Chapter 4

105 6 0
                                        

Sam's POV


"WUUHHHHAAAAAATTT?!" Sabay-sabay nilang reaksyon sa sinabi ko.
Napayuko na lang ako at tinakpan ang mukha.




"G-Gusto mo sino? Si K-Ken?!" Kyline repeated while stuttering.

Inasahan ko nang ganito ang magiging reaksyon nila.

Noong high school kasi'y hindi matatahimik ang room namin kapag pumapasok kami. Lagi kaming may pinag-aawayan. We were enemies...

Bakit nga ba bigla kaming naging magkaaway noon? Hindi ko rin alam.

He's unpredictable... Gagawin niya kung anong gusto niyang gawin. At ang tangi ko lang pwedeng gawin ay mangapa kung anong nangyayari.

"Teka nga! Paano mo naman naging mahal si Ken? Kailan pa?" Naguguluhang tanong ni Sandy.

"M-Matagal ko na siyang g-gusto."
Nahihiyang pagkasabi ko. Ni hindi ko kayang tumingin sa kanila. Sobrang nakakahiya.

"Paano mo naman siya nagustuhan aber?! 'Yong pagiging matalik na magkaibigan ni'yo nga lang parang isang himala na nangyari, 'yong pa kayang mahalin mo siya?"


"Alam ko Sebby, sobrang labo na magustuhan ko siya.  Pero 'di ko alam paggising ko isang araw mahal ko na pala siya. Hindi na pala ako sa kanya naiinis, sa mga nagkakagusto na pala sa kanya."


Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob na sabihin sa kanila ang lahat ng ito. But there's more, more of our story. Pero pipiliin ko na lang na dahan-dahanin ang lahat.



"So ibig sabihin ako lang pala ang nakakahalata noon?" Napatingin ako kay Kitty dahil sa sinabi nito.


Mukhang proud pa siya sa sinabi niya ah? Hindi ko naman naintindihan.
(-_-).

"Anong ibig mong sabihin Kitty?"
Tanong ni Ky.

Nakakahalata?


"Ang ibig kong sabihin ay 'yong mga galawan ni Sammy ako lang pala nakahalata noon." Dagdag niya.

Galawan?

"Ano bang pinagsasasabi mo Celestine?" Nalilitong tanong ko sa kanya.

"My God, ang slow mo talaga! Ang gusto kong sabihin ay 'yong mga galaw mo ako lang nakakahalata. Iyong mga galaw mo na mukhang may gusto ka kay Ken. Ayaw ko lang sabihin noon sayo kasi baka naman gumagawa lang ako ng katangahan noon, pero hindi pala, totoo pala."

Paano naman niya nahalata? Ang ingat ko kaya.

"Hindi kasi maingat si Sammy, masyadong halata tuwing nagseselos siya. 'Di niya alam sa bawat pagtaas ng kilay niya sa mga babaeng dumidikit kay Ken nakikita ko. Haha! Masyado niyang pinapakita 'yong mga emosyon niya pagkasama si Ken, sobra kung makangiti at makikita mong masaya siya sa mga mata pa lang niya." Mukhang proud na proud si Kitty sa mga napansin niya. Habang ako ito nahihiya na.

Sobra ba talagang halata?

"Galing mo naman Kitty! Paano mo 'yon nagawa?" Tanong ni Sandy.


"Ganiyan talaga nangyayari kapag walang love life, nagiging mapagmatiyag." Biglang sabi ni Ky.

"Hoy, gaga ka! FYI wala ka ring love life!" Sagot niya kay Ky habang dinuduro ito.


Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon