Sam's POV
"Okay ka lang ba Ysabel?" Bumalik ako sa realidad nang nagsalita si Joseph sa harap ko. Nauna na sina Marky dahil may emergency sa bahay nina Mary Christ kaya kami na lang dalawa ang magkasama.
"O-Oo, okay lang ako." Umayos ako ng upo at nang nagtagpo ang mga mata namin ni Joseph ay wala sa sariling napasubo ako ng isang kutsara ng ice cream, nginitian siya bago nag-iwas muli ng tingin.
Sa isang ice cream parlor kami dumiretso ni Joseph pagkatapos namin sa sinehan. Hindi na nga namin natapos 'yong movie kasama sina Marky dahil sa emergency kina Mary Christ.
Hindi ko rin naman naintindihan nang maayos kung natuluyan ba 'yong manok dahil sa paglulon niya ng bato dahil sa nawala sa katawan ko 'yong espiritu ko kanina.
"Hindi ka ba masaya na kasama mo ako." Bumalik ulit ako sa sarili sa pangalawang pagkakataon at napatitig sa nanunuring mata ni Joseph.
"Bakit mo naman naisip 'yan? Of course masaya ako na kasama kita. May naisip lang ako kaya medyo nawawala ako." Sumubo na lang ulit ako ng isang kutsara ng ice cream saka nagbigay ulit ng pilit na ngiti.
Dahil hindi ko kayang tagalan ang pagtingin sa mga mata ni Joseph, nilibot ko na lang ang mata ko sa paligid ng ice cream parlor na kinalalagyan namin, at nang nagsawa ako, bumalik ang atensyon ko sa taong nasa harap ko.
Ayan na naman ang mga matang 'yan. Dahil sa mga matang 'yan naghihirap ako ngayon. Ang makasalanang mga matang 'yan. Ang sarap dukutin pero hindi ko kayang gawin.
"Para kasing hindi ka masaya na kasama mo ako. Ano ba 'yang iniisip mo para makalimutan mong nasa harap mo ako." Sa tono pa lang ng pananalita niya alam ko na na naiinis na siya. Blam yourself, dahil ikaw 'yong gumugulo sa isip ko.
It's the old you who made a promise that never happened... Oo, Ikaw.. ikaw na naman... ikaw na lang lagi.
"Wala lang 'yon.. Saan ba tayo sunod na pupunta?" Dahil sa pakiramdam kong may mauungkat na naman na mga bagay-bagay sa paraan ng pagtingin niya, ako na lang ang nag-iba ng usapan.
Date 'to eh, hindi dapat gan'to..
"Hoy." Hinawakan ko siya sa kamay at pinisil 'yon pero titig pa rin siya sa akin na parang sinusubukan niya akong basahin.
Biglang tumayo si Joseph galing sa pagkakaupo niya sa katapat kong upuan at pumunta sa gilid ko. Dahil sa nakaupo ako at nakatayo siya, nakatingala ako ngayon sa kanya habang nakakunot ang noo.

BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomantikKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...