Chapter 21: The Revelation of the Truth

295 7 0
                                    

Harry Apollo POV

Narito ako sa aking silid habang nakaupo sa aking higaan. Hawak ko ang Mahiwagang Kahon na mula pa sa kanyang Ina.

Batid kong ilang sandali na lamang ay ika-labing walong kaarawan na niya. Kasabay ng kanyang kaarawan ay ang paglabas ng kanyang tunay na katauhan at mga kakayahan. Huminga ako ng malalim upang mapakalma ang aking sarili.

Ilang minuto ang lumipas, tumunog na ang aming antigong orasan at bigla akong nakaramdam ako ng isang malakas na enerhiya na nagmumula sa silid ni Hermione.

Inihanda ko na ang aking sarili sa mga magaganap sapagkat ito na ang tamang panahon upang malaman na niya ang lahat ng dapat niyang malaman.

Pumunta ako sa kanyang silid dala ang Mahiwagang Kahon. Nang nasa labas na ako ng kanyang silid, nakaramdam din ako ng isa pang enerhiya. Subalit hindi ko na kailangan pang mangamba sapagkat batid kong kailanman ay hindi niya magagawang saktan ang Itinakdang Prinsesa.

Binuksan ko ang pinto at saka pumasok. Pagpasok ko, nakita ko si Hermione na nakaharap sa salamin habang tinatapik ang pisngi na tila ba tinitiyak kung siya ba ay nananaginip.

"Hindi ka nananaginip sapagkat lahat ng nangyari sa iyo ay tunay, aking Itinakdang Prinsesa." - Ani ng Hari ng Vamperia na nangungumbinsing tunay ang lahat ng nangyari kay Hermione

Hahahaha! Tunay ngang sabik na siyang mayakap at mahagkan ang Itinakda sa kanya.

Napahinto ako sa lihim na pagtawa nang maramdaman ko ang kanyang tingin. Tingin pa lamang niya ay nakakatakot na ngunit ibahin niya ako sapagkat isa ako sa mga may Mataas na Katungkulan sa Elementallia.

"Tama siya sa kanyang tinuran, aming Itinakdang Prinsesa. Lahat ng nangyari sa iyo ngayong araw ng iyong kaarawan ay natural lamang sa mga tulad natin." - Ani ko na sumang-ayon sa sinabi ng Hari ng Vamperia

"Anong ibig mong sabihin, Ama? Bakit narito si Professor Imperial? At higit sa lahat... bakit ninyo ako tinawag na Itinakdang Prinsesa?" - Naguguluhang tanong ni Hermione sa aming mga iwinika

"Na-aalala mo pa ba ang ikinukuwento ko sa iyo bago ka matulog? Totoong nangyari iyon at IKAW ang PRINSESA na tinutukoy ko roon. Tungkol naman sa kanya... siya na ang magpapaliwanag." - Ani ko at saka itinuro ang Hari na kasama namin ngayon

"Muntik ko nang malimutan. Ito ay isang Mahiwagang Kahon, mula ito sa iyong Ina bago tayo nagtungo sa mundong ito." - Ani ko habang iniaabot sa kanya ang Mahiwagang Kahon

*** Flashback (12 years ago) ***

"Ama, nais ko po na ako'y kuwentuhan ninyo ukol sa Prinsesa." - Ani Hermione na tila ba nagmamakaawa

"Sige na nga. Subalit magkuwento lamang ako ng ukol sa prinsesa kung susundin mo ang isang kundisyon, ayusin mo muna ang iyong higaan pati na ang iyong sarili nang sa gano'n ay makapagsimula na tayo." - Ani ko sa kanya

Sinunod naman niya ang aking sinabi. Humiga na ako sa kanyang tabi at ganoon din siya upang masimulan ko na pagkukuwento. Niyakap ko siya at tinapik-tapik ng mahina sa kanyang braso.

"Sa mundo ng Immortallia, may mga kaharian at sa bawat kaharian ay may iba't ibang Kakayahan ang mga mamamayan na nakatira rito. Malawak ang lupain ng bawat Kaharian ngunit iilan lamang ang kilala sapagkat may alitan ang ilan. Kilala ang Kaharian ng Elementallia, Vamperia at Werewolvenia na magkasapi sapagkat ang mga Hari sa tatlong Kaharian ay kapwa magkakaibigan simula pa ng sila'y bata." - Pagkukwento ko na huminto pansamantala nang makita ko siyang nakatitig sa akin kung kaya't nginitian ko siya

"Ama, bakit po kayo huminto sa pagkukuwento?" - Tanong niya habang nakausli ang kanyang labi

"Napahinto ako sapagkat ika'y nakatitig sakin. O siya, itutuloy ko na." - Sagot ko sa kanyang Tanong

"Nagkaroon ng isang malaking piging kung kaya't ang lahat ng may mga dugong maharlika at may mataas na katungkulan ay naroon upang makisaya. Sa piging na iyon nakilala ng Hari ng Elementallia ang kanyang magiging Reyna. Hindi naglaon ay naging magkabiyak sila at nagkaroon ng maganda't makisig na supling. Sa araw ng panganganak ng Reyna ay nagkaroon ng kaguluhan. Pinili ng Hari't Reyna na iligtas ang Prinsesa sapagkat siya ang may pinakamahalagang tungkulin. Ibinigay nila ang Prinsesa sa mapagkakatiwalaang kapatid ng Hari. Simula noon ay nangulila na ang Hari't Reyna." - Pagtatapos ko sa kwento

Nakita ko siya na mahimbing nang natutulog kung kaya't iniwanan ko na siya at sa halip ay nagtungo na lamang ako sa aking silid.

***** End of Flashback *****

"Ngayon ba ay na-aalala mo na?" - Tanong ko sa kanya matapos gunitain ang aking pagkukwento sa kanya noong siya ay bata pa

Hermione Athena POV

"Na-aalala mo pa ba ang ikinukuwento ko sa iyo bago ka matulog? Totoong nangyari iyon at IKAW ang PRINSESA na tinutukoy ko roon. Tungkol naman sa kanya... siya na ang magpapaliwanag." - Ani niya habang nakaturo kay Professor Imperial

"Muntik ko ng malimutan. Ito ay isang Mahiwagang Kahon, mula ito sa iyong Ina bago tayo nagtungo sa mundong ito." - Ani niyang muli habang iniaabot ang kahon na nakita ko noong nanonood ako sa sala

Nang binanggit ni Ama ang pagkwento niya sa akinbago ako matulog ay nagunita ko na ang lahat ng kanyang kuwento. Kinuha ko ang iniabot niyang kahon.

Kaya pala tila may nag-uudyok sa akin na buksan ang kahon na iyon sapagkat ito'y mahiwaga.

Bubuksan ko sana ang Mahiwagang Kahon nang bigla kong maalala na hindi lamang pala kami ni Ama ang nasa aking silid. Tinignan ko siya.

"Mawalang galang lang po, Professor Imperial. Bakit po kayo nanggaling sa aking teresa kanina? Tunay po ba na kayo si Professor Joshel Frederick Imperial? At higit sa lahat, bakit n'yo po ako tinawag na AKING Itinakdang Prinsesa?" - Sunod sunod kong tanong sa kanya

Hindi tulad nang una ko siyang nasaksihan sa punong bulwagan, mayroon na akong nakitang emosyon sa kanyang mga mata. Nakita ko sa kanyang mata ang pangungulila sa taong minamahal.

Umupo siya sa upuan na malapit sa kanya at saka ipinag-krus ang kanyang dalawang hita. Huminga siya ng malalim bago nagsimulang magsalita.

"Lagi akong nasa labas ng iyong teresa upang magmasid at magbantay sa iyo. Ang tunay kong ngalan ay Joshel Frederick Trinchera at IKAW ang AKING Itinakdang maging PRINSESA." - Sagot niya sa aking mga katanungan at binigyang diin pa ang mga salitang ikaw, aking at prinsesa

"Ngunit ano bang tungkulin ang naka-atang sa akin?" - Tanong kong muli sa kanila

"IKAW ang nakatakdang magligtas sa ating mundo, ang Immortallia, sa kamay ng mga nais sumakop nito. Kung hindi ito maililigtas, madadamay ang mundo ng mga Mortal na iyong kinagisnan." - Sagot ni Ama sa aking huling katanungan

Iniintindi at inuunawa ng aking isipan ang lahat ng mga katotohanan tungkol sa aking tunay na pagkatao na ngayon ko lamang nalaman. Nang may narinig akong mga yabag na batid kong mula sa labas ng aming tahanan.

Napatingin ako kay Ama na nasa tabi na ni Ginoong Trinchera na tila ba kinakausap sila sa pamamagitan ng aking isipan. Hindi ko alam kung papaano ko iyon nagawa ngunit basta ko na lamang iyon nagawa.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Ginoong Trinchera sa kanyang inuupuan at biglang bumilis ang kanyang mga kilos. Tila ba mayroon siyang Super Speed na ginamit upang maglagay ng mga gamit sa isang Bag.

Nakita ko na may Portal ng ginawa si Ama. Nagulat ako ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyon. Naunang pumasok doon si Ginoong Trinchera at tinawag ako ni Ama. Lumapit ako sa kanya at saka kami pumasok sa loob nito.

End of Chapter 21

Edited Date: Feb. 8, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon