Chapter 26

47 8 0
                                    

Sam's POV



"Ano na naman bang sinabi sa'yo ng abnormal na 'yon, Ate?" Nawawalan na ako ng pasensya rito ah!


"Kung makasabi ka ng abnormal parang hindi mo naman siya mahal." Napasimangot ako sa sagot ni Ate.
Sumulyap ako sa labas ng kwarto dahil nakabukas 'yong pinto at baka narinig ni Kenneth ang sinabi ni Ate.

"Ate naman." Napadako sa sahig ang titig ko.

"Alam mo, Sam, kung gusto mong kalimutan ang narararamdaman mo sa kanya, huwag mo naman siyang idamay. Inosente 'yang best friend mo! Jusko ka naman! Best friend mo pa rin siya kahit anong gawin mo. Iniwan ka niyang best friend niya tapos pagbalik niya ganiyan ang aabutan niyang pakikitungo mo." Itinaas ko ang tingin ko dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi ni Ate Riri.

"Iyon na nga 'yong point ko roon Ate eh. Iniwan niya ako, okay? He left without even telling me. Basta na lang siyang umalis! Anong inaasahan niyang ipapakita ko sa kanya? Na dapat gaya ng dati gano'n pa rin ang babalikan niya? Apat na taon siyang nawala, Ate, ano namang tingin niya sa nararamdaman ko? Kahit hindi na ang Sam na nagmamahal sa kanya, kahit 'yong Sam na best friend niya man lang sana inintindi niya 'di ba?" Ate remained silent. I know, he likes Kenneth that much. But how about me? My side, my feelings?

Paano ko pa siya papapasukin kung wala na akong tiwala sa kanya?


Lumabas ako ng kwarto ni Ate at dumiretso sa kwarto ko para makapagpalit ng mas komportableng damit.

Hindi ko maintindihan si Kenneth. Bakit kailangan pa niyang sabihin kay Ate 'yon?


Akala ba niya na kapag nagsumbong siya kay Ate at pinagsabihan ako nito mababago ang trato ko sa kanya? Nagkakamali siya, palalalain ko pa!


Tignan mo lang Kenneth. Humanda kang gago ka!



Dahil sa inis ko ay napalakas ang pagsarado ko sa pinto ng kwarto ko pagkatapos kong magbihis. Bwiset na lalaking 'yon!


"Tita Ganda, anong nangyari? May problem ka po ba? Bakit po nakasimangot 'yong face ninyo po?"
Bumalik ako sa sarili ko nang magsalita si Jewel. Kanina pa pala ako lutang sa sofa habang hawak ko ang remote ng TV naming hindi naman nakabukas.

Mag-aalas nuebe na pero bad mood pa rin ako!

"Wala namang problema si Tita, baby, lutang lang talaga. May gusto ka bang puntahan? Sulitan na natin at uuwi rin agad si Tita e."

"Bakit po uuwi ka agad?" Here we go again.


"Baby, alam mo naman na nag-aaral si Tita, 'di ba? Tapos pagkatapos mag-aral ni Tita at kapag nagkaroon na si Tita ng magandang trabaho makakapunta na tayong Disneyland! 'Di ba gusto mo 'yon?" Jewel's face lighten up, she's literally a ray of sunshine. I can't stop myself from pinching her chubby checks.


"Gusto mo sa Disneyland, Jewel?" Parehas kaming napatingin sa likod nang magsalita si Kenneth.

"Of course, Tito Pogi! Sabi ni Tita Ganda if natapos na raw niya 'yong study niya at makahanap na raw siya ng work niya pupunta raw kami roon! You want to come, Tito?"

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon