Chapter 42

62 5 0
                                    

Sebby's POV

Napasinghap kami nang biglang nawalan ng malay si Sammy. Nakapuwesto kasi kami sa sala para bigyan sila ng space, pero kita pa rin namin kung anong nangyayari sa kanila.

"Anong nangyari kay Sammy?" Nag-aalalang tanong ni Sandy saka lumapit kay Ken na mahigpit ang yakap sa kaniya.

"Hindi ko rin alam, biglang nawalan ng malay." Sagot ni Ken at walang sabi-sabing binuhat na parang bagong kasal si Samantha. Inalalayan na lang namin siya papuntang kuwarto nina Sammy para ipahiga siya ro'n.

Dahan-dahan inihigan ni Ken si Samantha at nilagyan ng kumot, inalis rin niya ang mga buhok na nakaharang sa mukha ni Sammy at walang paalam na humalik sa noo nito sa harap naming apat!

Ang walang hiya! Wala talagang hiyaa!

Kita kong panay ang kurot ni Kitty kay Sandy. Dahil mula pa noon gustong-gusto na talaga niyang magkaroon ng relasyon sina Samantha at Kenneth.

Lumabas din kami agad at hinayaan muna si Sammy na matulog gaya ng sabi ni Ken.

"Upo ka muna." Suwestyon ni Ky pero napatingin lang si Ken sa sarili niya at tumanggi. Medyo natuyuan na siya, pero halata pa rin na basa siya dahil sa magdamag na pag-aantay sa labas.

Bago pa kami umuwi, nakita na namin siyang nasa tapat ng gate at mistulang may hinihintay. Nang sabihin niyang si Sammy, pumunta agad si Ky sa kuwarto nila at nagkunwaring magbibihis na kahit hindi naman niya 'yon ugali. Paano kasi feel na feel niya ang uniform namin, ang sexy niya raw.

Nang buksan ni Kyline ang kwarto nila, nakita lang niya si Sammy na nakaupo sa gilid ng kama. Umiiyak, tulala. Kaya hindi na muna namin sinabi na nandito si Ken, baka lumalala lang lahat. Hindi pa naman namin alam kung anong nangyayari.

Pero makalipas ang ilang minuto, biglang nagsimula nang umulan. Inakala namin na nakaalis na si Kenneth. Kaya nang lumabas si Sandy para bumili sa tindahan ng paminta para sa panghapunan namin, nagulat siya na nandoon pa rin si Ken. Nagpapakabasa sa ulan.

Kaya kahit hindi namin alam kung anong nangyayari sa kanilang dalawa, pinuntahan na ni Sandy si Samantha para sabihin ang kalagayan ni Ken.

Wala naman kaming puso kung hayaan lang namin siyang gano'n. Siguradong hindi siya aalis sa puwesto niyang 'yon na pinagtayuan niya ng higit sa apat oras hanggat hindi niya nakikita si Sammy.

Diyos ko alas otso na! Dapat nasa sarili na rin niya siyang tinutuluyan pero ano? Nandito siya nagpapakabasa sa ulan para kay Samantha.

"Ano ba na namang nangyari sa inyo? Naku, Kenneth ah! Kahit gusto kita para kay Sammy hindi naman ata puwe-puwedeng lagi siyang umiiyak." Pababalang sabi ni Kitty.

Napabuntong hininga si Ken at nahihiyang napatingin kay Kitty, tapos sa amin. "Hinalikan ko siya." Ilang niyang sabi at napakamot sa batok.

"Ano?!" Malakas kong nasabi.

"Bakit?" Litong tanong ni Sandy.

"Saan?" Naiintrigang tsismis ni Ky

"Talaga?!" Tatlo kaming napalingon kay Kitty nang narinig namin ang bakas ng pagkakaexcited niya. "Ay este... ... Ano? Bakit? Saan? Kailan?!"

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon