Chapter 19

66 8 0
                                        

Sam's POV

"Uy Reyes, bad mood?" Bad mood na nga si Mon pa ang bubungad sa pagpasok ko.
(-_-).

"Ano na naman bang problema mo?!" Naiirita kong tanong.

"Woah! Easy lang Reyes, wala akong problema. Baka ikaw ang may problema." Inirapan ko na lang siya.
Nanahimik lang ako rito sa bench tapos ito na naman siya bubungad sa akin.

'Pag dumating talaga si Marky mapepektusan ko 'yon! Kapal ng mukhang paghintayin ako.


"Gusto ko lang namang makipagkwentuhan Reyes. Anong balita? Kumusta? Mga ganoon." Pagpapaliwanag niya. Hindi ko siya pinansin, ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko.


"Makaalis na nga, la kang kwentang kausap. Bye." Napairap na naman ako sa sinabi niya. Nagiging habit ko na ata 'yon ngayon. Narinig ko ang mga hakbang ni Mon palayo kaya nagdiwang ang puso ko.


Ililipat ko na sana sa susunod na page ang binabasa ko nang mapansin kong may taong nakahinto sa harapan. Baka si Mon the baklang ranger na naman 'to!

Napaangat ako ng tingin at isang anghel ang nakita ko. Isang anghel na super hot!

'Yong nakasimangot kong mukha kanina napalitan na agad ng isang malawak na ngiti nang makita ko ulit siya. Si Bebe Kiko lang naman ang nasa harapan ko at nakangiti habang nakatitig sa akin.


Ibinaba ko ang librong binabasa ko at bumati sa kanya, binati niya rin naman ako pabalik saka umupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit mag-isa ka lang?" He asked.

"Um, hinihintay ko lang kaibigan ko, sabay na raw kaming pumasok e. Maaga pa naman kaya okay lang." Napakapit ako nang mahigpit sa librong hawak ko para pigilan ang namumuong pagtili na gustong lumabas sa bibig ko.

Gosh! Ang lapit niya sa akin! Ang bango!

Tapos mas nakikita ko pa 'yong dimples niyang lumalabas kada magsasalita at ngingiti siya!


"Pwede pakurot? Isa lang please." Wala sa sariling sabi ko. Napa huh tuloy siya.

"Ah wala, wala, h'wag mo ako intindihin, hehe." Pagbawi ko sa sinabi ko. Nakita ko nang parating si Marky sa direksiyon ko, mabilis na tumatakbo.

"Ah, Francis, sorry mauuna na ako nandiyan na 'yong kaibigan ko e." Pagpapaalam ko sa kanya saka ako tumayo. Tumayo rin naman siya at tumango.

"S-Sorry Sam, may d-dinaanan lang saglit." Hinihingal na sabi ni Marky.

"Hindi okay lang. Marky, si Francis nga pala, Francis, si Marky kaibigan ko." Pagpapakilala ko sa kanila.

Binigyan naman ako ni Marky ng sino siya? Look. Pero siyempre 'di ko alam kung anong isasagot ko.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon