Sam's POV
Ang weird ng mga tao ngayon. Literal.
Paano kasi si Ky, kanina nang napadaan ako sa kanya hindi ko sinasadyang makita 'yong ginagawa niya. Inistalk niya si Melisse at matagal na tinititigan ang bawat post niya ng pictures nila ni Joseph. At ang gaga nakakunot noo pa habang pabalik-balik na tinitititigan ang mga posts may kasama pang pailing-iling 'wag ka!
Si Kitty naman halos hindi pa lumalabas ng banyo kanina pa. Base sa narinig ko kanina nang idikit ko ang tainga ko sa pinto, si Mon ang katawagan niya. Nagbabangayan pa nga!
"Bakit kasi hindi mo sinabi sa akin agad! Edi sana sinabi ko rin kay Sammy para hindi na nagkandaleche-leche 'di ba?"
"Potch hindi ko nga alam na nakita n'yo. Sorry na. Kakausapin ko na lang siya para ipaliwanag niya kay Sam. 'Wag ka nang magalit. Love you."
"Che!"
'Di ba ang gulo? Ano namang sasabihin nila sa akin? Anong ipapaliwanag? (-_-).
"Oh saan punta mo?" Papalabas na sana ako dahil akala ko hindi na ako mapapansin ng mga may sapi pero napansin pa rin ako ni Sandy.
"Wala, lalabas lang saglit. Baka mahawa ako sa kaweirduhan ninyo."
Pati si Sandy. Kanina kasi katawagan niya ata si Kuya tapos mukhang namomoblema siya habang may pilit pinaliliwanag. Ang gulo!
Tuluyan na akong lumabas at dumiretso ng Seven Eleven para magpalamig. Wala akong pake kahit plain white T-shirt at shorts lang ang suot ko dahil ilang minutong lakaran lang naman papunta ro'n.
Bumili ako ng inumin at naupo saglit para matulala. Walang pumapasok sa utak ko. As in wala. Literal na wala.
Bumalik lang ako sa sarili ko nang marinig ko and pagring ng phone ko at nangunot nang mabasa ko ang pangalan ni Kuya Adrian do'n.
"Hello po Kuya. Ba't ka po napatawag." Masiglang sagot ko pero nabigla ako dahil sa galit niyang tanong.
"Nasaan ka? Kahit anong mangyari 'wag kang lalabas ng apartment ninyo Samantha, makinig ka sa akin. 'Wag na wag kang lalabas. Hayaan mong si Kuya mo ang gumanti-" Napatingin ako sa phone ko nang nawala ang boses ni Kuya. Lintek! Ngayon pa nalow bat!
Pero bakit ayaw niya akong paalisin ng bahay? Anong ganti? And weird talaga ng mga tao ngayon.
Matapos kong maubos ang inumin ko ay napagdesisyunan ko rin na bumalik na lang sa apartment. Lagot ako kay Kuya 'pag nalaman niyang wala ako sa apartment kaninang tumawag siya. Malay ko ba kasi! (-_-).
Ilang metro bago makarating sa apartment ay nakita kong pumarada sa gilid ang kotse ni Francis. Nangunot ang noo ko nang nakita ko siyang lumabas at pilit sumisilip sa loob ng apartment- na bugbog sarado.
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
Lãng mạnKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...