Chapter 9

77 5 0
                                    

Sam's POV


Mula noong nakumpirma ko na bakla talaga si Mark, lagi ko na siyang kasama. Masaya kaya magkaroon ng kaibigang bakla! Pero itong si Mark, nahihiya pa rin siyang gumalaw na parang bakla.

Hay naku, Mark! magpakatotoo ka na.


Natatakot siguro siyang pandidirian siya ng mga tao. Tsk, tsk, tsk.


"Uy Marky, kain na tayo." Magkasama kami ngayon at halos siya na lagi ang kasama ko. Ganoon naman na talaga noon, pero ngayon kasi hindi ko na siya tinataboy. Nilabas na kasi niya tunay niyang kulay e, edi wala nang issue kapag magkasama kami.


Busy 'yong tatlo ngayong linggo. Ky, Kitty, at Sandy. You know, projects here, project there, project everywhere!


Requirements, quizzes, performance task. Swerte nga namin ni Sebby sa bahay, kasi kami ang nagjujudge sa mga luto nila kapag pinaghahandaan nila para requirements nila.



"Pwede ba tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Marky, mukhang bakla e!" Nagkibit balikat lang ako. "The fuck wrong with you, Samantha? I'm straight!"



"H'wag ka ngang matakot sa akin, tanggap na nga kita e. Tara na kain na tayo, libre mo ko hihi." Yaya ko sa kanya at kumapit sa braso niya. He froze when I clung my arms on his, he stared at me.


"Bakit? Tara na kain na tayo." I repeated 'tsaka hinila siya papuntang cafeteria.

Pero h'wag ka! Kahit bakla siya may muscles. Paano kasi, athlete siya.

Kaya siguro siya sumali ng basketball para makita 'yong mga katawan ng mga varsity players! Tsk, tsk, tsk..



Hay naku Marky! Hindi mo ba alam? Na pinangarap ko rin 'yan?

(^~^).

Nakabili na kami ng kakainin namin at nakahanap na rin ng uupuan. Tahimik lang akong kumakain habang pinapanood niya ako, hindi ginagalaw ang plato niya.

Pinapatay niya na siguro ako sa utak niya kasi nakasalubong namin ni James.


"Sam." Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang magsalita siya.

"Oh?"

"Pwede ba? Makinig ka na sakin ngayon. Hindi nga ako bakl-"


"Ano ba Marky! H'wag ka nang matakot. 'Pag may nang-api sa'yo sumbong mo sa akin pepektusan ko. Ako bahala sa'yo!" Pagpapagaan ko sa loob niya at tinapik ko pa ang balikat.

Syempre prends na kami ngayon, kaya pagtatanggol ko siya.


Kaya lang naman ayaw ko sa kanya dati kasi akala ko 'di siya bakla. Ayoko na kasing makipagkaibigan sa mga lalaki, natrauma na ako. E bakla pala talaga, edi nice!


Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon