Chapter 8

105 6 0
                                    

Sam's POV


Dati gustong-gusto kong pumasok nang maaga para walang hassle. Ngayon ayoko nang pumasok at all!


Makikita ko si Ken? Parang mapapasabak ako sa gyera nito.

Mukha lang akong matapang noong unang harap namin, pero nangangatog talaga ang tuhod ko no'n. Mabuti na lang nakisama sa akin ang panahon at medyo biniyayaan ako ng lakas ng loob.


"Samantha Ysabel Reyes!" Bulyaw ni Sandy sa labas ng kuwarto.

"Oh?" Lantang gulay kong sagot.

"Aba'y anong oras na! Nakabihis na kami't lahat ikaw hindi pa. May balak ka bang pumasok?"

"Ayokong pumasok ngayon, nilalagnat ako Sandy." Nagtago ako sa ilalim ng kumot ko. Ayoko talagang pumasok.



Ba't kasi rito sa Iba pa siya mag-aaral? Mayro'n namang university sa San Marcelino, San Antonio, San Narciso,San Felipe, o San lupalok niya pa gusto!

Tapos dito pa? Sa dinamirami ng lugar sa Zambales, dito pa siya maghahasik ng lagim? Ang layo-layo ng Iba sa bahay nila e. Ano 'yon mag re-rent din siya rito?

Tapos sa tabi pa ng apartment namin? Jusko ikamamatay ko na 'yon!


"Hoy ligo na!" Nakahiga pa rin ako sa kama ko at pinalilibutan ako nina Sandy. Panay ang hila nila sa kumot ko at ganoon din ako.

Ayoko talagang pumasok. And that's on period.

"Ayaw mo?" Tanong ni Ky sa akin. Tumango naman si ako.

"Wait, ibabalita ko lang kay Tita Vangie" Umambang may tatawagan si Ky.

Shit!

"Joke lang, ito naman! Ito na nga maliligo na nga ako e." Napatayo ako agad at mabilisang hinahanap ang tuwalya ko.

"Si Tita lang pala katapat mo e." Nakangising sabi ni Kitty habang nagsusuklay ng buhok.

Syempre gaga ka ba? Nanay ko 'yon e, baka sa galit niya liparin niya ako rito sa Iba para pingutin sa tainga.

(-_-).

Nakabusangot ako buong oras na naghahanda para pumasok. Naghahandang harapin si kamatayan. Sa ginagawa ko, pakiramdam ko ako mismo ang naghuhukay sa sarili kong puntod!

Lord pramis babawasan ko na ang pagmumura, magbago lang ang isip ni Ken at lumipat ng school. Pleasssee...


Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon