Chapter 2

165 7 0
                                    

Sam's POV

I opened my locker to see if I've received another message from that number pero wala. Ilang araw na rin ang lumipas nang matanggap ko ang mensaheng 'yon pero hindi na ulit nadugtungan.

Nagbuntong hininga ako at pinagpatuloy ang pagpunas sa basa ko pang buhok. Katatapos lang namin maglaro ng volleyball para sa P.E namin and I'm fucking exhausted! Hindi lang sa laro kun'di sa lintek na message na bumabagabag sa akin.

Kasisimula pa lang ng pasukan at heto ako mukha nang stressed dahil sa kapal ng eyebags. Hindi ako pinatulog ng phone ko sa kahihintay na makatanggap ulit ng text pero hindi na uli nangyari 'yon.

Mahina kong sinampal ang kaliwa kong pisngi para magising.

Napagpasyahan kong dumaan muna sa isang convinience store hindi kalayuan sa university bago umiwi. I want to freshen up my mind. A strawberry ice cream can do, I think?

Nakapila na ako upang magbayad nang dumako ang atensyon ko sa kalalabas lang ng store. 

I remembered someone because of the way he's holding his bag. Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang mawala na siya ng tuluyan. Mariin kong naipik ang mata ko at nilabas na lang ang pambayad ko.

Hindi pa nakararating sa apartment ay nakikita ko na ang kunot noong pagbungad sa akin ni Sandy. Natawa na lang nang nakita ko siyang nakasandal sa gate at pinapanood akong bumaba ng tricycle.

"Salamat po, manong." Nagbayad na ako at inayos ang pagkakabuhat sa bag ko.

"Ginabi ka na naman!" Napakamot ako sa ulo dahil sa pagbulyaw niya sa akin.

"Naligo pa ako e." Sagot ko, na mas lalong nagpalisik sa mga mata niya.

"May banyo tayo rito Sammy, dalawa!" Sinenyas niya pa ang kamay niya para ipamukha ito sa akin. "DALAWA Samantha naman! Bakit antigas-tigas ng ulo mo?"

"Nanlalagkit ako e." She just rolled her eyes, tila suko na sa katigasan ng ulo ko.

Nauna siyang pumasok at parang tutang sumunod ako rito.

"Let me guess. Volleyball?" Bati sa akin ni Sebby. Tipid naman akong tumango.

"Sammy ampayat-payat mo na! Kulang pa ba 'yan? Gusto mo na ba talagang maging skeleton?!" Galit na sabi ni Sandy sa akin. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na naoffend si Ky at napahawak sa bandang dibdib niya.

Hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa at nagseryoso lang nang nagtama ang mata namin ni Alessandra Irene De Guzman Reboja.

Tinatawag ko sa buo niyang pangalan si Sandy kapag alam kong nagpupuyos na siya sa galit. Dahil magkaiba si Sandy na go with the flow at Si Alessandra Irene na hindi mo dapat pwedeng galitin dahil babalatan ka niya ng buhay. Literal.

"It became a hobby, Sandy. 'Tsaka graded naman this time e." Dahilan ko. Madalis kasi na dahilan ng gabi kong uwi ay ang paglalaro ko ng volleyball. Kapag free time kasi ay nag-aaya ang iba kong kalapit na studyante sa univeristy para maglaro, open naman ang court kaya sumasama ako.

Noon para lang magbawas ng timbang, hanggang sa naging pampawala na ng stress at hobby na rin.

Tahimik kaming kumakain at nakikipagcommunicate lang ako kina Kitty sa pamamagitan ng mata.

Sandy kept on ignoring me hanggang matapos kaming kumain.

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya at dahil mababaw ang luha ko'y maluha na rin nang ambang dadaanan niya lang ako.

"Sorry naa. Promise hindi na talaga ko uuwi at magpapalit na lang ng damit bago umuwi. Saaandy sorry na kasi."

Tinapik ni Sandy ang nakayakap kong kamay sa kanya na ibig sabihi'y ayos na kami kaya inalis ko na ito.

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon