Angela POV
Nakikipaglaban ako ng mano-mano sa mga kawal ng Masamang Angkan at marami na akong napaslang na mga kawal. Subalit may namumukod tangi sa kanilang lahat, siya na ang aking kinakalaban ngayon.
Malakas at mahusay siya dahil nakakasabay siya sa angkin kong ganda este husay, bilis at lakas.
Kailangan kong isipin kung paano matatalo at mapapaslang ang aking kalaban. Tumingin ako sa paligid at nakita kong gumagamit na ng kanilang mga Kakayahan si Prinsesa Aphrodite.
Marahil ay nahirapan din silang talunin ang kasalukuyan nilang kalaban. Iyon ang naging dahilan kung kaya't may naisip akong paraan upang matalo siya.
Nagpalit ako ng anyo bilang isang Puting Lobo at inangilan siya dahil sa ako'y nainis na sa kanya. Nakaramdam siya ng kaunting takot subalit ayaw niya lamang itong ipahalata sa akin.
Tsk! Sa tingin niya ba hindi ko napansin na siya'y nakaramdam ng takot? Puwes nagkakamali siya.
Bubunutin na sana niya ang kanyang espada ngunit hindi niya ito nabunot nang siya'y aking dambahin at kagatin sa leeg. Sa pagkakataong iyon, siya ay akin ng natalo at napaslang.
Nanatili pa rin ako sa aking anyong lobo at tumingin sa paligid. Nakita kong nagapi na rin nila ang kanilang mga kalaban. Ngunit nagulat ako ng biglang may sumaksak kay Prinsesa Aphrodite at naging dahilan ng kanyang pagkabagsak sa lupa.
Tatakbo na sana ako patungo sa kanya ng bigla kong maramdaman ang hapdi sa aking tagiliran. Napabalik ako sa aking anyong tao at tumingin sa aking gilid.
Do'n ko nakita ang aking kalaban na napaslang kanina habang nakatusok pa rin ang kanyang espada sa 'king tagiliran at bigla na lamang niya ito binunot.
Napasuka ako ng dugo sa pagbunot niya ng kanyang espada mula sa aking tagiliran. Nakita ko siyang ngumisi at biglang nawala.
Tiningnan ko si Prinsesa Aphrodite, kasalukuyan siyang nasa mga bisig ni Prinsipe Shone habang nakahiga sa lupa. Samantalang si Prinsipe Shone ay nakita ko nang tumatangis.
Nahihilo na ako at anomang oras ay batid kong babagsak na ako sa lupa. Biglang sumagi sa aking isipan ang sagutan naming dalawa ni Prinsipe Marco nang kami ay nasa mundo pa ng mga tao.
Hindi ko inaasahan na dahil sa gano'ng tagpo ay mahuhulog ang aking loob sa kanya at siya rin ang naging tulay upang matagpuan ko ang aking kapatid.
Nais kong sabihin sa kanya na siya ay akin ng iniibig ngunit mukhang hindi ko na masasabi pa sa kanya ang aking saloobin ukol sa kanya.
Ramdam kong mahuhulog na ang aking katawan sa lupa ngunit bigla ko na lamang naramdaman ang isang pares ng bisig na sumalo sa aking katawan. Nakapikit ako subalit batid kong si Marco ang sumalo sa aking katawan dahil sa kanyang amoy.
"Angela! Lumaban ka! Kaya mo 'yan. Parang awa mo na... huwag mo akong iwan!" - Ani niya na mababakas sa kanyang tinig ang pagdadalamhati
Pinipilit kong lumaban subalit hindi ko na kaya pang idilat ang aking mga mata. Nahihirapan na rin akong huminga ng maayos. Kailangan ko ng sabihin ang lahat ng nais kong sabihin sa kanya.
"Lumaban ka, Angela... mahal na mahal kita. Huwag mo akong iwan." - Ani niya habang humahagulgol ng iyak
Pilit kong idinilat ang aking mata dahil sa kanyang mga sinabi. Pipilitin ko ring sabihin ang dapat kong sabihin sa kanya hangga't kaya ko pa.
