Chapter 28: The Stolen Kisses

262 7 0
                                    

Someone (Shone Kim) POV

Kumakain kaming apat sa hapag-kainan nang biglang dumating si Haring Joshel Frederick at ang aking Irog. Napatigil kaming lahat sa pagkain at tumayo upang magbigay galang.

Nang bigla kaming magkatitigan ng aking si Paula at bumilis ang tibok ng aking puso. Huminto rin ang aking mundo nang kami ay magkatitigan. Subalit ako na ang unang umiwas at nagsimulang kumain muli.

Hindi nagtagal ay natapos na kaming kumain liban sa Itinakdang Prinsesa. Naunang umalis sa hapag si Marco ngunit nag-paalam muna siya bago umalis. Hindi ko alam kung saan siya tutungo pero ilang araw na siyang umalis ng hindi sinasabi kung saan pupunta.

Ilang sandali lang ay sabay na umalis sina Haring Hector at Ginoong Harry habang nag-uusap. Samantalang si Andrei naman ay umalis na rin subalit hindi siya nag-paalam. Sina Shigure at Jason naman ay sabay na umalis at sa tingin ko'y may something sa kanilang dalawa.

Wala ng narito sa dining room liban sa amin nina Haring Joshel Frederick, Prinsesa Hermione Athena at Prinsesa Aphrodite Paula. Naisip kong umalis na lang din dahil nakararamdam ako ng pagka-ilang.

Yumukod ako sa harapan ni Haring Joshel at ng mga Prinsesa upang mag-paalam na aalis. Nang tumango siya ng dalawang beses ay umalis na ako sa hapag-kainan.

Naglakad ako paglabas ng dining room. Nang nakalahad na ako ng dining room, may biglang humawak sa aking braso upang pigilan ako sa paglayo.

"Sandali lamang..." - Pigil sa akin ni Aphrodite na medyo nahihiya

"Ano iyon, aking mahal na Prinsesa?" - Tanong ko sa kanya matapos kong yumukod kahit ramadan ko pa rin ang pagka-ilang

Hindi niya sinagot ang aking tanong. Sa halip ay hinawakan niya ang aking kamay at nag-teleport siya kung saan, kasama ako. Batid ko na narito pa rin kami sa Immortallia subalit ngayon ko lamang nakita ang lugar na ito.

"Nasaan tayo, mahal kong Prinsesa?" - Tanong ko sa kanya ngunit sa magandang tanawin ako nakatingin

Ang ganda ng tanawin dito. Marami na rin ang aking napuntahan na lugar dito sa Immortallia. Subalit, ito na yata ang pinakamaganda sa lahat.

Kaming dalawa ni Prinsesa Aphrodite Paula ay nasa lambak at mula rito sa aming kinatatayuan ay tanaw na tanaw namin ang pitong Kaharian.

"Aray!" - Sigaw ko dahil may humataw sa aking batok na batid kong siya ang may gawa kung kaya't nilingon ko siya

"Masakit ang hataw mo sa aking batok." - Reklamo ko sa kanya habang nakanguso

"Pashnea! Kanina pa ako nagsasalita rito ngunit hindi ka pala nakikinig." - Galit niyang sabi

"Itigil mo 'yang pagnguso mo baka hindi ako makapagpigil." - Ani niyang muli na umiwas ng tingin

Huh? Ano raw? Ano ang ititigil ko? Hindi man lamang nililinaw ang kanyang tinuran.

"Ang sabi ko itigil mo 'yan!" - Sigaw niyang muli at biglang nawala

Lumingon ako sa paligid ngunit wala siya kaya tiningnan kong muli ang pitong Kaharian. Ang ganda talaga ng mga kaharian.

Nagulat ako ng may malambot na bagay ang dumampi sa aking labi at biglang bumilis muli ang tibok ng aking puso.

"Ang sabi ko itigil mo 'yan eh." - Sabi niya matapos niya akong halikan sa aking labi sabay hawak sa kamay ko

[Under Editing] The Reincarnation of Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon