ALUNSINA FABON POV
Nang mapagtanto ko na pareho kaming natumba, agad akong tumayo at inayos ang sarili bago itago ang aking cellphone at earphone sa loob ng aking bag. Tiningnan ko kung sino ang nakabanggaan ko at nakita ko na ang kaklase ko na tinatawag nilang nerd ito batay sa kasuotan nito.
Subalit para sa akin, siya ay isang tulad ko, isang tao na mahilig magbasa ng mga aklat batay sa mga aklat na lagi niyang dala.
Nakita kong pinupulot niya ang mga aklat niya na nahulog rin sa lupa dahil sa nangyari kanina. Napansin ko na may isa pang aklat na nasa kaniyang likuran, lumapit ako roon at dinampot ito bago tingnan ang pabalat nito pati na ang ibang aklat na kasalukuyan na niyang hawak.
Batay sa mga pamagat ng mga aklat na iyon, halos lahat ng kaniyang aklat ay ukol sa bampira, taong lobo, mangkukulam o salamangka. Dahil sa marami kaming pagkakapareho, hinahangad ko na sana'y maging kaibigan ko siya.
"Humihingi ako ng paumanhin nang dahil sa nangyari," Ani ko nang makuha ko mula sa sahig ang libro na naging dahilan upang mapalingon siya sa akin.
"Nagkabanggaan tayo na naging dahilan upang matumba tayo sa lupa. Ina-amin ko na kasalanan ko ang nangyari dahil hindi ako tumitingin sa aking dinadaanan at hindi kita agad napansin." Dagdag kong ani nang humarap siya sa akin.
"Hindi mo kailangan humingi ng paumanhin dahil maging ako ay hindi rin kita napansin. Masyadong natuon ang atensyon ko sa aking binabasa," Ani niya na hindi tinanggap ang paghingi ko ng paumanhin.
Baggama't hindi niya tinanggap ang aking paumanhin, humingi din siya ng paumanhin dahil maging siya ay inamin na mayroon din siyang kasalanan sa nangyari kanina. Nginitian ko na lamang siya at ganoon din ang kaniyang ginawa.
"Nga pala, maaari ko bang malaman kung ano ang iyong binabasa?" May kuryosidad kong tanong sa kaniya.
"Ang pamagat ng binabasas kong aklat kanina ay Sold to A Superior Vampire." Sagot niya sa aking katanungan na may ngiti sa kaniyang mga labi.
"Napakagandang basahin niyan. Sa tingin ko nga ay hindi ako magsasawang basahin iyan ng paulit-ulit dahil sa mga hindi inaasahang takbo ng kwento." Ani ko habang pinupuri ang aklat na kanyang binabasa bago kami magkabanggaan kanina.
"Maaari ba kita maging kaibigan?" Tanong kong muli sa kaniya.
"Oo naman! Sa tingin ko ay mahilig ka rin magbasa ng mga aklat, kaya bakit hindi." Ani niya habang nakangiti.
"Kung gayon, simula ngayon ay magkaibigan na tayo at hindi mo na maaaring bawiin iyon," Ani ko naman nang nakangiti rin.
Ngunit napangiwi ako ng maalala kong hindi ko pa pala naipapakilala ang aking sarili sa kaniya.
"Nga pala, ako si Alunsina Fabon, tawagin mo na lang akong Sina dahil sa magkaibigan na tayo. Ipapakilala kita sa isa ko pang kaibigan mamaya." Nakangiti ko pa ring ani.
"Ako naman si," Naputol ang kaniyang sasabihin nang bigla naming marinig ang tunog ng school bell.
"Naku! Huli na tayo sa klase, mamaya na natin ituloy ang pagkukuwentuhan kapag may bakante na tayong oras. Tiyak ako na kasama na natin si Paula mamaya." Nasabi ko na lang dahil magsisimula na ang unang klase ngayon.
Tumakbo kami na tila ba nasa panganib ang aming mga buhay habang tumatakbo patungo sa aming silid-aralan. Nang makarating kami sa harap ng pinto ng silid-aralan, agad kaming pumasok sa loob nito at umupo sa silya kung saan kami nakatalaga.
Mabuti na lamang ay nauna kaming makarating dito sa loob kaysa sa aming propesor na si Ginang Aniag.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok sa loob ng aming silid-aralan si Ginang Aniag. Tulad ng lagi niyang ginagawa, inilagay niya ang kaniyang mga gamit sa ibabaw ng kaniyang mesa.
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...