Hermione Athena POV
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa aking pagbukas.
"Bhessy! Bilisan mo naman, may date este baka ma-late tayo sa klase natin." - Ani ni Shigure na may date raw hahahaha!
Si Shigure at si Aphrodite ang nakita kong nakatayo sa harap ng pinto. Agad kong binuksan ng malaki ang pinto at gumilid upang makapasok sila.
"Pasok kayo. Tutal narito naman na kayo... Nais kayong makilala ni Ama." - Ani ko sa kanilang dalawa at saka pinaupo sa sofa na nasa sala
Sa totoo lang, ito ang unang pagkakataon na pumunta sila dito sa bahay. Kaya... nakakapagtaka rin dahil kahapon lamang ako sinabihan ni Ama na nais niyang makausap sina Shigure at Aphrodite.
"Bakit kami gusto makilala ng iyong Ama? Baka mahuli ako sa date este baka mahuli na tayo sa klase." - Tanong ni Shigure na mukang madaling-madali na
"Saglit lang naman iyon eh. Isa pa, ilang minuto lang naman natin lalakarin ang papunta sa paaralan." - Ani ko naman
Pinuntahan ko si Ama sa hapag at nakita kong naroon pa rin siya nagbabasa ng pahayagan habang umiinom ng kape. Mukang bagong timpla ang kape dahil may lumalaban na usok doon sa tasa.
"Ama, bumisita po ang kaibigan kong sina Shigure at Aphrodite. Kasalukuyan po silang nasa sala." - Pagpapabatid ko
"Mabuti kung ganoon dahil matagal ko na silang nais makilala." - Ani ni Ama
Inilapag ni Ama ang pahayagan na kanyang binabasa at saka tumayo. Naglakad kami ni Ama patungo sa sala. Nakita ko sina Aphrodite at Shigure na naghihintay sa akin.
"Magandang umaga mga binibini. Ako ang Ama ni Hermione, Harry Apollo Granger. Sa wakas ay nakilala ko na kayo." - Pagpapakilala ni Ama
"Ako po si Shigure Ginny Swan at siya naman po si Aphrodite Paula Walker. Ikinagagalak po namin kayong makilala." - Pagpapakilala ni Shigure sa kanilang dalawa ni Aphrodite at bahagya pang yumukod
Grabe! May pagyukod pa?! Pagpapakilala lang naman pero may pagyukod pa talaga?
"Ikinagagalak ko rin kayong makilala. Sige na... maaari na kayong umalis dahil baka mahuli pa kayo sa inyong klase." - Ani naman ni Ama
"Sige po, Ama. Aalis na po kami." - Paalam ko kay Ama at kinuha ang bag ko sa isa sa mga upuan na nasa hapag
Sabay sabay na kaming umalis at habang naglalakad ay iniisip ko pa rin kung bakit may pagyukod na nahanap kanina... Eh nagpapakilala lang naman sila sa isa't isa.
Habang iniisip ko iyon, hindi ko namalayang narito na kami sa loob ng silid-aralan at naka-upo habang hinihintay si Professor Mcgonagall.
Ilang sandali lamang ay dumating na siya at may kasamang babae. Ang ganda niya kaya lang mukang mahiyain dahil sa bahagya siyang nakayuko.
Ang babae na kasama ni Professor Mcgonagall ay may kayumangging kulay ng balat at medyo may kahabaan ang kanyang nakataling buhok. Nakasuot siya ng bistida na lagpas sa tuhod ang haba subalit napaka-eleganteng tingnan.
"Good morning Class! We have another transferee beside me. Miss, you can now introduce yourself." - Ani ni Professor Mcgonagall bago umupo sa kanyang upuan
"A-ako s-si... Haruko Maine Rivera. S-sana ay maging k-kaibigan ko k-kayong lahat." - Pagpapakilala niya na na-utal pa, marahil ay dahil sa kaba
Pagtapos niyang magpakilala ay naghanap siya ng mau-upuan. Mabuti na lang ay may apat pang upuan na bakante sa likod nila Marco. Umupo siya sa likod ni Andrei na natutulog pala.
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...