Chapter 13: Group Mates

359 9 0
                                    

Hermione Athena POV

***** Kring! Kring! Kring! *****

Sa wakas ay nag-bell na at hudyat itong tapos na ang oras ng klase namin kay Professor Mcgonagall kaya nagpaalam na siya para umalis. Nang naka-alis na siya, bigla akong nakaramdam na parang may nakatingin sa akin.

Lumingon ako sa kanan ko, wala namang nakatingin at saka ko lang napansin na magkakatapat pala ang mga upuan namin. Subalit ang pinagkaiba lamang ay nasa kaliwang bahagi sila ng silid-aralan namin samantalang kami naman nila Aphrodite nasa bandang kanan. 

Imposible naman na may nakatingin sa akin mula sa aking kaliwa dahil nasa tabi ako ng bintana at ang silid-aralan namin ay nasa ika-sampung palapag ng aming paaralan.

Napabuntong hininga lang ako dahil sa naisip ko. Naisipan ko na tignan muli ang mga transferees from KOREA. Talagang mahahalata mo ang mga ugali nila sa kanilang mga ginagawa. 

Si Marco Lee ay tahimik na nagbabasa ng libro. Grabe ah... kailangan talaga nakasuot ng reading glass kapag nagbabasa?

Si Jason Kang naman ay nakikipaglandian sa kaklase naming mahaharot na naka-upo sa harapan niya.

Si Shone Kim naman hahahaha! Nanonood ng Sponge Bob sa phone niya. Jaya nga lang ay korean si Sponge Bob eh. Kaunti lang tuloy ang naiintindihan ko hehehe...

Samantalang itong si Andrei Park ay natutulog na. Tanghaling tapat tulog agad?

Nang bumukas ang pinto ay pumasok si Professor Lupin. Tulad ng nangyari sa klase namin kay Professor Mcgonagall ay nagpakilala muli ang mga transferees. Kaya ayon ang ingay na naman ng classroom namn.

"Okay Class! Stop with the noise and fix yourselves. Since no one was Absent today, twenty-eight students are here present. I'll group you into four. So that every group will have seven persons." - Ani agad ni Professor Lupin sa seryoso at ma-otoridad na pananalita

Grabe talaga si Professor Lupin. Ang hilig talagang mag-ingles kahit na isang dekada na siyang nakatira rito sa Pilipinas.

Nagtataka siguro kayo kung paano ko nalaman na isang dekada na siyang nakatira dito sa Pilipinas noh? I have my own ways hahahaha! Hinati nga kami ni Professor sa apat na pangkat.

"Okay! Group 1 are blah blah blah. Group 2 are blah blah blah. Group 3 are blah blah blah. Last but not the least group 4 are... Marco, Jason, Shone, Andrei, Ginny, Aphrodite and Athena. We'll have a play about the story that you've read yesterday. I want every group to interpret the story in your own way." - Ani ni Professor Lupin sa seryoso pa ring pananalita 

 WHAT?! Magiging ka-group ko 'yong mga korean na 'yon? Grabe! Makakaya ko kayang makipag-usap sa kanila?

Kung sabagay ka-grupo ko rin naman sina Shigure at Aphrodite, kaya okay lang. Kaso nga lang baka DUMUGO ang ilong ko dahil sa ka-gwapuhan este kakasalita nila ng ingles eh.

"By the way, our lesson for today is about Drama or Play. That's why I gave a group project. So, let's start the discussion." - Pag-announce ni Professor Lupin habang nasisimula na sa pagpapaliwanag ng lesson niya

Hindi ko na pinakinggan 'yong pagpapaliwanag ni Professor dahil nabasa at nakabisado ko na 'yan kagabi. Ang galing ko noh? hahahaha! Buti na lang ma-abilidad ako at naalala ko 'yong sinabi ni Professor Lupin hahahaha!

***** Kring! Kring! Kring! *****

"Class dismiss! Oh before I forgot, I'll give you two weeks to prepare and internalize the story that you'll be act on the spot. So, good bye." - Pahabol pa na sabi ni Professor Lupin bago umalis

Ay grabe! On the SPOT talaga?! Inayos ko na ang mga gamit ko dahil nga vacant na.

Pagtapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nakita kong tapos na rin sina Aphrodite at Shigure sa pag-ayos ng gamit nila. Sabay sabay na kaming lumabas ng room at saka pumunta sa Cafeteria. Pagdating namin ng Cafeteria ay agad kaming humanap ng bakanteng table at saka umupo.

"Athena, ako na lang ang mag-o order ng mga kakainin natin." - Pagpepresinta ni Shigure

"O sige, Carbonarra na lang sa akin at Pineapple Juice." - Sabi ni Aphrodite sa usual facial expression niya

"Hahahaha! Kahit kailan Aphrodite napaka-health conscious mo hahahaha! Nga pala, Fried Chicken with two Rice at saka Soft Drinks na lang ang sa akin." - Sabi ko naman habang tumatawa

"Hahahaha! Grabe ka Athena ah hahahaha! With two vice talaga? hahahaha! O siya, punta na ako sa counter para makabalik ako agad." - Sabi ni Shigure na natatawa pa rin habang paalis

Pumunta na nga si Shigure sa counter para mag-order. Nang biglang magtilian ang mga kaklase kong... alam n'yo na hahahaha!

Pagtingin namin ay pumasok pala 'yong mga korean transferees. Grabe talaga eh noh? Ang bilis nilang sumikat dito sa T.U. 

Dumating na si Shigure dala ang mga order namin kaya kumain na kami. Nang biglang tumahimik ang paligid kaya tumingin ako sa mga ka-schoolmate ko. Ay... ang sasama ng tingin sa amin. 

Pagtingin ko kay Shigure ay nagpipigil siyang tumili at parang kinikilig pa. Binigyan ko siya ng "Bakit ka Kini-KILIG Look". Tinuro este tiningnan niya ang likod ko.

Pagtingin ko kung saan siya nakaturo, nakita ko 'yong apat na OPPA daw habang dala ang tray na may laman ng pagkain nila.

"Can we join you in your table?" - Hinging permiso ni Marco Lee

Tinignan ko 'yong dalawa at nakita kong nagsisimula na sila sa pagkain.

"Oh... yeah, sure." - Sagot ko sa tanong niya dahil nga busy na itong dalawa sa pagkain nila

Buti na lang may walong upuan sa table kung nasaan kami.

Ako~Aphrodite~Jason
Vacant~Table~Marco
Shigure~Andrei~Shone

'Yan ang ayos ng upo namin. Kumakain ako ng tahimik at maayos. Nang landiin este ka-usapin ni Jason si Aphrodite.

"Hi! You're Aphrodite right? Do you have a Boyfriend? I can be yours if you want." - Ani ni Jason na kumindat at nagbigay pa ng nakaka-akit na ngiti.

Hahahaha! Kung alam mo lang Jason hahahaha! Hindi mo basta basta makaka-usap 'yang si Aphrodite lalo na kapag kumakain hahahaha!

No'ng narinig ni Aphrodite ang sinabi ni Jason ay tiningnan niya lang ito ng masama. Kaya ayon, tumigil na si Jason sa kada-daldal. Nang tapos na kaming lahat kumain ay nagsalita si Marco Lee.

"Are you... I mean kaklase ba namin kayo? Because you look familiar." - Tanong ni Marco na may Accent pa rin ng korean pero nai-intindihan naman

"Actually, yes. I didn't know that you can speak in Filipino." - Ani ko na may pagkamangha

"Well, I'm not the only one because all of us can and just like I said earlier we're all half Filipino." - Ani naman niya na may ngiti

"Ehem! Can you Excuse us?" - Singit ni Shigure sa usapan namin ni Marco at saka hila ako pati na rin si Aphrodite sa braso

Dinala kami ni Shigure hindi kalayuan kina Marco at saka siya naiilang na lumingon sa paligid.

"O bakit mo kami hinila?" - Tanong ko na napa-taas pa ang kilay

Paano ba naman kasi alam na may ka-usap 'yong tao sumingit pa at hindi lang 'yon hinila pa ako papalayo sa kausap ko.

"Kasi ano... ahmm... kasi..." - Ani ni Shigure na nauutal pa habang napapa-kamot sa ulo niya

"Kasi ano?" - Tanong ni Aphrodite na napakunot pa ang noo dahil sa pambibitin ni Shigure sa sasabihin niya

End of Chapter 13

Edited Date: Feb. 1, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon