THIRD PERSON POV
Nang dumating si Alunsina sa kanilang silid-aralan, dali-dali siyang umupo sa kanyang upuan. Makalipas ang ilang minuto, dumating ang kanilang guro at inilapag ang mga dala nito sa kanyang mesa na malapit sa pisara.
"Magandang umaga sa inyong lahat!" Bungad na bati ng kanilang mahigpit na propesor, si Professor Aniag nang mailapag na nito ang kaniyang mga dalang gamit.
"Ang inyong mga klase ay suspendido mamaya dahil sa magaganap na pagpupulong ng mga propesor kasama ang ating head master." Anunsyo niya sa mga mag-aaral na nasa loob ng naturang silid-aralan.
Matapos marinig ng mga mag-aaral na naroon ang anunsyo ng kanilang propesor ay agad na nagdiwang ang iba sa mga ito. Subalit hindi nagtagal ay napalitan ng lungkot ang kanilang kasiyahan nang dahil sa sunod na sinabi ng kanilang propesor.
"Ngunit magbibigay ako ng takdang aralin na kailangan ninyong ipasa bukas. Naintindihan ba?" Dugtong na ani ni Propesor Aniag.
Nang walang sumagot na mag-aaral, kinuha ng kanilang propesor ang mga papel na dala niya kanina at isa-isang binigyan ang mga mag-aaral. Ang ilan sa mga mag-aaral ay bakas ang lungkot sa muka samantalang ang iba nama'y inasahan na ito kung kaya't hindi sila malungkot.
Matapos mabigyan ng propesor ang lahat ng naroon na mag-aaral ay bigla naman tumunog ang school bell. Senyales ito na ang lahat ng klase ay tapos na at maaari ng umuwi ang lahat ng mga mag-aaral.
"Class dismiss! Maaari na kayo umuwi lahat." Ani ni ng kanilang propesor bago ayusin ang mga dala niyang gamit at saka lumabas ng naturang silid-aralan.
Tulad ng mga kamag-aral ni Alunsina, inayos din niya ang kaniyang mga gamit at pinasok ang papel na ibinigay ng kanilang propesor sa loob ng kaniyang maliit na bagahe. Nang matapos ay isinuot niya ang kaniyang bagahe sa kanyang kanang balikat at saka naglakad din palabas ng silid-aralan.
Kasalukuyan na siyang naglalakad pauwi ng kanilang tahanan. Lagi siyang naglalakad papasok at pauwi sa paaralan dahil sa malapit ang kanilang bahay sa paaralan. Ang layo ng kanilang bahay mula sa paaralan ay isang daang metro lamang.
Isa pa sa dahilan ng paglalakad niya papasok at pauwi ay dahil ito na ang kanyang paraan para makapag-ehersisyo at makalanghap ng simoy ng hangin dito sa gitna ng kagubatan. Ang kagubatan na kaniyang laging nilalakaran ay pagmamay-ari ng kanyang ama, si Isagani Fabon. Si Isagani Fabon ay isang manggagamot ng mga hayop ngunit maaari rin naman siyang manggamot ng tao.
Nangangaso sila sa kagubatang ito para subukin ang kakayahan ni Alunsina sa pagpana at ginagawa lamang nila ito tuwing ika-dalawamput apat na araw kada buwan. Pinapataan ni Alunsina ang mga hayop sa bahagi ng kanilang katawan na hindi magiging sanhi ng pagkamatay nito.
Hindi sila pumapatay ng mga hayop dahil naniniwala sila na ang lahat ay may karapatang mabuhay dito sa daigdig.
Gamit ang kanilang busog at palaso, pinapatamaan lamang nila ang unang hayop na makikita nila sa bahagi ng katawan na hindi nila ikamamatay. Kapag ito'y kanilang natamaan, agad itong lalapitan ni Isagani upang lunasan ang naging sugat nito bago hayaang maglakad palayo. Ngunit, kung sakaling ito'y nahihirapan na tumayo ay binubuhat niya ito at idinadala muna sa kanilang bahay upang doon na magpagaling ng natamo nitong sugat.
Ilang minuto ang lumipas magmula ng naglakad si Alunsina sa loob ng kagubatan, narating niya rin ang kanilang tahanan. Agad siyang pumasok sa loob at nakita niya ang kaniyang ama na naka-upo sa isang pang-isahang sopa na nasa sala habang nanonood ng balita sa telebisyon.
"Magandang tanghali po, Ama!" Bungad na bati niya rito bago kinuha ang kanang kamay nito upang mag-mano.
"Magandang tanghali rin, mahal kong anak!" Pabalik na bati ng kaniyang ama sa kaniya.
BINABASA MO ANG
[Under Editing] The Reincarnation of Legendary Princess
FantasySi Alunsina Fabon ay isang pangkaraniwang mag-aaral subalit nagbago ang lahat noong sumapit ang kanyang ika-labing walong taong kaarawan. Isang hindi pangkaraniwang pagbabago mula sa kaniyang katawan ang naganap sa kanyang kaarawan na nagpagulat sa...