Chapter 12

95 5 0
                                    

Sam's POV


"Gusto mo ako?" Pag-uulit ko sa sinabi niya. E 'di ba bakla siya?

Ahhh, baka gusto niya ako dahil gusto niyang maging ako.

"Itigil mo na kung ano man 'yang ginagawa mong kabaliwan sa isip mo. Gusto kita dahil gusto kita. Sam hindi ako bakla, gusto kita, matagal na." Seryoso niyang pahayag.

"Eh?"


"Anong eh? Wala ka man lang sasabihin o gagawin man lang?" Naiinis na sabi niya.

"Eh, anong gagawin ko?" Nagtatakang tanong.

Ano ba dapat gawin ko? First time na may nagsabing may gusto sa akin e.

"Anong gagawin mo? Ang gawin mo panagutan mo 'tong nararamdaman ko para sayo! Dapat gusto mo rin ako para kwits!"


"Gago hindi nga kita gusto e!" Halos pasigaw kong sagot sa kanya.


"Grabe naman, Sam! hindi ka ba pwedeng magdahan-dahan?" Sinasabi niya 'yan habang nakahawak sa parteng bandang puso niya. Bading nga...


"Ano ka ba Marky, h'wag kang OA. Gusto mo palang ako, hindi mahal magkaiba 'yon." Paglilinaw ko sa bagay na pati ako ay hindi maintindihan saka tinapik-tapik ang balikat niya.


"Prends na nga tayo 'di ba? Ayokong masira ang nagsisimula nating ''friendship'' dahil lang sa gusto mo ako, okay?"

Alam ko kasi ang pakiramdam no'n.


"So ibig sabihin nareject ako? Friendzone?" Natatawang sabi niya saka bumuntong hininga.


"Mas okay na 'yon." Pagpapagaan ko sa loob niya saka siya inakbayan.

"So, friends na talaga tayo?" Tanong niya sa akin.


"Yup!" Masayang sabi ko sa kanya at inalis ang akbay ko. Itutuloy ko na sana ang pag-inom ko ng kape nang magsalita siya.


"Reminder, hindi ako bakla okay."

TSS.(-_-)

Wala na akong pake kung lalaki siya, magaan loob ko sa kanya. Hindi naman niya ako sasaktan 'di ba?


After nang matagal naming pag-eenjoy sa rooftop bumaba na kami para pumunta sa klase namin. Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Marky at hindi ko mapigilan na tumawa nang malakas sa pagkwento niya sa akin kung paano niya ako nagustuhan.


Nagustuhan niya raw ako noong sinuntok ko siya at pinektusan noong time na akala niya ako 'yong pinsan niyang babae at bigla akong inakbayan at niyakap.


Haha, baka naman hindi niya ako nagustuhan na gustong-gusto talaga.

Baka nabiliban lang siya sa akin kasi sabi niya first time niya raw nakakita ng babaeng hindi takot pumatol sa lalaki.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon