Chapter 21

53 7 0
                                    

Sam's POV


Niyaya namin si Francis na rito na rin kumain, agad naman itong pumayag.
Andito kaming lima sa kusina, tumutulong sa pagluto.

Buti nga at medyo malaki-laki ang kusina ng apartment namin e. Sina Sandy, Ky, at Kitty ang bahala sa ulam namin, tapos kami naman ni Sebby sa dessert para may maitulong naman kami.

Syempre hindi pwedeng ipandessert ang strawberries ko 'no! Kahit crush ko pa si Francis.  A big no!


"Sandy kumusta, ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Sebby habang inahalo ang fruit salad na gawa namin.

"Okay lang naman." Sagot nito, abala sa pagluto ng adobo. Samantalang 'yong dalawa nagluto lang ng kanin.



"Syempre paanong hindi magiging okay 'yan e, si Kuya ang nagbantay riyan. Pinunasan, hinaplos. Alam mo ba, Sandy, kanina kasi sumilip ako tapos nakita ko kiniss k-"

"Stop!" Pagpigil niya sa dapat na ibubunyag kong kababalaghan na nakita ko kanina.

*insert evil laugh*

HA HA HA HA HA!


"Yieeeeee. Ganiyan ba ang itsura ng balak lumimot, ha? Namumula-mula pa, hahaha! Siguro gising siya noong hinalikan siya ni Kuya, nakabawi rin si Kuya!" Pang-aasar ni Kitty.

"Kailan kaya babawi si Paul?" Nahihibang na tanong ni Ky habang nakatitig sa fruit salad na hinahalo ni Sebby.

"Asa ka naman!" Pang-aasar ni Sebby sa kanya saka nilagay sa ref ang gawa naming pangworld class.

"Purket may Carl Santos ka lang na katawagan tuwing gabi ganiyan ka na ha? Sebby? Akala mo ba 'di ko nakita 'yong ginawa niya sa'yo noong last na dumalaw siya rito? 'Di ba biglang-hmmmm!" Naputol ang dapat na sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko.


Binitawan din naman niya ang bibig ko nang manahimik na ako.

"AlamniyobabiglasiyangsinandalniCarlsalababonatintaposnaglandiansila. Yuck!!" Mabilisang sabi ko, hindi humihinga. Hindi tuloy mapakali si Sebby. Nang natapos ay sunod-sunod akong sumagap ng hangin.

"Ano? hindi ka namin maintindihan." Si Ky.

Binigyan naman ako ni Sebby ng h'wag mong sasabihin please. Look.


"Sebby, sa pagkakaibigan dapat walang secrets..." Sabi ko kay Sebby at hinarap ang tatlo.

"So, ayon nga. Noong last na dalaw ni Carl dito nakita ko silang naglalandian ni Sebby sa kusina. Naku, grabe ang pupusok nila! Pinatong ni Carl si Sebby sa lababo tapos si Sebby nagpabebe pa. Kunwaring ayaw, pasuntok-suntok sa braso niya. Tapos maya-maya, diyos ko! ang innocent and beautiful eyes ko nakitang naghalikan sila!" Mahabang pagbubulgar ko ng sikreto ni Maria Sebastiana.

Noong pumasok na sa kokote ng mga gaga ang sinabi ko nagtawanan na sila, habang si Sebby parang binagsakan nang mundo. Haha, sorry. Alam ni'yo namang medyo madaldal ako 'di ba?


"Ay, si Sebby, kunwaring inosente!" Pang-aasar ni Kitty.

"Kaya nga! Walang pinipiling lugar, hindi man lang sa kwarto, okay lang naman. Haha." Dagdag na pang-aasar ni Sandy.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon