Chapter 28

54 6 0
                                    

*****
Kitty's POV



Bwiset na lalaking, 'yon! Siya pa 'yong may mukhang manloko? Eww! Hindi ko nga alam kung bakit ko 'yon sinagot mukha namang butiki! Yuck!


Pero buti na lang talaga nagloko na siya, para naman makalaya na ako sa possessiveness niya! Sobrang possessive, kasi ako ang naging girlfriend niya na dyosa!


My God! Nandididiri ako kapag naaalala kong nahalikan na niya ako sa cheeks! Like, virus kaya 'yon!


"Uy, sabay na tayong pumasok ngayon ah." Nagsusuklay ako ng buhok ko nang kausapin ako ni Sandy.


"Bakit? Hindi ka susunduin ni Kuya?" Napairap lang si Sandy sa sinabi ko.
Aysus! Nagpapabebe pa uy!


"Away kayo? Aysus, daming alam!" Tinulak-tulak ko pa siya, tapos kahit hindi naman malakas ay natumba ang gaga. Hehe?

Totoo nga at sabay talaga kaming pumasok ni Sandy, pero nakasimangot siya buong oras na kasama ko siya.


"Nakakaasar! Bakit hindi niya ako sinundo? Bakit hindi siya nagpakita? Arrgghh, ang unggoy na 'yon!"


Ayan pa, umasang susuyuin HAHAHA!


Nasa loob na kami ng room para sa unang klase namin pero wala pa rin sa mood si Sandy. Buti na lang wala na akong love life HAHAHA.


"Wala pa ring text o tawag man lang?" Nakasimangot si Sandy hanggang sa pagkain namin ng tanghalian.

"Bwiset na lalaking 'yon! Bahala siya sa buhay niya, hindi na niya ako mahal!" Muntik ko pang maibuga sa kanya ang coke na iniinom ko.


"Dami mong alam, makipagbreak ka na lang!" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"No way!" Napakibit balikat na lang ako sa kanya. Gulo niya e, bahala siya riyan..


"Ano ba, Sandy?! Bilisan mo namang maglakad Diyos ko po! Ang init-init e!" Nag-aya aya siyang tumambay sa field pero parang labag naman sa loob niya. Kinailangan ko pa talaga siyang hilain para makapunta talaga kami sa field.

Parehas lang kaming walang kibuan pagkaupo namin sa tambayan namin.
Nakayakap siya sa mga tuhod niya pagkatapos na walang arteng umupo sa damuhan kaya tumulad ako sa kanya.

"Okay ka lang?" Ako nalilito na talaga sa babaeng 'to a.

"Si Adrian kasi e! Bakit hindi niya ako sinusuyo?" Tanong niya sa akin kahit alam niya namang hindi ko alam ang sagot doon, baliw.


"Ano ba kasing ginawa mo?" Napanguso lang siya at umaktong nag-iisip..

"Kasi ano, Ummmm.. Ganto kasi 'yan, umm. Argghh! Hindi ko alam!" Napangisi na lang ako sa kanya at pasimpleng kinalikot ang phone ko para itext si Kuya Adrian.


Tinanong ko siya kung anong problema nila ni Sandy, si Sandy naman walang kaalam alam na katext ko na ang kinababadtripan niya HAHA!



Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon