Chapter 11

82 7 2
                                    

Sam's POV



Kaibigan ko na si Kenneth simula pa noong kindergarten kami. Nakilala ko siya noong lumipat sila sa tabi ng bahay namin.

Matagal nang magkaibigan ang nanay ko at ang nanay niya, kaya siguro naging kaibigan ko na rin siya.


Kahit masyado pa akong bata noon, naaalala ko pa rin ang bawat detalye...



Naglalaro ako noon sa labas ng bahay namin nang may napansin akong mga sasakyan at may mga gamit na nakakahon. Sa takot ko noon tinawag ko ang mama ko at sinabing may balak na magkidnap at magnakaw sa kapitbahay. Sa taranta ni Mama nagmadali siyang lumabas bitbit ang kutsilyong pinanghihiwa niya ng karneng niluluto para sa tanghalian namin.


Pero imbis na galit at takot ang makita sa mukha ni Mama, tuwa at galak ang nakita ko nang magtama ang mata nila ng babaeng magnanakaw.

Luh? Friends si mama sa mga magnanakaw? Nasabi ko sa utak ko.


"Oh may gosh, Klarissa!" Sigaw ni Mama at saka iniwan ang kutsilyo sa mesa at nagtatakbo papunta sa babaeng Klarissa raw. Sumunod naman ako kay Mama at lumabas ng bahay.


"Evangielyn, Long time no see! Kumusta na kayo? Siya na ba si Samantha? She's so pretty!" Natutuwang sabi ng magnanakaw at saka kinurot ang pisngi ko.


Sabi ko sa sarili ko noon ang ganda naman ng magnanakaw, kaya naisip ko na magnakaw na lang din ako para maging maganda rin ako.



"Oo nga e, ang bilis nga nilang lumaki. Samantha, she's your Tita Klarissa say hi."


"Hi po, Tita Klarissa! Nice meeting you po!" Masayang sabi ko. Mukhang natuwa naman si Tita Klarissa dahil sa pagiging hyper ko.


"You're so cute, Samantha." Banggit ulit niya saka ulit pinisil ang pisngi ko. Bumungisngis naman ako.

Hihi. Cute raw ako e.


"My where are we?" Tanong ng isang batang lalaki na kakalabas lang sa van ni Tita Klarissa. Mukhang kakagising pa lang niya kasi kinukusot niya pa ang mga mata niya.


Malandi ba ako kung maiituturing na unang kita ko pa lang sa kanya crush ko na siya?

Siguro malandi nga para sa iba kasi sobrang bata ko pa. Ano naman ngayon? Nacutetan kasi ako sa kanya eh.


"Kenneth gising ka na pala? Come." Aya sa kanya ni Tita Klarissa. Sumunod naman siya at lumapit sa amin.


"Siya na ba si Kenneth? He's so charming and handsome!" Sabi ni Mama at saka kinurot ang pisngi ni Kenneth daw. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagkurot ni Mama sa pisngi niya kaya napasimangot siya.


Napahagikgik naman ako sa reaksyon niya kasi ang cute niya talaga, pero narinig niya ang hagikgik ko kaya napatingin siya sa akin. Nang makita ko ang masama niyang tingin noon napatigil ako sa pagtawa.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon