Chapter 13

90 5 0
                                    

Sam's POV


"Sam." Pagtawag sa akin ni Marky. Nakatambay ulit kami rito sa rooftop.
Tuwing free time namin dito na raw kami tatambay sabi niya sa akin.

Sumang-ayon naman ako, dahil bukod sa wala naman akong ibang pwedeng pagka-abalahan, dito ko ulit naramdaman 'yong peace na kailangan ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Curious lang kasi ako e... Pwede namang hindi mo sagutin kung masyadong mabigat para sa'yo..." Matagal siyang nahinto. Mistulang pinag-iisipang mabuti kung itutuloy pa ba ang tanong. "... Sino ba si Kenneth sa buhay mo?"


Sino nga ba si Kenneth sa buhay ko?

Nag-iwas ako ng tingin. How am I suppose to answer that question?

"Okay lang naman kung hindi mo sabihin, naiintindihan ko." Nilingon ko siya. Parehas kaming nakapatong ang magkabilang siko sa nakasementong harang ng rooftop na hanggang beywang ang taas.

Bakit ba ako natatakot? Lahat naman tayo dumaan at dadaan sa puntong dahil sa sinasabi nilang "love" may magagawa tayong mga bagay. Mga bagay na bandang huli'y magiging rason ng kaligayan natin o hindi kaya'y kasawian.

Magiging rason ng ngiti na umaabot hanggang mata o matang mugto dahil sa luha.

Nakakatawa lang isipin. Sabay kong naranasan 'yan. Sa dalawang lalaking inakala ko, at pinagkatiwalaan kong babantay sa puso ko.

The first man was my father...

I look up to him so much. I love him so much. To the point na pinagkakamalan na akong tomboy noon dahil nakahiligan ko ang mga gawain niya.

Na kahit iniwan niya kami, I'm still looking at my window at night. Waiting for him to come home, again.

Pero hindi nangyari 'yon.

Dahil kay Papa, nawalan ako ng tiwala sa mga lalaki. Kahit bata pa lang.

Pero hindi hinayaan ni Kenneth 'yon, lagi niya akong binibigyan ng rason para magtiwala. Para pagkatiwalaan siya.

But then, he also left me...

Gaya ni Papa. Nawala rin siya na parang bula..


"Si Kenneth? Siya 'yong buhay ko..." I sighed heavily, I'm not facing Marky because I feel embarrassed. "Dati. Si Kenneth ang buhay ko.. Dati."

Nakakahiyang aminin na isang tao ang naging simbolo ng buhay ko noon.

"Gusto mo bang malaman kung bakit siya ang buhay ko rati?"


"Pwede ba?" Tanong niya. I nodded as an answer.


Bumuntong hininga ako at nagsimula nang magkwento. Isang mahabang kwento.


"Si Kenneth Joseph Almazan ang pinakauna kong kaibigan. Sobrang close namin noon as in, sinasabi ko sa kanya lahat ng sikreto ko. Sinasabi ko sa kanya kung sino 'yong crush ko, kahit na ang totoo siya naman talaga." Hindi napigilan ni Marky na matawa kaya tinitigan ko siya nang masama para tumigil.



"Si Kenneth ang tagapagligtas ko noon. Sa mga nangbubully sa akin, sa expectations ni Mama sa akin. Pero isang araw nagbago siya." Pagpapatuloy ko.


"Paanong nagbago?" Nakatalumbaba niyang tanong.


"Hindi ko rin alam. Paggising ko isang araw ayaw na niya akong kausapin, ayaw na niya akong kasama, ayaw na niyang pumasyal sa bahay, at higit sa lahat ayaw na niya akong makita." Malalim na buntong hininga ang nagawa ko pagkatapos kong iyong masabi, dahil hindi na pala ako humihinga.


Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon