Chapter 17: The New Professors

291 9 0
                                    

Hermione Athena POV

"Athena!" - Sabi ng sumigaw

Napahinto ako sa pagkain ng masarap kong Palabok dahil narinig ko ang diyosa kong pangalan. Bakit parang sumisikat ang DIYOSA KONG PANGALAN? Hahahaha! char hahaha!

Lumingon kaming dalawa ni Shigure roon sa sumigaw. Si Marco pala ang sumigaw at kasama niya ang kaniyang mga kaibigan. Dala nila ang mga tray na may laman ng mga pagkain nila.

Lumapit sila sa table kung nasaan kaming dalawa ni Shigure at inokupa ang mga bakanteng upuan. Sinimulan ko na ang pagkain muli ng aking masarap na Palabok at hinayaan ko na silang umupo. Basta huwag nila akong papakialaman sa pagkain ng AKING MASARAP PALABOK.

Ilang minuto ang lumipas, tapos na kaming kumain kaya ito kaming anim naglalakad patungo sa huling klase. Magkasabay kaming naglalakad ni Shigure samantalang 'yong apat na OPPA DAW ay nasa unahan namin.

Nang nasa tapat na ng room 'yong apat ay nagulat na lang ako no'ng sinipa ni Andrei ang pinto.

Grabe naman itong si Andrei Park. Sipain ba naman ang pinto, 'yan tuloy nasira. Buti na lang wala pa si Professor Snapes at ang mga kaklase pa lang namin na nakanganga't gulat na gulat ang narito. Pumasok na kami at umupo sa mga upuan namin.

Ilang sandali lang ay pumasok si Aphrodite na hindi lamang pinansin 'yong sirang pinto at kasunod niya 'yong bago naming kaklase.

Ano nga ba ang pangalan niya... May, Mae, Maine? Tama! Maine nga ang pangalan niya. Hahahaha! grabe kanina lang siya nagpakilala nakalimutan ko agad hahahaha! Mukang kailangan ko na kumain ng Taho araw-araw.

Umupo na rin sila sa kanilang upuan. Ilang minuto ang lumipas, dumating na si Professor Snapes. Nakita kong nagulat siya sa nakita niya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang pinto na gawa sa balak ay nasa sahig na?

"O... anong nangyari sa pinto? Tinamaan ba ito ng wrecking ball?" - Gulat na tanong ni Professor

Hahahaha! grabe si Professor ah hahahaha! Natawa kami roon kahit papaano hahahaha!

Pumunta na siya sa table niya at inilagay ang kaniyang mga gamit. As usual, nagsimula na siyang mag-discuss ng lesson na may halong pagpapatawa kaya hindi naging boring at kahit na nasa sahig pa ang pinto.

Ilang oras lumipas, narito na ako sa aming tahanan. Tapos na rin akong kumain kung kaya't nandito na ako sa aking silid.

Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ako lumalabas ng Umaga upang Mangaso? Dahil nangangaso lamang kami ni Ama isang beses sa Isang Buwan. Nang sa ganoon ay makapagpagaling ang mga alaga naming Usa na aking pinapatamaan ng palaso.

Habang nakahiga ako ay naisipan kong mag-online para tingnan ang website ng T.U dahil baka may announcement na tungkol sa bagong schedule ng klase.

Nang tingnan ko ang website, hindi nga ako nagkamali sapagkat may announcement na nga. Ang nakalagay roon ay napaaga ang dating ng mga bagong Professor kaya bukas na sila ipapakilala.

Waaaaaaaah! Bukas na darating 'yong mga bago naming Professor! Sana mahusay silang magturo ng Martial Arts at Archery!

Nahiga na ako ng maayos nang sa ganoon ay makatulog na ako dahil tiyak na maaga na naman akong magigising sapagkat maaga rin ang aming Pasok.

***** Kinabukasan *****

Napabangon ako agad dahil sa aking napanaginipan. Napanaginipan ko na naman na may dalawang lalaking naglalaban at sila'y nagbago ng anyo.

Ang isang lalaki na may dilaw na mga mata ay naging isang itim na lobo samantalang ang isa pang lalaki na may pulang mga mata naman ay humaba ang kanyang mga kuko at Pangil.

Grabe! Ayoko na ngang ikwento, nakakapangilabot. Ang brutal ng mga pangyayari ta-tapos hinalikan pa ako sa aking labi ng lalaking bampira na iyon.

Nakakainis dahil napapanaginipan ko ang tungkol sa mga Lobo't Bampira. Pero teka lang... bakit kinikilig ako sa lalaking Bampira na malabo ang mukha?

Hay naku! Maliligo na nga ako nang sa ganoon ay mawaglit sa aking isipan ang napanaginipan ko. Naligo na nga ako at pagtapos ay nagayos, saka bumaba.

Pagkababa ko nakita ko sina Aphrodite at Shigure na kumakain kasama si Ama sa hapag kainan kung kaya't makikisalo na rin ako sa kanila.

"Magandang umaga po, Ama. Magandang umaga rin sa inyo, Shigure at Aphrodite." - Pagbati ko ng may ngiti sa aking labi

"Magandang umaga rin, Anak. Kumuha ka na ng iyong makakain at nang sa ganoon ay makaalis na kayo." - Ani ni Ama na sinuklian ang ngiti na ibinigay ko kanina gamit ang kanyang ngiti

Kumain na nga ako ng tahimik at hinayaan na lang sila na mag-usap. Nang tapos na akong kumain, nagpaalam na ako kay Ama at sinenyasan sila Aphrodite na aalis na kami.

Habang naglalakad kami naisipan ko na ikwento sa kanila ang aking napanaginipan.

Kinuwento ko na nga sa kanila lahat ng nangyari sa aking panaginip at si Shigure lamang ang nag-react. Samantalang itong si Aphrodite ay nananatili pa ring naglalakad na tila may malalim na iniisip.

Narito na kami sa hallway, naglalakad patungo sa punong bulwagan. As usual pumunta si Aphrodite sa pinakaunahan kung saan malapit sa Stage. Hinila ko naman si Shigure upang dalhin kung nasaan si Aphrodite.

Ilang minuto ang lumipas, pumunta na si Head Master sa stage na may dalang microphone.

"Good morning Students! As we announced in our website that your new Professors will come today, we gathered all of you here to meet them. Let's all welcome the new Professors in our University, Mr. Son Oh Gong and Mr. Joshel Frederick Imperial." - Mahabang litanya ni Head Master at nagsimulang pumalakpak habang nakatingin sa may pinto.

Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang tao na hindi ko kilala na magiging Professors namin. Biglang nag-slow motion at unti-unting nahawi ang mga estudyanteng nagsisigawan na nasa gitna upang paraanin sila.

Nang malapit na sila sa stage ay nakita ko ng malapitan ang mga mukha nila. Bakit parang pamilyar sila sakin pero hindi ko naman talaga sila kilala?

End of Chapter 17

Edited Date: Feb. 5, 2021

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon