Chapter 10

79 5 0
                                    

Sam's POV

Nang marinig ko na ang pagbukas-sara ng pinto at katahimikan, lumabas na rin ako sa cubicle. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

Kitang-kita ko ang pamumutla ng mukha ko, bakas na bakas rin ang pagkakataranta ko dahil sa narinig.

Ready ka na Samantha? Ready ka na bang makita ulit siya araw-araw?

'Sa dinami-rami ng tanong ko, hindi ko alam ang sagot kahit niisa nito...


Cheer up Samantha!

Nakamove-on ka na. Masaya ka na ulit. Huwag kang magpapaapekto sa kanya.


Kaya mo 'yan!


Tama, kaya ko 'to. Nag-ayos lang ako nang kaunti saka lumabas na ng CR. Magsisimula na rin naman ang klase namin kaya napagdesisyunan ko nang pumunta sa room namin.


Papunta pa lang ako sa room, natanaw ko na agad si Marky, at mukhang may inaabangan.


"Sinong inaabangan mo? Gwapo ba?" Nakatalikod siya sa akin at may tinatanaw-tanaw kaya malamang hindi niya alam na nandito ako. Gulat siyang nalingon dahil sa marahan kong hawak sa balikat niya.


"Sam! Kanina pa kita hinahanap e... Bakit ang tagal mo? Saan ka ba nagpupupunta?" Alalang-alala niyang sabi, nakahawak sa magkabila kong balikat.

"Problema mo?" Kunot-noo kong tanong. Para kasi siyang tanga. Ano ako bata? Mawawala? Tss.


"Saan ka ba kasi nagpunta?" Seryoso niyang sabi.

"Dumaan lang ako saglit sa CR ba't ba? may problema ka ro'n?" Sagot ko sa kanya. Hindi niya ako kinibo at sinama na lang ako sa pagpasok ng room. Narinig ko na naman ang kilig na kilig na tili ng iba naming kasama sa room. 'Shiniship' daw kasi nila kami, kulang ata sa pihit turnilyo nila sa utak e.

Paano naman kasi, hawak ni Marky ang kanan kong kamay. Paanong hindi bibigyan ng malisya?

Ayan tuloy kung ano-ano na naman ang sinasabi ng mga kaklase namin. Na bagay daw kami ang sweet daw namin. Pero syempre, laging may isang tutol doon... Si Anne...

Kasi ANNEkati niya!


Crush na crush kasi niya si Marky, e hindi naman siya pinapansin ni Marky. Bakla nga kasi! Lalaki ang gusto.

At ngayon umaariba na naman ang makating ito. Bigla ba namang hinili si Marky at kumapit sa matcho nitong braso. I rolled my eyes for the nth time.


"Mark date tayo mamaya ah."
Tss. Makati nga talaga.
(-_-).

"May pupuntahan na kasi kami ni Sam mamaya e, sorry." Sa araw-araw na pangungulit ni Anne, ako lagi ang ginagawang dahilan nitong ugok na 'to!

Kesyo ihahatid daw niya ako, e 'di naman niya alam kung saan ako nakatira. May pupuntahan daw kami, e ayoko nga siyang kasama. Noon. Kaya ayan lagi akong tinatarayan ni Anne na makati.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon