Chapter 33

69 6 0
                                    

Sam's POV



Mabuti na lang at naimbento ang dryer at washing machine sa panahon ngayon. Dahil kung hindi, siguradong basahan ang susuotin ko sa date namin ni Joseph.

Joseph..

I miss calling him by that name, but I miss him more...

I'm such a flirt, fuck.


Parang kailan lang nang sinabi kong magiging selfish muna ako at iiwasan siya tapos ngayon magdi-date pa kami?



Dahil may pakinabang naman ang pagiging babaeng-babae ni Kitty, hiniram ko ang blower niya at kung ano-anong gamit na mayroon siya.


Gamit ko ngayon ang isa sa mga pasalubong ni Tita Klarissa sa akin. Isa siyang dress na kulay peach na above the knee..


Hindi ko nga alam kung mukha ba akong madre o ano dahil hanggang siko ang manggas niya. Pero dahil I love myself, sa tingin ko naman cute ako.
(^~^).


Pinaresan ko na lang ang damit ko ng isang kulay puting wedge na hiniram ko pa kay Sandy dahil siya ang mahilig magsuot ng ganoong sapatos.


Abala ako sa pagplantsa ng buhok ko nang bumukas ang pinto ng kwarto namin ni Ky, napatingin ako roon.


"Aba-aba! Bakit noong kay Fafa Francis hindi ka naman ganiyan kafocus sa pagpapaganda? Hmm.." Lumapit sa akin si Sandy at sinuri nang maigi ang damit ko.


"Naku, pabayaan mo na siya, Sandy. Kailangan niyang magpaganda para sa ''Joseph'' niya. Syempre halos lima na taong nawala! Kailangan ipamukha niyang ''hoy! Ako 'yong iniwan mo!'' Ganern!" Sinabayan pa ni Ky na kakapasok pa lang ng kwarto.


Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagplantsa ng buhok hanggang sa wala na akong narinig na mga boses dahil lumabas na ata sila. Medyo nagmamadali na ako, mag-aalas singko na at baka nandiyan na si Joseph kaya hindi ko na nilingon ang mga gaga.


"Kung bumalik na naman kayo para mang-asar, lumayas na kayo! Mga bwiset! Mamaya nandiyan na 'yong iguana hindi pa ako tapos dito!" Sabi ko noong bumukas ang pinto.


Abala ako sa paglagay ng kulay sa pisngi ko nang napatingin ako sa gilid ng repleksyon ko sa salaman.



"Hindi mo na kailangan magpaganda, maganda ka na.."


Iniwas ko na lang ang tingin ko nang bumanat si Joseph.



"Doon ka nga sa labas! Ginugulo mo lang ako rito e!" Hindi ako tumitingin sa repleksyon niya sa salamin para hindi ako mailang.


Hindi naman siya nagsasalita kaya hinayaan ko na lang siyang panoorin ako sa ginagawa ko. Kauting spray ng pabango ay natapos din ako, sinabit ko na ang bag ko sa balikat ko at humarap sa kanya.


Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon