Chapter 8: New Found Friend

552 18 0
                                    

Hermione Athena POV

Nang ma-realize ko na natumba kaming pareho ay inayos at itinabi ko agad ang earphone na nakasaksak sa phone ko.

Tiningnan ko kung sino yung nakabangga ko at nakita ko 'yong kaklase kong NERD kung tawagin nila pero para sa akin ay tulad ko lang siyang BOOK LOVER base na rin sa mga aklat na palagi niyang dala.

Pinupulot niya ang kanyang mga aklat na nahulog dahil sa pagkakabanggaan namin kung kaya't tinulungan ko siya sa pagpupulot.

Grabe! Halos lahat ng mga aklat niya ay Vampires,Werewolves at Witch/Wizard ang genre. Sana pumayag siya na maging kaibigan ko. Nang wala na akong makitang aklat niya na kailangang pulutin ay agad ko itong ibinigay sa kanya.

"Pasensya na kung nabangga kita ah. Hindi ko kasi napansin na mababangga kita dahil sa nakikinig ako ng music sa phone ko eh. Pasensya na talaga." - Paghingi ko ng paumanhin

"Naku! Hindi mo na kailangan pang humingi ng pasensya kasi hindi ko rin napansin na mababangga kita dahil nagbabasa ako ng STASV o Sold To A Superior Vampire eh." - Ani niya na ikinakaway pa sa akin ang kanyang kamay

"Ah ganon ba? Inferness ah... STASV ang binabasa mo, maganda kayang basahin iyan eh. Binabasa ko rin 'yan at grabe... halos lahat ng napulot kong Libro mo ay Vampires, Werewolves at Wizard/Witch ang Genre ah. So... pwede ba tayong maging magkaibigan ?" - Ani ko na iniabot ang kanang kamay sa kanya na para bang makikipag-hand shake ako sa kanya

"Oo naman noh. Puwedeng puwede at dahil mukang pareho tayong book lover kaya... Why not hindi ba?" - Ani niya na iniabot din ang kanyang kamay sa akin at nakipag-hand shake

"Sige, Friends na tayo ah. Wala ng bawian 'yan. Nga pala, ako si Hermione Athena Granger. Athena na lang ang itawag mo sa akin since friends na tayo. Ipapakilala ko rin sa 'yo si Aphrodite mamaya na friends ko rin." - Masaya kong sabi sa kanya

"O sige, Friends na nga tayo. Ako naman si..." - Pagpapakilala niya sa akin na naputol dahil sa pagtunog ng bell

***** Kring! Kring! Kring! *****

"Hala! late na tayo. Tara na, mamaya na lang tayo mag-kuwentuhan kapag break time na at sigurado akong makakasama natin si Aphrodite." - Sabi ko sa kanya dahil nga tumunog na anng bell

Kaya tumakbo na kami papunta sa room namin para hindi na kami lalong mahuli sa klase. Pagdating namin sa silid-aralan ay agad kaming pumasok at umupo na sa aming upuan.

Buti na lang na-unahan naming pumasok si Professor Mcgonagall. Maya-maya ay pumasok na si Professor at tulad kahapon ay inilapag niya ang kanyang bag sa table niya.

"Good morning class! How's the test paper that I gave to all of you yesterday before you left?" - Tanong ni Professor Mcgonagall pagtapos bumati

Hahahaha! Halos lahat sila napasimangot at napakamot ng ulo hahahaha! Mukang may mga alaga silang kuto sa ulo nila ah hahahaha!

"Base on what you are all acting right now, all of you had trouble how to answer it. So, all of you can now pass the test paper that I gave and I'll just check it later." - Ani ni Professor Mcgonagall na tila ba isang psychologist

Pinasa na nga namin ang ipina-take home test tulad ng sabi niya at saka naman nag-discuss si Professor tungkol doon sa mga nakalagay sa test paper.

Makalipas ang ilang minuto ng pagpapaliwanag niya sa mga nakalagay sa test paper ay tumunog muli ang bell.

***** Kring! Kring! Kring! *****

"And that's all for today. You may all leave. Good bye class!" - Pagpapaalam ni Professor Mcgonagall na as usual ay kinuha ang bag saka umalis

Sa wakas tapos na ang klase namin kay Professor Mcgonagall. Maya-maya ay pumasok na ang isa pa naming Professor na si Professor Lupin. Siya ang Prof. namin sa Literature.

Grabe! Ang galing kaya niya mag-english. Lalo na kapag gamit niya ang Britist accent na tila ba nanonood  lang ako ng mga Britist movie.

"Good afternoon class! Since the classes was cut yesterday, I want all of you to read the book in front of you that I distributed earlier and understand it because I'll give a quiz later." - Ani ni Professor Lupin na ngayon ay nakatayo na sa may harap ng kanyang mesa

Kaloka! May libro na pa lang nasa harapan ko. Kanina pa pala ibinigay ni Professor... hindi ko man lang namalayan.

Si Professor kasi eh... ginamit na naman niya ang kanyang British accent niya. Iyan tuloy na-imagine ko na nanonood ako ng British movie. Hay naku! makapagbasa na nga lang.

Makalipas muli ang ilang minuto ay tapos na ang Quiz namin. Buti na lang magaling akong mag-understand ng mga Stories kaya hindi ako masyadong nahirapan.

"And that's all for today. By the way class, I'll group you tomorrow because I will give a project. It's about the story that you read earlier. You may all go now and take your vacant time." - Pagpapaalam ni Professor Lupin na nagtatabi na rin ng kanyang mga gamit at saka umalis pagtapos

Ito ako ngayon ina-ayos na ang aking mga gamit dahil vacant na at ibig sabihin ay break time na. Paglingon ko, nakita ko ang classmate kong Nerd na nakabanggaan ko kanina sa gate noong papasok palang ako rito sa T.U. na nag-aayos din ng kanyang mga gamit. Nilapitan ko siya para sabay na kaming mag-vacant.

"Hi friend! Friend na muna ang itatawag ko sa'yo ah kasi ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa pala alam ang pangalan mo dahil nga sa nag-bell na kanina. Sabay na tayong mag-vacant ah? Ipapakilala ko na rin 'yong best friend kong si Aphrodite sa 'yo." - Ani ko na napakamot pa sa batok at saka ngumiti

"Sige, sabay na tayong mag-vacant. Ako nga pala si Shigure Ginny Swan." - Pagpapakilala niya ng nakangiti ng dahil sa akin

End of Chapter 8

W/n: Ano guys OK ba yung UD ko? Nga pala mga Mahal kong Readers yung sa Chapter 7 na nanaginip si Hermione na may naglalaban na isang Lalaking Vampire at Werewolf at napatay nung Vampire yung Werewolf... ay napanaginipan ko rin yun pero syempre hindi naman talaga ganon ka-Brutal noh. Yung panaginip ko ako yung sumakal sa Vampire at tumawag ako ng mga Werewolves. Grabe parang nanonood lang ako ng Movie na ako yung Bida hahaha tapos nag-mura pa ako ng English hahaha kaso nga lang hindi ko alam kung bakit ko sinakal yung Vampire at tumawag ng mga Werewolves sa Panaginip ko ah hahaha siguro dahil kakaisip ko tungkol dito sa Story ko kung anong mangyayari sa bawat chapter...Enjoy Reading.

P.s: Mayroon na nito sa Dreame App pero on going pa lang. Sana ay suportahan niyo ito doon.

Edited Date: Jan. 28, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon