Chapter 41

53 5 0
                                    

Sam's POV

"Ano magcecelebrate na ba ako? Kayo na ba sa wakas?" Nangunot ang noo ko dahil sa pagsalubong sa akin ni Marky. Matapos ng pag-uusap namin ni Joseph ay nagpakalma muna ako sa comfort room. Comfort room daw eh, kailangan ko pa naman no'n.

Ngiting-ngiti pa siya nang salubungin niya ako pero unti-unting nawala 'yon nang dumako ang tingin niya sa maga kong mga mata. "Anong sinasabi mo?"

"Hindi mo siya sinagot? Wala pa ring kayo?" Litong-lito niyang tanong.

"Nababaliw ka na ba? Bakit ko siya sasagutin? 'Tsaka kaibigan ba talaga kita? Hindi mo ba napapansin na lagi na lang akong nasasaktan?"

"Napapansin naman."

"'Yon naman pala eh-"

"Kaya nga ayusin ni'yo na 'yong relasyon ninyo. Pareho lang kayong nagdurusa sa mga pinaggagagawa ninyo, mahal ni'yo naman 'yong isa't isa pinagugulo ni'yo lang lahat." Pairap niyang sabi.

"Hindi mo kasi ako maintindihan." Mabagal kong sabi sa kanya.

"Talagang hindi kita maiintindihan, galing kang mental eh." Mahina ko siyang sinapak sa dibdib at napailing.

"Maganda rin pala ang dulot ng pagiging broken mo, hindi ka na masyadong namimisikal." Dahil sa sinabi niya hinila ko ang patilya niya at kinaladkad papuntang room namin.

"A-Aray! Joke lang 'to naman eh! Daig mo pa girlfriend ko ah!" Minasahe niya ang mamula-mula niyang tainga dahil pinuntirya ko rin 'yon.

"Mabuti na lang talaga hindi natuloy pagkakagusto ko sa'yo, nandidiri na lang ako ngayon." Parang uod na inasinan si Marky dahil sa pag-iinarte niya at aktong pandidiri.

"Baliw." Naibulong ko na lamang. Salamat naman at medyo gumaan ang pakiramdam ko. Binigyan na naman ako ni Marky ng rason para 'wag siyang itakwil sa tropa dahil madalas hindi ko na siya naiintindihan.

"Libre mo'ko lunch ah." Sabay kaming naglalakad ni Marky papuntang cafeteria dahil katatapos lang ng klase namin.

"Grabe ka naman Sam, mamumulubi ako sa'yo eh. Anak kita, anak kita?" Nahinto kami sa paglalakad at nakapameywang pa siya.

"Ah namumulubi pala ah. Sabihin ko kaya kay Ry na sumama ka sa inuman nina Ced noong nakaraan. Ano? Sumbong kita, sumbong kita?" Parang tanga na napalabi si Marky.

"Joke lang eh. Ano gusto mong ulamin? Gusto mo sa labas pa tayo kumain eh, naku Sam barya lang sa akin 'yan." Mayabang niyang sabi.

"Tss." Magsisimula na sana kami sa paglalakad nang nakita ko si Francis. Nahinto siya sa at nahihiyang napatingin sa akin. Tatalikod na sana siya at aalis nang tawagin ko ang pangalan niya.

Nilingon ko si Marky. "Kalma lang. Ayos lang ako, kakausapin ko lang siya." Nakakuyom ang mga kamao niya pero dahan-dahan din siyang napatango.

Napabuntong hininga ako bago lumapit kay Francis. "Tara lunch tayo?"

Nahihiya lang siyang tumango at sumunod sa akin. Siya na rin ang nagprisinta na magbayad at bumili ng pagkain namin.

"Ahh Sam-"

"Maya na 'yan. Kain muna tayo." Pagputol ko sa kanya at ngumiti. Ilang siyang tumugon din ng pilit na ngiti.

Pansin ko ang nerbyos niya sa bawat pagsubo ko kaya sadyang binagalan ko ang pagkain para medyo kumalma naman siya. Sabay kaming natapos na kumain at nakabantay lang siya habang umiinom ako ng tubig.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon