Sam's POV
Kung panaginip man ito, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Kung gusto ko na bang gumising sa bangungot na 'to, o manatili dahil ang mangyari ang senaryong ito ang pinapangarap ko.I turned my back again to make sure I wasn't dreaming, but nothing had changed. Totoo nga ang nakikita ko. "Pa."
Muli kong hinarap si Joseph, sinusubukang patahanin ang sarili ko. "S-Si Papa... p-pa.. Papa k-ko.. ba-bakit.."
"Love-Love naman, tinupad ko ang hiling mo para mapasaya ka. Please stop crying, I really hate it.. Smile."
Matapang akong tumalikod kay Joseph at humarap sa unang lalaking minahal ko, sa unang lalaking dumurog sa puso ko.
Gaya kay Joseph, nakasuot rin ito ng kasuotan ng makalumang mga dakila, habang hindi mawala ang ngiti sa mga labi.
Sa isang hari siya maihahambing, isang hari na pinamumunuan ang isang kaharian. May reyna, at mumunting mga prinsipe't prinsesa. Isang masayang pamilya. And I thought that family was us.
Akala ko magkakaroon kami ng palasyo na gawa sa ginto at pilak, tulad nang sa kwento niya. Pero nawala siya. Bitbit ang pangarap ko, na kahit anong pilit, mananatili na lang na imahenasyon.
Tumigil ang paghikbi ko nang magsimula na siyang humakbang papalapit.
Magagalit ba ako o hindi?
Kakausapin ko ba siya o hindi?
Mapapatawad ko ba siya?
Kilala ko pa ba siya?
Siya pa rin ba 'yong amang minahal ko?
Ano bang mararamdaman ko?
Lahat ng tanong sa utak ko ay nabura nang makatanggap ako nang maiinit na yakap mula sa kaniya.
"I'm sorry... I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry." Kahit paulit-ulit lang ang mga salitang sinasabi niya, pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Nalaman ko na lang na lumuluha ulit ako ng sasagap sana ako ng hangin, ngunit paghikbi ang naging resulta nito.
Even though I knew he wouldn't be hurt, I still punched him in the back. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, kahit mahina at walang lakas.
Anim, pito, walo, siyam, hanggang sa namalayan ko na lang na tumigil na ako sa pagsuntok, at nakayakap na sa kaniya..
Marahan niyang hinahawi ang buhok ko nang makapag-ipon na ako ng salita na sasabihin sa kaniya.
"Ang sama-sama mo, P-Pa. Bakit mo kami iniwan? Hindi mo ba kami m-mahal?" Paputol-putol, pero puno ng galit kong sabi. "Am I not a good daughter to you? Am I not smart enough? Do I make you feel ashamed because I was your daughter?"
BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...