Sam's POV
Paggising ko mukha agad ni Joseph ang nakita ko. Namiss ko 'to, 'yong hihintayin niya akong magising para lang maglaro sa bakuran namin.
He smiled when he noticed that I'm already awake, staring at him.
"Good morning." Bati niya sa akin habang pinapakita niya ang pinakamalawak na ngiti niya. Napaupo na ako sa kama at tinignan ko ang orasan sa kwarto. Umaga na nga! Alas syete na, ang haba ng tulog ko.
Nakaupo rin siya sa kama ko at nakatingin sa akin kaya 'di ako mapakali.
"Hindi na kita ginising kahapon kasi mukhang pagod ka." Sabi niya, hindi ko alam kung bakit sa simpleng salita niya ay nanayo ang mga balahibo ko.
"Dito ka n-natulog sa kwarto k-ko?" I asked, stuttering.
Napataas ang kilay niya. "Bakit? Wala namang masama 'di ba? matagal ko naman ng ginagawa 'to."
"H-Hindi na kasi ako sanay, dalawang taon ka na kasing hindi natutulog rito e." Kinakabahang sagot ko sa kanya. Natatakot ako...
Natatakot ako, na baka isang salita ko magalit na naman siya at hindi na naman niya ako kikibuin.
Matagal na panahon na mula noong huling nakasama ko si Joseph matulog dito sa kwarto ko. Minsan dito sa kwarto ko, tapos minsan naman doon din ako matutulog sa kwarto niya.
Dahil nga sa dalas na pagtulog naming magkasama may sari-sarili na kaming kama sa kwarto ng bawat isa.
Minsan kasama si Melisse, tabi kami, madalas naman hindi. Dahil hindi siya pinapayagan ng Daddy niyang matulog sa ibang bahay.
"Nakita ka ni Mama?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Wala si Tita, baka nasa trabaho. Si Ate Riri 'yong nakakita sa akin." Sagot niya habang hindi inaalis ang titig sa akin, ako ang umiwas ng tingin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong magmura pero hindi pwede, baka magalit na naman siya.
Paniguradong tuwang-tuwa na naman si Ate Riri kasi magkasama na ulit kami ni Joseph.
Lagi niya kasi akong inaasar kay Joseph eh, alam niya kasi na gusto ko siya.
Actually siya lang naman nakakaalam.
Si Ate Rianne Raine ay ang panganay na kapatid ko. Hindi niya natapos ang huling taon niya sa pag-aaral dahil nabuntis siya ni Kuya Jeff nang maaga, pero okay lang naman. Nabiyayaan naman kami ng isang makulit at cute na cute na Jewel Gem na kaka isang taon lang noong nakaraang buwan.
Sobra kung kiligin si Ate sa amin ni Joseph. Para ngang siya 'yong may crush doon e.
Si Ate nga lagi kong katulong sa paggawa ng mga gifts para kay Joseph tuwing birthday niya, valentines, pasko at kapag trip ko lang siyang bigyan ng regalo.
Si Ate nga rin ang isa sa mga dumamay sa akin at ang kasabay kong umiyak ng dahil sa pag-iwas ni Joseph.
"J-Joseph?" Napatingin siya sa pagtawag ko, may kinakalikot kasi siya sa phone niya.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...