ng guhit sa aking mukha dahil sa labis na pag-iisip kung paano matatalo ang aking mga kalaban. Humiga na ako sa aking higaan at nagsimula ng matulog.
Marco POV
Batid ko na may itinatago sa akin si Bea ukol sa kanyang tunay na pagkatao. Subalit, hahayaan ko na lamang iyon dahil ramdam ko na hindi siya masamang nilalang.
Bumalik ako sa silid kung saan ko siya pinatutuloy. Nakita ko siyang nakaupo sa kanyang higaan at malayo ang tingin.
"Huwag mong isipin iyon... mahal ka no'n." - Biro ko sa kanya na naging dahilan ng kanyang paglingon sa akin
"Huh? May sinasabi ka ba sa akin?" - Tanong niya sa akin
"Hahahaha! Ang sabi ko huwag mong isipin iyon... mahal ka no'n hahahaha!" - Biro ko sa kanya habang tumatawa
"Ah... iniisip ko lamang kung ano na ang wangis ng aking kapatid at magulang dahil matagal ko na silang hindi nasisilayan." - Ani niya sa malungkot na tinig at mukhang malapit nang tumulo ang butil ng kanyang luha
"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita na makita sila." - Pagpapagaan ko sa kanyang loob
"Ayusin mo na ang iyong sarili at magpalit ng damit sapagkat magtutungo na tayo sa Immortallia." - Ani ko sa kanya na nagpapigil sa pagtulo ng kanyang luha
"Hindi mo naman siguro ako dadalhin sa Masamang Angkan, hindi ba?" - Paninigurado niyang tanong sa akin
"Oo naman at bakit naman kita dadalhin sa Masamang Angkan, kung kalaban namin sila?" - Ani ko at saka ibinalik ang tanong sa kanya
"Nais ko lamang makatiyak na nasa mabuti akong kinalalagyan." - Tugon niya
"Kung sabagay kahit ako ganoon din ang gagawin." - Pagsang-ayon ko sa kanya
"Oh siya, magsimula ka ng mag-ayos upang tayo ay makaalis na." - Utos ko sa kanya
Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako sa kanyang silid at nagtungo sa teresa.
Ilang linggo na rin akong nananatili sa mundong ito at nagustuhan ko naman iyon. Napakapayak ng pamumuhay rito, ni hindi na kailangan pang gumamit ng Kakayahan. Kailangan lamang ng sipag, tiyaga at husay sa pagpapasya upang hindi ka mapariwara't umunlad ang pamumuhay.
Nais kong magbalik sa mundong ito balang araw ngunit mukhang hindi iyon matutupad dahil mayroon akong tungkulin sa aking mga nasasakupan.
Tama na ang pagdadrama Marco, nagmumukha ka lamang hangal na umiiyak mag-isa.
Marahil ay tapos na si Bea mag-ayos kung kaya't magtutungo na akong muli sa kanyang silid. Pagpasok ko sa kanyang silid ay una kong napansin ang isang maliit na sling bag. Hindi kalayuan ay nakakita ako ng isang anghel na bumaba mula sa langit.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na matulala sa kanyang angking ganda. Ngayon lamang ako naging ganito sa isang babaeng nilalang. Banayad ang kanyang paglalakad patungo sa akin.
Bumilis ang tibok ng aking puso habang siya'y palapit ng papalapit sa akin. Nagulat na lamang ako ng siya ay nasa aking harapan at ginawa ang hindi ko inaasahan.
End of Chapter 34
Edited Date: Mar. 3, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...