Mga Nais Sabihin ng Manunulat

386 4 2
                                    

Nagpapasalamat ako sa mga mambabasa na nag-add sa library nila nitong aking istorya. Salamat dahil patuloy kayong sumoporta sa 'kin, pati na sa Mahiwagang kwento ng ating mga bidang sina Haring Joshel Frederick Vamperias at Prinsesa Hermione Athena Elementia. Salamat sa mga nag-vote. Maraming salamat sa mga mambabasa na naglaan ng mahabang panahon at oras na nagbasa nito hanggang sa matapos kahit na sobrang bagal ng update. Maraming Salamat din sa mga magbabasa pa lang.

Kung mapapansin, parang may kulang... Hindi ba? At parang medyo magulo ang takbo ng istorya?

Kung iyan ang mga napansin n'yo noong binabasa ninyo ito... Humihingi ako ng pasensya. Ito kasi ang pinaka-una kong istorya na by chapters at rookie pa rin ako hanggang ngayon. Subalit, huwag kayong mag-alala... Ginagawa ko ang best ko na maitama ang mga maling pangungusap at grammar. Muli, humihingi ako ng paumanhin. Maraming salamat sa pang-unawa.

Nga pala, may Book 2 na ito. Sa totoo lang... Nasa Chapter 34 na ang Book 2 ko sa isang fb page. Nai-publish ko na ang Book 2 kapag nakaisip at nakagawa na ako ng magandang Cover Photo. May istorya rin ako na isa pang by chapters pero tungkol naman iyon sa pagiging Fan Girl at iilang chapter pa lang ang na-update ko ro'n. May iba rin akong istorya rito pero... mga one shot na.

Sa ngayon, Hindi na muna ulit ako gagawa ng panibagong istorya hangga't wala pa akong sariling laptop at WiFi. Pero mayroon na nito sa DREAME APP at lalagyan ko iyon ng mga special chapter. Isa pa... kapag naging full time writer na ako doon sa DREAME, baka burahin ko na ito dito sa Wattpad. Iyan lang muna ang mga gusto kong sabihin.

Muli, Maraming maraming maraming salamat sa inyo my lovely readers. Sana ay patuloy n'yo pa ako suportahan pati na ang mga akda ko.

Nagmamahal,
JFabzzz

Edited Date: Mar. 16, 2021

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon