Aphrodite Paula POV
Pagtapos kong mag-paalam at halikan ang Irog ko este si Shone ay nag-teleport agad ako sa aking silid. Agad din akong nagtungo sa aking higaan ngunit akin pa ring iniisip ang nangyari kanina.
Bakit ko ba kasi siya ninakawan ng halik? Hindi lamang isa kundi dalawang beses ko pa siyang ninakawan ng halik. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.
Noong nagpunta kami ni Kuya sa dining room ay nagkatitigan kami at may mga makukulit na paru-paro ang umiikot sa aking tiyan. Para bang sinapian ako ng kung sinong nilalang dahil sa aking ginawa kay Shone kanina.
Naalala ko 'yong mga napanood at nabasa ko na ukol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
Hindi kaya'y iniibig ko na siya kung kaya't ganoon na lamang ang aking ginawa sa kanya kanina?
Kasalukuyan kong iniisip ang nangyari kanina, nang biglang pumasok sa aking isipan na tutulungan ko pala si Kuya.
Nag-teleport ako patungo sa kanyang opisina dahil batid ko na mas madalas siyang naroon kaysa sa kanyang silid. Pagdating ko sa kanyang opisina ay hindi nga ako ang nagkamali dahil naririto si Kuya. Batid kong ramdam niyang narito na ako kung kaya't nagsalita ako.
"Kuya, may idadagdag ka ba sa mga naisip ko na gagawin natin maya maya lamang?" - Tanong ko sa kanya
"Wala na akong idadagdag pa sapagkat nagustuhan ko ang iyong iminungkahi." - Sagot niya sa aking katanungan
"Kung ganoon ay aalis na ako upang makausap ko na ang iba pang tutulong sa atin." - Paalam ko sa kanya
Tumango naman siya kung kaya't nag-teleport akong muli upang kausapin ang mga naisip kong makatutulong sa aming dalawa ni Kuya. Tiyak ako na matutuwa si Kuya at Bhessie sa mga mangyayari mamaya. Hindi na ako makapaghintay na makita ang mga reaksyon nila.
Hermione Athena POV
Narito ako sa aking silid nagmumuni-muni, nang biglang may kumatok sa pinto.
"Pasok!" - Ani ko sa malakas na tinig
Pumasok ang isang magandang babae at pumasok kasunod niya ang iba pang babae na nasa kanyang likuran. Yumukod silang lahat sa aking harapan upang magbigay galang.
"Magandang araw po, mahal na Prinsesa. Ako po si Feliciana ang pinuno ng mga Dama rito sa Kaharian ng Vamperia. Narito po kami upang ibigay ang handog ni Haring Joshel Frederick at ayusan ka para mamaya." - Ani ng magandang babae na unang pumasok habang nakayukod pa rin sila
Nakita ko nga na may dala silang damit, sapatos at mga kahon na medyo may kalakihan ng kaunti.
"Sige, maliligo na muna ako bago ninyo ako ayusan. Kukunin ko na rin ang damit na iyan." - Turo ko sa damit na dala nila
Agad nilang ibinigay ang damit sa akin at saka ako nagtungo sa palikuran. Inilapag ko ang damit sa isang tabi na hindi mababasa. Naligo ako at ginawa ang dapat gawin kapag naliligo.
Nang nakaligo at nakapagpatuyo na ako ng aking katawan ay isinuot ko na ang damit. Pagsuot ko ng damit ay nakita kong bagay na bagay ang kasuotang ito sa isang magandang dalaga na tulad ko. Tila ba dadalo ako sa isang engrandeng pagdiriwang dahil sa aking kasuotan.
Lumabas na ako ng palikuran at dumaretso sa upuan na katapat ng salamin. Tiningnan ko ang mga Dama na nanatiling nakatitig sa akin. Marahil ay nakakita sila ng DIYOSA dahil sa aking taglay na kagandahan.
"Ayos lamang ba kayo?" - Tanong ko na lumikha pa ng ingay gamit ang aking kamay
Nang dahil sa ginawa kong ingay gamit ang aking kamay ay roon lamang sila natauhan. Lumapit sa akin ang pinuno ng mga Dama at sinimulang suklayan ang aking buhok.
Pagtapos niyang suklayan ang aking buhok ay nilagyan niya rin ito ng mga palamuti. Nang tapos na siya sa aking buhok ay inayusan niya rin ang aking muka at nilagyan ng mga kolorete.
"Suotin niyo na po ang inyong sapin sa paa, mahal na Prinsesa." - Ani niya sa akin at inilapag ng isa pang Dama ang sapatos sa aking harapan
Sinuot ko na nga ang sapin sa paa at sinulyapan ang aking buong katawan sa harap ng salamin. Nagmuka talaga akong Diyosa dahil sa aking ayos. Maging ako ay natulala sa aking sariling kagandahan.
"Tayo na pong umalis, Kamahalan. Sapagkat hinihintay na po kayo ni Haring Joshel Frederick sa inyong tagpuan." - Ani niya na nagpabalik sa aking ulirat
Itinuro niya ang pinto kaya lumabas ako at sumunod naman sila sa aking likuran. Nagtuloy lang ako sa paglalakad, nang bigla akong huminto dahil sa may nalimutan akong itanong sa kanila.
"Nalimutan kong itanong. Saan ang sinasabi ninyong aming tagpuan?" - Tanong ko matapos kong humarap sa kanila
"Sa hardin po kung saan n'yo raw po siya nakita." - Ani ni Feliciana na nasa pinakaharap ko
Hmm... kung saan ko siya nakita? Aha! Alam ko na. Naglakad na ako patungo sa hardin.
Nang malapit na ako sa pinto ng hardin ay bigla na namang bumilis ang tibok ng aking puso. Habang palapit ako ng palapit sa bahagi ng hardin kung saan ko siya nakita ay may mga nilalang ang lumilipad na nagliliwanag, tila ba mga alitaptap na lumilipad tuwing gabi sa mundo ng mga Mortal ngunit kinakabahan pa rin ako.
Ilang sandali pa ang lumipas ay may nakita akong mesang parisukat ang hugis na pang dalawang tao. May mga nakalagay sa ibabaw na mga kubyertos, plato, bulaklak at kandilang may sindi.
Bumagal na ang tibok ng aking puso dahil sa pagkamangha sa aking mga nasasaksihan sa hardin na ito na batid kong nababalutan ng mahika. Patuloy lamang ako sa pagkamangha ng dahil sa mga nasasaksihan ko nang bigla akong nakarinig ng musika.
Pamilyar ang musikang iyon sa aking pandinig kung kaya't lumingon lingon ako upang hanapin kung saan ito nagmumula. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa marinig ko ito ng malinaw at malakas.
Nang mahanap ko kung saan ito nanggagaling ay nagulat ako sa aking nasaksihan. Nakita ko ang isang lalaking may matipunong pangangatawan na nakatalikod.
Nagitla ako nang bigla siyang humarap, sumunod sa saliw ng musika at umawit.
Nakita kong may dala siyang isang kumpol ng pulang rosas. May dala rin siyang bagay na hindi ko lubos maisip na mayroon dito sa Immortallia, ang ERIBONG.
End of Chapter 29
Edited Date: Feb. 8, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...