Chapter 25

63 6 0
                                    

Sam's POV


"Umm, mag-aayos na ako para makaalis na tayo nang maaga, K-Kenneth." Pagpapaalam ko sa kanya matapos kong maghugas ng pinggan. Tumango naman siya saka dumiretso sa sofa at binuksan ang TV namin na parang siya ang may-ari nito.

Bahay mo bahay mo?


Dumiretso na lang ako sa kwarto namin para kunin ang tuwalya ko. Hindi naman siguro ako makikita ni Kenneth, 'no?

Bibilisan ko na nga lang maligo!



Dumiretso ako sa CR na malapit sa mga kwarto namin para mas sigurado na hindi niya ako makikita at binilisan ko na lang ang bawat kilos ko.


Tapos na akong maligo at nakatapis na, nagto-toothbrush na ako habang nakatingin sa salamin. Buti na lang maliit lang ang tumubong pimple sa pisngi ko kaya hindi masyadong halata.


Patapos na akong magtoothbrush nang may kumatok sa pinto ng banyo.


"May naliligo, sa kabila kayo!" Sigaw ko mula sa banyo.



"Si Joseph 'to Ysabel, ginagamit ni Celestine ang sa kabila. Are you finished? Naiihi na kasi ako." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakikinig kay Kenneth.

Ano 'yon? lalabas akong nakaganito, fuck?


"H-Hindi pa ba tapos si Kitty, Kenneth?"

"Hindi pa eh, LBM daw. Bilis Ysabel, lalabas na 'to." I saw myself turning red from a small mirror hung inside the bathroom. Napahilamos tuloy ako sa mukha ko at napahawak sa beywang ko.

"S-Sandali lang." Hinigpitan ko ang pagkakaayos ng tuwalya sa katawan ko dahil sa takot na matanggal ito. Todo ang kapit ko sa telang nasa parteng dibdib ko. My hands started shaking when I reached for the doorknob.


Pikit mata ko itong binuksan, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang bukas na ang pinto at nasa harap ko na ang taong dahilan ng mabilis na pintig ng puso ko.

"K-Kenneth..." Pabulong kong bigkas sa pangalan niya. Tutok ang paningin niya sa mukha ko, bumaba ito sa katawan ko. Lalong humigpit ang kapit ko sa tuwalyang nakabalot sa akin.


"U-Um, Kenneth... D-Dadaan a-ako..." Kinakabang sabi ko. Nag-iinit na ang pisngi ko at pakiramdam ko pati ang buong katawan ko. Umakyat ang tingin niya sa mukha ko at tumigil ito sa labi ko, natikom ko ang bibig ko.


Lumapit siya sa akin at pinantay ang ulo sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Paano ako makakatakas sa sitwasyon na ito? Shit lang!


"Um, Ke-Kenneth..." Nahihiyang bulong ko nang makita kong hahawakan niya ang mukha ko.

"Ano ba, Kenneth..." I whispered, staring at his eyes that are slowly melting me. Napapikit ako nang dumampi ang kamay niya sa gilid ng labi ko. Minulat ko lang ang mga ito nang matanggal na ito rito.

"May..." Ipinakita niya sa akin ang bulang dulot ng toothpaste habang nakangisi. Pakiramdam ko sasabog na ako nang lalong lumawak ang ngisi niya dahil sa reaksyon ko.


Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon