No One POV
Ilang linggo at buwan na naman ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng dalawang kaharian at ng kampon ng Masamang Angkan.
Ang kaharian ng Elementallia at Vamperia ay nagbalik muli sa dating ayos subalit hindi na tulad ng dati.
Bagama't bumalik na ang lahat sa dati ay ramdam pa rin ng lahat na may pagkukulang sa kanila, lalo na ang mga naging malapit ang loob sa itinakdang prinsesa.
Tuwing ika-dalawang araw ng buwan ay nagtitipon-tipon ang mga Prinsesa at Prinsipe ng bawat kaharian pati na rin ang dalawang Hari upang magtungo sa isang lugar kung nasaan ang nag-iisang nilalang na nagpaparamdam sa kanila ng pangungulila.
Kung tititigan ang kanilang mga reaksyon, makikita mong tunay silang nakararamdam ng pangungulila. Makikita ang mga Prinsesa na tumatangis samantalang ang mga Prinsipe tahimik lamang at ina-alo ang umiiyak nilang mga kasintahan.
Samantalang ang Hari ng Elementallia at Vamperia ay nakatitig lamang sa labi ng nilalang na nakaratay sa isang higaan na napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak habang pinipigilan ang kanilang mga luha sa pagpatak.
Haring Joshel POV
Kasalukuyan kaming nagtitipon-tipon dito sa isang sagradong silid sa aking Kaharian. Nagtitipon-tipon kami sa silid na ito tuwing ika-dalawang araw ng buwan upang gunitain ang mga nangyari ilang buwan na ang nakalilipas.
Ilang buwan na nga ba ang lumipas? tatlo? anim na buwan? hindi ko na matandaan kung ilang buwan na ang lumipas dahil para sa akin, ilang taon na ang lumipas dahil sa hustong pangungulila sa kanya.
Nakahiga ang aking sinta sa isang higaan na napalilibutan ng mga makukulay na bulaklak. Nakatitig lamang ako sa kanya.
Araw-araw ay pinapalitan ko ang kanyang kasuotan sa tulong ng aking kakayahan at sa araw-araw na 'yon ay lagi kong nasasaksihan ang kanyang maamong muka.
Walang pinagbago ang kanyang wangis liban na lamang sa paghaba ng kanyang buhok. Nang may bigla akong maalala.
***** Flash Back *****
"Muling mabubuhay ang pinakamakapangyarihang pinuno ng mga Masamang angkan upang tapusin ang nasimulan ng kanyang alagad na si Mishil. Subalit hindi pa mangyayari iyon dahil kinakailangan pa ng sapat na panahon upang mabuhay siya. Sa pagbabalik ng pinakamakapangyarihang pinuno ng masamang angkan, may magbabalik rin na batid kong ikagagalak ninyo." - Dagdag ni Cassiopeia sa kanyang mga sinabi at saka biglang naglaho
'Yan ang mga huling binanggit ni Cassiopeia bago maglaho ng parang bula na nakapagpa-isip sakin.
Muling mabubuhay ang pinakamakapangyarihang Pinuno ng Masamang Angkan? Kasabay no'n ang pagbabalik na siguradong ikagagalak namin?
Iyan ang mga tanong na naisip ko matapos niya maglaho.
Napatigil ako sa pagtangis dahil sa mga tanong na nasa aking isipan. Nasa bisig ko ang aking sinisintang si Mione samantalang nasa harapan ko naman si Hector na tulad ng iba'y tumatangis pa rin.
May napansin akong kakaiba sa aking Mione. Wala ng pintig ang kanyang puso subalit nananatili pa rin ang kulay ng kanyang kutis at mainit pa rin ang temperatura ng kanyang katawan.
Nag-teleport ako sa sagradong silid at inilapag ang kanyang katawan sa higaan na naroon dahil sa napansin kong kakaiba kanina.
Pumikit ako at inisip ang dapat na itsura ng buong silid na ito, pati na ang kasuotan ni Mione ko dahil sa mga dumi na nasa kanyang kasuotan.
Idinilat ko na ang aking mata at muli siyang sinulyapan. Matapos ko siyang tingnan ay nag-teleport ako pabalik sa lugar kung saan naganap ang digmaan kanina.
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...