Prologue

358 9 8
                                    

"Hoy, ano na naman iniisip mo?!"

Kamuntik pa akong nagmura nang umakbay sa akin si Joseph at gulatin ako, buti na lang at napigilan ko kun'di baka napagalitan na naman niya ako..

"Wala, nag-iisip lang ako. Paano kaya kapag naging author ako?"

"Oh? Anong mayro'n doon?" Nakasandal ang siko ko sa harang ng terrace niya habang pinapanood ang paglubog ng araw bago ako humarap sa kanya.

"Sa tingin mo anong magandang flow ng story na pwede kong isulat?" Umupo muna siya sa silyang nasa terrace niya at inabot ang gitara.

"Maganda siguro 'yong tipo ng storyang magkaibigan sila tapos magkakahiwalay sila tapos magkikita ulit pagdating ng college tapos magseselos 'yong lalaki dahil may boyfri-manliligaw 'yong babae tapos babastedin no'ng babae 'yong manliligaw niya kasi ang mahal niya ay iyong childhood best friend niya. Maganda 'yon, the best!" Natawa na lang ako dahil sa kadaldalan ngayon ni Joseph.

"Maganda nga siguro 'yon." Pabulong kong pagsang-ayon..

Sa sobrang ganda, malabong mangyari sa ating dalawa..

Kenneth Joseph Almazan..

Iniisip ko pa lang ang pangalang 'yan tumitibok na nang mabilis ang puso ko.

Bakit hindi ko sinulit ang kadaldalan niya noong araw na 'yon?

Siguro kung alam ko lang na kinabukasan, hindi ko na ulit siya makikita baka nagapang ko na siya. Hahaha.

Bakit ba kapag nagmamahal ka lagi ka na lang nasasaktan?

Sabi nila kakambal daw ng salitang "pagmamahal" ang "pagsasakripisyo" at "sakit"

Pero, bakit sa akin panay sakit na lang nang sakit nang sakit nang sakit nang sakit?

Bakit lagi na lang ako 'yong nasasaktan?

Ahhh. Kasalan ko rin kasi..

Nangako ako sa sarili ko, na hindi ako ako gagaya sa Mama ko..

Sobra niyang minahal si Papa, iniwan lang din naman kami.

'Tsaka kaya ako laging nasasaktan, dahil ako lang naman 'yong nagmamahal..

Ang hirap talagang magmahal, wala kang panghahawakan na katibayan na sa huli, ikaw lang din ang mamahalin niya..

Hindi naman kasi natin hawak ang puso ng isang tao para diktahan siya na "Hoy puso ni Joseph! Sabihin mo sa amo mo ako ang mahalin niya!"

Then boom! Mahal ka na nga niya. Hindi gano'n ang pag-ibig.

Sabi ko, mas gugustuhin ko na lang na tumandang dalaga kaysa sumugal sa "pag-ibig" na sinasabi nila...

Nakakatakot kasi, living proof na si Mama at Papa. Akala ko sila na ang definition sa akin ng perfect love, pero wala rin. Nang nawala si Papa, nawala na rin ang pinanghahawakan ko..

Kenneth Joseph Almazan

Kaya ko siguro siya pinapasok sa buhay ko kasi, akala ko iba siya.

He was my best friend..

Kaya siguro napanatag ako na hindi niya ako sasaktan.. Na hindi niya ako iiwan..

Syempre! Bakit naman ako sasaktan ng best friend ko? Mahalaga ako sa kanya 'no!

Pero nagkamali ako, kagaya lang din siya ng lalaking nakilala ko.

Iniwan din niya ako..

Sinaktan din niya ako, nang paulit-ulit..

Paulit-ulit na sa kada ulit, pasakit nang pasakit.. Nakakapagod.

Nakakapagod din palang magmahal..

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon