Sam's POV
"Inggit ka?"
"O-hindi 'n-no!" Sagot ko sa mapanghusgang tanong nitong si Francis. Grabe ka naman! Halata ba masyado?
"I'm just joking haha!" Tatawa-tawang sabi niya saka kumuha sa fries ko.
Just joking, just joking sunggaban kita riyan eh.
May nakita na naman akong couple na kakarating lang at naghahanap ng upuan.
The Putanginang Iguana couple....
At ang tarantadong tadhana ba naman, katabi lang naman namin sila... Ansaya 'di ba?
'Yong reyna ng iguana, 'yong hari, ako, at ang Bebe ko...
Hindi ko inabala ang sariling lumilingon sa kampon ng kadiliman dahil wala lang, gusto ko lang. Baka mastress lang ako.
Gwapo kasi ng bebe ko kaya 'di ko na kailangang maghanap o ipalit siya sa lalaking iguana yuckness.
Pero kahit masarap tignan ang mukha ni Francis hindi ko pa rin maiwasang mainip. Paubos na fries ko, pati inumin ko, ayoko ng popcorn.
(-_-)."Francis, ano ba papanoorin natin?
" Sa tinagal-tagal kasi namin dito sa loob ng sinehan na naghihintay wala pa rin akong clue kung ano ang papanoorin namin.Holo! Baka Fifty Shades of Gray! Bebe Kiko hindi pa ako ready.
"A Quiet Place.."
"H-huh?" May sinasabi ba siya?
"A Quiet Place yung papanoorin natin. Sabi kasi nila maganda 'yon eh." Sagot niya sabay ngiti.
First, ang inaasahan ko manonood kami ng isang romantic movie.
Second, akala ko Fifty Shades talaga..
Tapos manonood kami ng movie na hindi na nga romantic nakakatakot pa?!
Masyado akong oa para sa iba kasi hindi naman daw 'yon nakakatakot, pero nakakabigla 'yon! Magugulatin ako!
Paano kung ma witness nitong katabi ko 'yong kahiligan ko sa pagmumura?!

BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...