Hari ng Vamperia POV
Narito ako sa aking silid-aklatan, naghahanap ng mga aklat na maaaring pag-aralan ng Hari ng Elementallia upang makasabay siya sa mundong ito habang siya'y namamahinga pa.
Nang ako'y nakahanap na ng mga aklat ay na-isipan kong dalhin muna ang mga ito sa aking silid. Pagdating ko sa aking silid ay agad kong inilapag ang mga ito sa aking mesa.
Nagulat ako ng may nakita akong isang liham. Batay sa itsura nito ay hindi ito galing sa mundong ito kundi galing ito sa mundo ng mga immortal.
Pagbukas ko ng liham ay nabasa kong may darating na bagong mag-aaral at ito'y hindi magdudulot o gagawa ng mabuti lalong lalo na sa Itinakdang Prinsesa.
Ginamit ko ang isa sa aking mga kakayahan upang malaman ko kung gising na ang Hari ng Elementallia nang sa gano'n ay ma-ibigay ko ang mga aklat na mula sa aking silid-aklatan.
Nang nabatid kong siya ay gising na, agad kong binitbit ang mga aklat at saka nag-teleport sa kanyang silid. Pagdating ko sa kanyang silid ay inilapag ko ang mga aklat sa kanyang mesa at saka sinimulan ang aming pag-uusap.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Hari ng Elementallia. Narito ako sa iyong silid upang ipabatid sa iyo na may mangyayaring hindi maganda. Nais ko ring basahin mo ang mga aklat na ito upang madali mong ma-unawaan at matuklasan ang mundong ito ng mga mortal." - Pagpapa-alam ko sa kanya gamit ang aking malamig na pananalita
"Sang-ayon ako sa 'yo, Hari ng Vamperia. Mabuti na lamang ay nagdala ka ng mga aklat na makakatulong sa aking ma-unawaan at matuklasan pa ang mundong ito. Sa katunayan nga'y nagbabalak rin akong mang-hiram ng mga aklat sa'yo. Subalit, mas pinili ko munang mag-pahinga nang sa gano'n ay makapag-isip ako ng mabuti. Salamat sa pagdala ng mga Aklat na ito. Makakaasa kang ang lahat ng nakasulat sa bawat pahina ng mga aklat na ito ay aking itatatak sa aking isipan. Kahit na isang salita ay walang makaliligtas." - Mahabang ani ng Hari ng Elementallia na may ngiti sa kanyang mga labi
"Kung gano'n, aalis na ako sapagkat aasikasuhin ko pa ang mga dapat kong asikasuhin nang sa ganoon ay maayos nating maisakatuparan ang ating mga binabalak." - Pagpapaalam ko
"Sandali lamang... ano ang iyong sinabi na ATING BINABALAK?" - Nagtataka niyang katanungan
"Malalaman mo lamang ang aking binabalak kapag tapos mo ng basahin ang mga aklat na aking ibinigay sa'yo at kapag natutunan mo na ang mga aralin na naka-lathala." - Ani ko sa ganoon pa ring pananalita at saka umalis
Paglabas ko sa kanyang silid ay nag-teleport akong muli ngunit sa T.U. o Trinchera University ako nagtungo. Sapagkat nais kong ka-usapin ang punong-guro.
Nag-teleport ako sa kanyang opisina nang sa ganoon ay makapag-usap kaming dalawa ng masinsinan. Pagdating ko sa kanyang Opisina ay wala pa siya kung kaya't umupo muna ako sa kanyang upuan.
Hindi nagtagal ay biglang nagbukas ang pinto at pumasok ang dahilan ng aking pagparito. Bahagya siyang nagulat ng makita akong naka-upo sa kanyang upuan. Subalit, agad siyang nakabawi sa kanyang pagkagulat at yumukod siya sa aking harapan.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo at kayo pa po mismo ang nagsadya sa akin, Kamahalan?" - Tanong ng punong-gurong si Ginoong Albus Severus Black habang nakayukod sa aking harapan
"Nais ko lamang ipabatid sa iyo na mapapa-aga ang aking mga binabalak kung kaya't magsimula na kayo sa paghahanda dahil may mangyayaring hindi maganda lalong lalo na sa Itinakdang Prinsesa sa pagdating ng isang bagong mag-aaral." - Ani ko sa malamig at ma-otoridad na pananalita
"Masusunod po, Kamahalan." - Ani niya bago tumayo ng tuwid
Nag-teleport akong muli at nagbalik sa aking tahanan. Mamaya ko na lamang kaka-usapin si Ginoong Harry tungkol sa pagbabago ng aking binabalak, pati na rin ang ukol sa liham na ipinadala sa akin ng hindi ko kilala kung sino o ano ang nagpadala.
Pagdating ko sa aking silid ay umupo agad akong umupo sa upuan malapit sa aking kama. Ginamit ko ang isa ko pang kakayahan, ang telepathy upang maka-usap ko ang aking kapatid na si Aphrodite sa kanyang isipan.
Batid ko na kasama niya ang Itinakdang Prinsesa kung kaya't ginamit ko na lamang ang isa ko pang kakayahan nang sa ganoon ay hindi niya ako makita.
"Naririnig mo ba ako sa iyong isipan... Aphrodite?" - Ani ko sa kanyang isipan
"Oo kuya, naririnig kita." - Ani ni Aphrodite nang sa gano'n ay makatiyak ako na ako'y naririnig niya
"Nais ko lamang malaman mo na mapapa-aga ang ang ating mga binabalak. Sapagkat may mangyayaring hindi maganda sa pagdating ng bagong mag-aaral sa paaralan na ating pagmamay-ari." - Ani ko sa kanya na mukang masusi naman siyang nakikinig
"Kung gano'n Kuya, anong nais mo na gawin ko?" - Pagtatanong niya
"Nais kong kilalanin mong mabuti ang tao o nilalang na lalapit sa Itinakdang Prinsesa hangga't hindi pa kami nagkikita." - Utos ko sa kanya na mukang naunawaan niya
"Masusunod, aking Kapatid na Hari." - Ani niya
Nang matapos ang aming pag-uusap sa kanyang isipan ay nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng i-inumin kong dugo na mula sa Blood Bank kung tawagin nila.
Pagtapos kong uminom ng dugo ay bumalik na ako sa aking silid upang makapagpahinga sapagkat kakausapin ko naman si Ginoong Harry mamaya tungkol sa aking binabalak na mapapa-aga.
Pagdating ko sa aking silid ay agad akong nahiga sa aking kama nang sa ganoon ay makapagpahinga na ako.
End of Chapter 10
Edited Date: Jan. 30, 2021
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...