Chapter 6

100 6 0
                                    

Sam's POV


"Girls? Bored na ako." Paano kasi maghapon na kaming nanonood ng movies, paanong hindi magsasawa.

"Hindi lang ikaw Kitty, 'di lang ikaw." Sabi ni Ky tapos ay sumubo ng popcorn na nasa kandungan niya.

"What if gumala naman tayo? Ilang buwan na tayong 'di naggagala e." Suggestion ni Sandy. Basta usapang galaan talaga itong isang 'to ang nangunguna.

"Oo nga 'no? Ano tara?" Yaya ni Kitty.

"Tama! magandang ideya. Bibili ako ng libro ngayon eh. Mall nalang tayo?" Yaya ko sa kanila. Hindi naman pwedeng magmukmok na lang ako rito 'di ba? I shouldn't mind that freaking call from him.

Bigla namang tumayo si Sebby.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Ky.

"Papalit. Mall 'di ba?" Sagot niya sabay diretso sa kwarto nila. Tsk. 'Di ko talaga mabasa takbo ng utak no'n minsan.

"So? tara na!" Masayang sabi ni Ky.

"Hindi pa nga tayo nagpapalit aalis ka na? Eww!" Pambabara ni Kitty kay Ky at saka tumayo na.

"Lagi ni'yo na lang akong ginaganito!" Pagpapabebe niya.

"Ganiyan talaga pagspecial child." Sabi ni Sandy sabay tayo at tapik sa balikat ni Ky saka umalis. Tinignan naman ako ni Ky.

(-_-)


Tumayo na lang ako sabay pabirong irap sa kanya at dumiretso sa kwarto namin. Rinig ko naman ang iritado niyang sigaw.

Evil smirk.

Ganito ang tunay na magkakaibigan.
(^v^)



"Saan tayo unang pupunta?" Tanong sa amin ni Sandy habang nakaupo sa sofa at inaayos ang suot niyang sneakers. Mabuti nga at hindi niya naisipang magsuot ng isa sa mga collections niya ng heels at wedges e.

Bihis na kaming lahat pero 'di namin alam kung saan kami unang gagala. Hindi na rin ako nag-abalang mag-ayos.

A plain white v-neck shirt paired with tattered jeans and a pair of white shoes would do. Sinuot ko na lang ang necklace na regalo sa akin ni Sandy noong nakaraang birthday ko, para hindi gaanong simple ang ayos ko. Isa siyang manipis na kulay silver na kuwintas na may pendant ng half moon.

"What if manood na lang tayo ng sine?" Suggestion ni Ky, iniikot ang kinulot niyang dulo ng buhok.

"E kaya nga tayo gagala 'di ba? Kasi bored na tayo sa kakanood ng movie. Tapos manonood din ulit tayo ng movie? Tanga lang Ky? Tanga lang?" Pangbabara ni Sandy sa kanya at tumayo na sa wakas saka inayos ang nagusot niyang maong na dress na may puting t-shirt sa loob na hindi ko mabasa kung anong mga nakasulat.

"Nagsuggest lang naman ako eh." Pagdadahilan ni Kyline. Nakamaong rin siya, pero jumper shorts ang kanya na crop top ang nasa loob.

Baka kabagin ang isang 'to, kitang-kita ko ang maliit niyang beywang! Kinulang na naman sa tela ang damit.

"Isipin mo muna kasi kung may kabuluhan 'yang sinasuggest mo."
Dagdag ni Sebby. Nakatali ng buhok si Sebby, ponytail. Nagsuot lang ng maong na palda na isang pulgada ang layo sa tuhod, light pink off shoulder crop top at pares ng sandals.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon