Chapter 20

64 7 0
                                    

Sam's POV


Sandy remained crying, sobbing, letting her fragile side show. Kuya bakit kasi hindi si Sandy?



Natulala si Sebby at nag-angat ang kilay nang mapadako ang tingin niya sa amin. Napatingin din si Kuya Adrian sa amin. Nakita kong ang pagtataka at pag-aalala ni Kuya nang makitang umiiyak si Sandy.

Sandy gave a weak smile but her tears never stop flowing. Naging hudyat ito kay Kuya na takbuhin ang pagitan namin. Sandy immediately wiped her tears.


"A-Alessandra, okay ka l-lang?" Hinihingal na tanong niya rito. Tumango si Sandy, patuloy pa rin ang pag-iyak. Lalong bumakas sa mukha ni Kuya ang pag-aalala.

Naglakad na rin papalapit sa amin sina Kitty, nagtataka, nag-aalala kung ano ba ang nangyari. Maybe because it's their first time seeing her cry.



Sa aming apat ako ang unang nakaalam na gusto ni Sandy si Kuya, dahil nga sa kabinet na maraming lock. Sa kadahilanang madaldal ako e, kwenento ko sa tatlo.


Nagalit nga sa akin si Sandy kasi raw nangako ako na hindi ko sasabihin sa iba. Tatlong linggo kaya niya akong hindi pinansin dahil do'n. Syempre mabait ako, kaya minsan nagsheshare ako ng chismis 'no!

Pagkatapos naman ng tatlong linggo nagbati na kami, tapos nangako na lang kaming apat na kami na lang talaga ang makakaalam.


Si Cass ay kambal na kapatid ni Sandy, kaya lang naman siya naging Ate kasi nauna siyang inere ni tita Julie.

Hindi ko siya gusto. Period.

Ayoko sa kanya, lalo na para sa Kuya ko. Masyado ba akong mapagmataas?

Gusto ko lang naman 'yong BEST para kay Kuya, at alam kong si Sandy 'yon.
Hindi dahil sa kaibigan ko siya, kun'di dahil sa kilala ko siya at ang kambal niya. Kambal man sila ni Cass malalaman mo naman agad kung sino sa kanila si Sandy.


Si Sandy, mabait, magalang, palatawa, palangiti at hindi sumasagot sa magulang.

Hindi sutil...


Samantalang si Cass, Diyos ko po! Diyos ko po!


Feeling anghel sa harap ni Kuya, pero pagwala na si kuya? Ayon, may kasama nang iba.


Ganoon ba dapat? Sabi ni Sandy mahal daw ni Cass si Kuya? bakit nagawa niyang magloko?


Masyadong pinagtatakpan ni Sandy ang kambal niya, pinagtatakpan na naman niya. Lagi na lang, hindi na niya iniisip ang sarili niya at si Kuya.


Nandito na kami sa loob ng apartment, ang gagang si Sandy, pagkatapos umiyak bigla na lang nahimatay. Buti nasalo ni Kuya Adrian.


Ansama ko dahil nakuha ko pang kiligin kanina.


Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon