Sam's POV
Pababa na kami ng bus ni Joseph. Siya ang unang bumaba tapos inalalayan niya ako sa pagbaba gamit ang kanang kamay niya, syempre dahil feeling princess ako, ipinatong ko naman ang kaliwa kong kamay.
Sobra na ata akong kinikilig ngayon araw ah! Baka mamaya kapag bumanat na naman ang kasweetan si Joseph mahimatay na ako!
Pero agad din namang napawi ang kakiligan ko nang may bumangga sa akin habang naglalakad kami.
'Yong parang nag-overtake na sasakyan? Ganoon 'yong ginawa sa akin ng walang hiya!
At ang walang hiya pala, ay si ateng na katabi ni Joseph kanina!
Nginisian pa niya ako tapos nagflip pa siya ng hair niyang marami namang split ends!
Kanina pa talaga 'tong dikyang 'to eh!
Kaninang bumabyahe pa kami ni Joseph panay ang titig niya sa akin nang masama tapos iirap pa!
Hindi ko na nga lang pinansin dahil baka hindi naman ako 'yong iniirapan niya kahit halatang ako naman.
Tapos kanina habang nakapatong 'yong ulo ni Joseph sa balikat ko tapos hinaharot ako ng gago hindi ko sinasadyang marinig 'yong sinabi niya.
"Mas maganda naman ako riyan! Kawawa naman si kuya, pumatol sa plat! Tss!"
Oo! Narinig ko talaga 'yan dahil sadya niya talagang pinaparinig sa akin 'yan!
Walang hiyang pigsang 'yon!
For her information, hindi naman ako flat eh, kumpara kay Ky. May ipaglalaban naman 'yong dibdib ko 'no!
Kaysa naman sa hinaharap niyang sinlaki na ng bola ng basketball!
Kung 'yong kanina pinalagpas ko, iba na ngayon! Namumuro na sa akin ang split ends na ito!
Lalapitan ko na sana siya nang nagsimula siyang maglakad na may papilintik pa ng bewang sa bawat yapak at ang gaga nginisian pa ako! Pero natigil ang dapat na pagsugod ko nang hawakan ako ni Joseph at pigilan..
"Bakit ba?!" Hinihila ko sa kanya ang kamay ko pero hindi naman niya pinapakawalan.
"Huwag mo na patulan."
"Huwag patulan? Nakita mo ba kung anong ginawa sa akin ng pugitang 'yon?!" Hindi niya naman ako sinagot at inakbayan na lang tapos naglakad na lang ulit kami.
Dahil nasa harap namin 'yong linta, panay ang bigay ko ng masamang tingin sa kanya. Kapag naman nakikita ni Joseph na masama ang tingin ko sa kanya, tinatakpan niya ang mata ko.
Maya-maya naman, nawala na 'yong dugong kaya tinigil ko na ang pagbibigay ko sa kanya ng precious time ng dyosang tulad ko.
"Ano namang gagawin natin dito? 'Yong mga ginawa rin namin ni Francis?" Inosenteng tanong ko nang nakatapak na kami sa loob ng mall..

BINABASA MO ANG
Finally You're Mine
RomanceKailan kaya niya masasabing. "Tayo na!" "Hindi ako nagkamali na piliin ka!" "Sa wakas!" "Finally you're mine!" O kahit isang "Mahal kita" lang na manggagaling sa sariling bibig at hindi pilit ng t...