"M-mahal d-din k-kita. P-paumanhin dahil m-mukhang h-hindi na t-tayo m-magkakasama pa." - Utal-utal kong sabi
'Yan ang mga kataga na huli kong sinabi sa kanya bago napapikit muli ang aking mga mata.
No One POV
"ANGELA!" - Sigaw na tawag ni Marco sa ngalan ni Angela habang umiiyak
"Hindi! Mabubuhay ka pa." - Ani niya habang umiiyak pa rin
Lahat ng nilalang sa Vamperia ay napupuno ng hinagpis sa pagkamatay ng dalawang Prinsesa.
Tumatangis si Prinsipe Shone habang nasa kanyang mga bisig si Prinsesa Aphrodite.
Maging ang pangkaraniwang nilalang sa Vamperia ay puno rin ng paghihinagpis sa pagkamatay ng kanilang ka-anak na isa sa mga kawal.
Hinanap ng paningin ni Marco si Ginoong Harry sa paligid. Hindi nagtagal ay nahanap niya ito na ginagamot ang mga sugatang kawal. Ang mga kawal na nalunasan ay muling lumalaban sa mga kawal ng Masamang Angkan.
Binuhat ni Prinsipe Marco si Prinsesa Angela at dinala kay Ginoong Harry. Samantalang ang Prinsipe ay gumawa ng isang mahiwagang lunas gamit ang kanyang Kakayahan na maaaring makapagpagaling sa kanyang Irog.
Samantalang sa Elementallia, kasalukuyan na ring nagaganap ang digmaan sa pagitan ng mga Elementallian at ng mga kawal ng Masamang Angkan.
Saang sulok ng Elementallia ka man tumingin, makikitang naglalaban ang mga nilalang at may mga pagsabog na nagaganap dahil sa paggamit ng kanilang mga Kakayahan.
Kinakalaban ni Haring Hector si Heneral Seol Won. Nagsimula silang maglaban ng mano-mano subalit nang mapagtanto nila na pareho lamang sila ng lakas ay ginamit na ni Heneral Seol Won ang kanyang kakayahan.
Heneral Seol Won POV
Naglalaban kami ni Haring Hector ng mano-mano ngunit hindi namin matalo ang isa't isa kung kaya't ginamit ko na ang aking Kakayahan na Illusyon.
Pinakita ko sa kanyang isipan na siya ay nasa gubat at nag-iisa kahit na ang totoo'y nananatili lamang siyang nakatayo kung nasaan talaga siya.
Seryoso pa rin ang kanyang mukha kahit na dinala ko siya sa gubat ng nag-iisa.
Sunod ko namang ipinakita sa kanya ay ang aking sarili ngunit hindi lamang isa kundi tatlo. Sunod-sunod siyang inatake ng aking mga kawangis kung kaya't iniiwasan niya ang kanilang mga atake.
Nakakatuwa siyang pagmasdan habang umiiwas. Nagmumukha siyang may sira ang tuktok sa kanyang ginagawang pag-iwas kahit na wala naman talaga uma-atake sa kanya hahahaha!
Tumingin ako sa paligid, nakita kong marami ng napapaslang ang aking mga kawal samantalang ang mga Elementallian ay hirap na hirap sa pakikidigma laban sa aking mga kawal.
Mukhang matutupad ang minimithi ng aking Binibining si Mishil, na pamunuan ang buong Immortallia at sanlibutan ng walang kahirap-hirap.
Tiningnan kong muli si Haring Hector. Patuloy pa rin siya sa pag-iwas hahahaha!
Ang sarap sa pakiramdam na napaglalaruan ko ang isa sa mga may Dugong Bughaw at namumuno na kalaban ng aking si Mishil.
End of Chapter 40
Edited Date: Mar. 11, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...