Chapter 36: When Prince Andrei is Furious

163 4 0
                                    

Andrei POV

Nagbabadyang tumulo ang aking mga luha. Subalit hindi nagtagal ay hindi ko na napigilan pa ang unti-unting pagtakas mula sa aking mata ang isang butil ng luha. Agad ko itong pinunasan upang hindi nila iyon makita.

Pagtapos kong punasan ang aking luha, nakita ko sila na nakaupo sa mga Sofa. Umupo na rin ako sa bakanteng upuan at nagsimula na silang magkwentuhan.

"Marco, bakit ilang araw kang nawala?" - Bungad na tanong ni Shone

"Iyon na nga ang sasabihin ko. Siya si Angela Nicart, nagkakilala kami sa mundo ng mga mortal at kamuntikan ko na siyang masagasaan." - Pagsisimula ng kanyang kwento na nagpainis sa akin

"Mabuti na lamang talaga'y hindi ko siya natamaan ngunit isa pala siyang Immortal na tumakas mula sa kamay ng mga Masamang Angkan." - Pagpapatuloy niya na nagpakuyom sa aking kamao

Binihag pala siya ng Masamang Angkan kung kaya't hindi ko siya nakita sa loob ng maraming taon.

Nakita kong maraming bakas ng sugat ang kanyang braso sa nagdaang taon. Tinitiyak ko na magbabayad ng malaki ang Masamang Angkan dahil sa ginawa nila sa kanya.

Lumabas na ako ng sala dahil sa nakararamdam ako ng labis na pagkapoot at ayaw kong makita silang nag-aalala sa akin.

Nagpalit ako ng anyo at naging isang mabangis na puting lobo. Tumakbo ako paalis ng Vamperia at nagtungo sa kagubatan.

"Awooooo! Awooooo! Awooooo!" - Alulong ko upang maibsan ang aking nararamdamang poot

Batid kong narinig iyon ng aking mga kauri at ng mga nilalang na may malakas na pandinig. Nanatili ako roon hanggang sa maibsan ang lahat ng galit na aking nararamdaman.

"Huwag ka ng magalit dahil wala ka namang iba pang magagawa. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ang iyong mga magulang at ikaw rin ang dahilan kung bakit niya naranasan iyon." - Sabi ng isang nilalang na pamilyar sa akin ang tinig

"Anong ginagawa mo rito?" - Tanong ko matapos kong magpalit ng anyo bilang isang tao

"Nais ko lamang mangamusta sa 'yo, Mahal ko." - Tugon niya ng may pang-aasar

"Ayos lang naman ako at kung ako sa 'yo ay aalis na ako dahil kung hindi ka pa aalis, hangga't nakakapagpigil pa ako. Baka maglaho ka ng wala sa oras dito sa mundong ito." - Ani ko ng may pagbabanta

"Natatakot ako." - Ani niya ng walang kabuhay-buhay at tila nanghahamon pa

"Hinahamon mo ba ako?" - May inis kong tanong sa kanya

"Hindi naman... iniinis lamang kita hahahaha!" - Sabi niya at saka tumawa

Hindi ako umimik at tiningnan ko lamang siya habang tumatawa. Walang emosyon ko siyang tiningnan.

Nang bigla siyang huminto sa pagtawa at sa isang iglap lamang ay wala ka ng makikitang emosyon sa kanyang mukha.

"Mag-iingat ka, Mahal ko. Marahil ito na ang huli nating pag-uusap bilang magkakilala dahil sa tayo ay may pinagsamahan. Ngunit, sa muli nating pagkikita'y ituturing na kita bilang isang kaaway." - Sabi niya na wala pa ring emosyon

"Tama ka. Maging ako ay gano'n din ang gagawin dahil mas pinili mo pang umanib sa Masamang Angkan kaysa sa amin." - Ani ko sa wala ring emosyon

"May dahilan ako kung bakit ako umanib sa kanila at hindi ko iyon maaaring sabihin sa iyo." - Ani niyang muli at saka biglang nawala

Nagpalit muli ako sa aking anyo bilang isang lobo at nagbalik sa Vamperia. Pagdating ko sa Vamperia ay nagbalik akong muli sa aking anyo bilang tao.

Naglakad ako patungo sa silid naming apat ngunit kinakailangan ko munang dumaan sa Sala. Pagdaan ko sa Sala ay wala ng naroon kung kaya't nagtungo na ako sa aming silid.

Pagdating ko ay agad akong nagtungo sa aking higaan. Nais ko munang ipagpahinga ang aking isipan at nararamdaman.

Hermione Athena POV

Paggising ko'y inayos ko ang aking higaan at nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig. Pagtapos kong uminom ng tubig ay may nakita akong mga pagkain sa hapag-kainan.

"Kumain ka na r'yan, Prinsesa Athena. Tapos na akong kumain kaya hihintayin na lamang kita rito sa labas upang masimulan na ang iyong pagsasanay." - Ani ni Cassiopeia sa aking isipan

Umupo na ako sa upuan at kumain. Hindi ko alam kung paano niya napasarap ang mga pagkaing ito. Sobrang sarap ng mga pagkaing ito na halos hindi ako mahinto sa pagkain. Nahinto lamang ako sa paglantak ng mga pagkain nang wala na akong makitang maaaring kainin.

Lumabas na ako ng kubo pagtapos kong kumain. Nakita ko siya na nakalutang muli sa hangin habang nakapikit. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Dahil nagamit mo na ang Kapangyarihan ng Hangin, iyon muna ang iyong unang pagsasanayan." - Ani niya at saka inilapag ang kanyang sarili sa lupa

"Pumunta ka sa malaking bato na iyon at mag-indian sit." - Sunod niyang sabi at itinuro ang malaking bato

Sinunod ko ang sinabi niya at nagtungo sa malaking bato upang maupo.

"Ipikit mo ang iyong mga mata at pakinggan ang paligid." - Panimula ni Cassiopeia na agad ko namang sinunod

"Huminga ka ng malalim at isipin kung paano naglalakbay ang hangin palabas ng iyong katawan, pati na rin ang pagbalik nito sa iyong katawan." - Sabi niyang muli

Sinunod ko ang kanyang sinabi na pakiramdaman ang paglalakbay ng hangin. Iniisip ko kung paano ito naglalakbay.

Hindi nagtagal ay may naramdaman ako na kakaibang nangyayari sa aking katawan. Pagdilat ng aking mata ay nakalutang na ako sa hangin at malakas ang ihip nito.

"Mahusay! Ngayon naman ay gayahin mo ang aking gagawin." - Ani niya ng may pagkamangha sa kanyang mukha

Pinalutang niya ang kanyang sarili sa hangin, tulad ng kasalukuyan kong ginagawa. Humakbang siya sa hangin na tila ba humahakbang sa hagdan. Nag-focus ako at humakbang din tulad ng kanyang ginawa.

"Ngayon naman, mag-isip ka ng lugar na nais mong puntahan." - Dugtong niya

Kaya agad ko ng ipinikit ang aking mga mata at iniisip mabuti ang lugar na nais kong puntahan. Pagdilat ko ng aking mata ay nasa lugar na nga ako na nais kong puntahan at hindi ko inaasahan na makikita ang nilalang na buong araw ko ng hindi nakikita.

End of Chapter 36

Edited Date: Mar. 6, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon