Chapter 1

234 9 4
                                    

Sam's POV


Ito ako ngayon, nakatunganga at nababagot na! Hinihintay ko ang naggagandahang mga kaibigan ko na ang babagal kumilos!

(-_-).

By the way, ako nga pala si Samantha Ysabel Reyes. I'm 21 years old. Nakatira sa bayan ng magagandang boyish.

SAN NARCISO ZAMBALES!

At naniniwala po ako sa kasabihang, Pepektusan ko ang mga kaibigan ko paglabas nila mamaya, by Samantha Ysabel.

Siguro kung sumali ako sa mga pageant-pageant tapos ganiyan ang sinabi ko baka nabato na ako ng itlog at kamatis.

Pwede na rin, para may pangkain kami nina Sebby. Gipit eh.

Matry nga minsan.

Natawa na lang ako sa sarili ko dahil kung ano-ano na naiisip ko dahil sa inip sa pag-aantay sa kanila.

Dahil siyam-siyam kumilos ang mga kaibigan ko, paninindigan ko na ang katangahan ko at magbabaliktanaw na lang ako. Aaliwin ang sarili sa pagtatanong ko din sa sarili ko.
(-_-).



Unang tanong, bakit ang ganda mo?

Enebe? (^~^)  Hende nemen mesyede hehe!
*hinampas ka nang tubo dahil sa kilig*


Pangalawang tanong, bakit mag-isa ka lang sa bench ngayon wala ka bang boyfriend Miss Byutipul?

Wala akong boyfriend. (-_-)

Napaisip tuloy ako na maling ideya ang magbalik tanaw.

Masaya ka na niyan Samantha Ysabel? Pinaalala mo lang sa sarili mo na hanggang ngayon NBSB ka parin. Sa 21 years of existence mo sa mundong ito, never kang nagkajowa at jinowa.. Nice.

Bakit ako mag-isa ngayon?

HINIHINTAY KO LANG NAMAN NG MGA LETCHE KONG KAIBIGAN PARA MAKAKAIN NA KAMI NANG SABAY-SABAY KAHIT GUTOM NA GUTOM NA AKO! CAPSLOCK PARA DAMANG-DAMA!

'Di ba? Ang sweet ko 'di ba?

Sa 'di kalayuan nakita ko na si Sebby na kumakaway sa akin pinangungunahan ang tatlo pang impakta.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sinaman sila ng tingin.

Ang mga gagang ito! May balak pa ata silang sumali sa modeling dahil sa bagal nilang maglakad!

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon