Chapter 11: OPPA?!

437 14 1
                                    

Hermione Athena POV

Pagtapos ibigay ni Manang ang mga in-order ko ay agad akong umalis sa counter para makakain na kami dahil gutom na talaga ako eh.

Nang malapit na ako sa table namin ay napansin kong sobrang seryoso yata ng pinag-uusapan nila.

"O... anong pinag-uusapan n'yo? Bakit mukang napakaseryoso yata ninyo? O siya, mamaya na lang ninyo ituloy iyang seryoso n'yong pag-uusap dahil gutom na ako kaya kain na muna tayo." - Ani ko nang bago inilapag ang mga order namin sa mesa ng may ngiti

Hindi ko na hinintay pa ang Sagot nila, nilagay ko na sa harapan nina Aphrodite at Shigure ang order nilang dalawa ni at saka ako umupo sa katabing upuan ni Aphrodite. Pagka-upo ko ay agad na kaming nagsimulang kumain at hindi ko na sila pinansin.

Wala na muna akong paki-alam sa kanila dahil gutom na gutom nga nga talaga ako. Nag-order ako ng heavy meal upang tiyak na mabubusog ako.

Gusto n'yo ba nalaman kung ano ang mga in-order ko? Konti lang naman... tatlong thigh part na fried chicken, three extra rice, isang slice ng biko at isang basong hot choco. Iyan lang naman ang order ko.

Pagtapos naming kumain, agad kaming umalis ng cafeteria at nagkanya-kanya ng punta sa aming mga silid-aralan.

Narito kaming dalawa ni Shigure sa huling asignatura na aming papasukan ngayong araw, ang Agham o Science. Ang guro namin sa asignaturang ito ay si Professor Snapes na kasalukuyang nagpapaliwanag ng aralin ngayong araw.

Hindi naman siya terror tulad ni Professor Mcgonagall o kasingseryoso ni Professor Lupin sa pagtuturo. May pagkakwela siya at iyon ang dahilan kung bakit hindi masyadong nahihirapan ang kanyang mga mag-aaral... kabilang na ako doon.

Tapos na ang aming klase kay Professor Snapes kaya inayos ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas ni Shigure para puntahan si Aphrodite. Subalit paglabas namin ng silid-aralan ay nandoon na siya.

Sabay na kaming tatlo na naglalakad papunta sa gate nang sa gano'n ay maka-uwi na kami. Paglabas namin ng gate ay nag-paalam na sina Shigure at Aphrodite na uuwi na. Tumango lang ako at saka nagpaalam sa kanila. Kaya ito ako ngayon... naglalakad na lang mag-isa.

Na-isipan ko na makinig ng music sa phone ko kung kaya't inilabas ko ang aking earphone. Isinaksak ko ang earphone sa aking phone ko at saka pinatugtog ko ang isa sa mga paborito kong kanta. Ang "Stay With Me" nina EXO Chanyeol at Punch na isa rin sa mga OST ng "Goblin: The Lonely & the Great God".

Hahahaha! siguro iniisip n'yo na isa ako sa mga K-POPers o mahilig sa K-POP. Hindi kayo nagkakamali dahil isa nga ako sa mga mahihilig sa K-POP.

Nagsimula akong nahilig sa K-DRAMA no'ng napanood ko 'yong "Dongyi". Noong napanood ko naman 'yong "Secret Garden" at "Dream High" ay doon ako nahilig sa K-POP ng hindi ko namamalayan.

O siya... tama na ang pagkukwento ko tungkol sa K-DRAMA at K-POP dahil nandito na ako sa bahay.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si Ama na naka-upo sa harap ng hapag-kainan. Samantalang si Yaya Esmeralda naman ay naghahanda ng mga pagkain dahil oras na para maghapunan.

Umupo ako sa aking upuan sa harap ng hapag-kainan. Magsisimula na sana akong magsandok ng pagkain ng biglang tumikhim si Ama.

"Kumusta ang araw mo ngayon sa paaralan?" - Tanong ni Ama

"Nagkaroon po ako ng bagong kaibigan ngayong araw. Siya po si Shigure Ginny Swan. Nakabanggaan ko siya kaninang umaga noong papasok ako sa gate. No'ng napagkwentuhan namin 'yong tungkol sa aklat na binabasa niya na binabasa ko rin ay doon kami nagsimulang maging magkaibigan." - Magiliw kong pagsasalaysay

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon