Chapter 24

62 7 0
                                    

Sam's POV



Umalis din ako agad pagkatapos na pagkatapos kumain ni Kenneth. I don't want to get close to him again. Ngayon pa na hindi ko na maloko ang sarili ko at mapaniwalang wala na nga akong nararamdaman para sa kanya.


Natatakot akong masaktan at maiwanan ulit kaya inuunahan ko na...


Namiss ko man siyang kasama at kausap wala akong magagawa. Kailangan kong dumistansya para hindi na ulit ako masaktan. Kinaya ko naman ang halos limang taon na pagkawala niya 'di ba?

Siguro naman kakayanin ko pa hanggang sa tumigil na siya at makalimutan ulit ako...


Tama na nga ang kakadrama!
Focus, Samantha, focus!


Pupunta ako ng mall ngayon para bumili ng pasalubong ni Jewel. 'Yon lang dapat ang isipin ko ngayon.

Napabuntong hininga ako pagbaba ko ng jeep at isang beses na sinampal ang kanang pisngi pampagising.

Fighting, Samantha Ysabel! Fighting!


Una kong pinasok ang bilihan ng damit pambata para bilhan sana si Jewel nito, kaso naalala kong wala na pala akong budget. Lumabas na lang ako roon, baka mapagkamalan pa akong magnanakaw.


Naglibot-libot ako sa mall hanggang sa napadpad ako sa bookstore. Bilhan ko na lang kaya ng coloring book at color pencil si Jewel?



Sorry Baby Jewel wala pang pera si Tita Ganda. Next time na lang kapag may trabaho na ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng bookstore una kong nakita ang librong matagal ko nang pinag-ipunan. Shit naman, ngayon pa na wala akong pera. Ano ba namang klaseng buhay 'to!


Pwede ba riyan ka muna ha? Wait mo lang ako mag-iipon na talaga ako promise!

Binigyan ko muna ng huling sulyap ang librong pinapangarap ko bago ako dumiretso sa lalagyanan ng mga coloring books. Matapos kong makuha ang lahat ng bibilhin binayaran ko na 'to at nakabusangot na lumabas ng bookstore.

Kailan ba ako makakaipon kasi?

Kasalan talaga 'yon ni Kenneth e! Kung hindi siya nagpakita noong araw na iyon, edi sana nabili ko 'yong libro 'di ba?! Bwiset na lalaking 'yon!


Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon