Chapter 15

84 5 0
                                    

Sam's POV


What the heck?

Nangyari ba talaga 'yon? Bakit wala akong ginawa? Bakit hindi ko sinampal ang manyak na gagong 'yon!


Nakakaasar talaga, bwiset! Hindi na virgin ang gilid ng labi ko dahil sa kanya!

Kung dati gusto ko na siya ang makakuha ng first kiss ko ibang usapan na ngayon! Hindi ako papayag na sa gagong tarandatadong hudas na manyak mapupunta ang first kiss ko!


Fuck! What have I done?!




"Earth to Samantha Ysabel, please!" Bumalik ako sa reyalidad nang sumigaw si Sebby sa tainga ko.



"Ano na Sammy? Hindi ka pa ba kikilos? Anong oras na oh!" Nakapamaywang na sabi sa akin ni Sebby habang ako nakaupo rito sa sofa, nahihibang, pinagsisihan ang nangyari.



"Bakit, gagala tayo?" Inosenteng tanong ko. Maganda na rin siguro 'yon, para maayos ko ulit 'yong rules ko. Dapat limang metro ang layo namin sa isa't isa. Para mas mapanatag ako.



"Nababaliw ka na talaga. Akala ko ba may date kayo ng ''Bebe'' mo?"


Holy shit! Oo nga pala! Tangina lang!


Hala anong oras na! Baka mamaya makita ako ni Francis dito na mukhang pulubi! Nagmadali akong pumunta sa kwarto at inilabas ang damit na ilang araw ko nang inayos dahil sa pagiging excited ko.


Nagmadali agad akong pumunta sa banyo saka naligo na may halo pang pasayaw kahit anong oras na. Ba't ba? Aangal ka ha? Buhay mo buhay mo?!


Pagkatapos kong maligo dumiretso na ako sa kwarto para magbihis at mag-ayos.


Syempre first date ko na 'to! Baka 'di na masundan, kaya dapat maging maganda at presentable naman ako 'no!


Once in a blue moon lang din ako kung mag-ayos ng kilay eh, ngayon 'yon. Inayos ko nang kaunti ang aking kilay para magmukhang natural lang at naglagay ng kaunting mascara, unting blush on at pink na lipstick. Then boom!



Babaeng babae ka ngayon Samantha ah! Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

Straight hair, dress, heels at light na make up = PERFECTION.


Bumukas ang pinto at pumasok si Ky.

"Babaeng-babae ka ngayon ah. Tapos siga ka rin naman maglakad, pshh!" Pang-aasar niya saka kinuha 'yong phone niya.

"Malay ko sa'yo, Ky. Bitter ka lang kasi never mo pang naranasang maidate bleh!" Pang-aasar ko rin sa kanya na may kasama pang padila. Sinamaan niya lang ako ng tingin saka padabog na lumabas ng kwarto. Asar talo, tss.




Napaupo ako sa kama at huminga ng malalim. Kinakabahan ako...

Anong gagawin ako? Paano na kapag nagdate kami? Paano dapat ako lumakad?

Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon