Chapter 29

53 6 0
                                    

*****
Kitty's POV



“Hindi ko sinabi na ikwento mo sa amin ang naging love story ninyong dalawa. Ang sabi ko, bakit ka na naman nagpapakatanga? Nasaktan ka na pala eh!” Napatakip ako ng tainga dahil sa sigaw ni Sandy.


“Nasaktan ka rin kay Kuya Adrian nang minahal mo siya 'di ba? Pero anong nangyari? Minahal mo pa rin siya at hindi ako tumutol doon kahit may chance na masaktan ka ulit at gawin ka lang rebound!” Natahimik siya sa sinabi ko, pati na rin sina Sammy.

Nakaupo kami ngayong lima sa sofa ng sala, pinauwi ko na si Mon at sinabing ako na ang bahalang magpaliwanag ng lahat.


“Mahal ko si Mon. Alam ko rin at kampante ako na mahal niya rin ako. Handa akong sumugal.”


Naging kami nang araw na iyon.


Js Prom, Birthday ko….

February 16…



Sina Mama ang unang nakaalam na sinagot ko na rin sa wakas si Mon at hindi naman siya tumutol dito. Masaya pa nga raw siya kaya sinandya niya raw talagang gawing parehas ang style ng regalo namin sa isa’t isa.

Ang supportive ng nanay ko h'wag ka!


Hindi ko rin naman agad masabi kina Sammy dahil sa laging wala ito sa oras. Lalo na noong nalaman namin ang tungkol sa pagkakagusto ni Sandy kay Kuya Adrian.


Hindi ko nasabi hanggang sa dumating sa point na umalis na sina Mon papunta sa probinsya nila at napagpasyahan ng magulang niya na doon siya pag-aralin at ang mga kapatid niya.


Naging maayos pa ang mga unang buwan…


Busy ako sa school dahil sa college na nga kami at ganoon din siya.. Medyo nawalan kami ng oras sa isa't isa…


Pero sabi ko naman sa sarili ko na kaya namin 'to! LDR lang 'yon, 'no! Walang panama 'yon sa pagmamahalan namin sa isa't isa at sa kahabaan ng pasensya ni Mon.


Imagine? Almost three years din niya akong niligawan! Saan ka pa 'di ba?


Pero nagkamali ako….

It was days before our first anniversary nang sinabi niyang gusto na niyang tapusin ang relasyon namin.



Tandang tanda ko pa na sa Skype 'yon.
Kitang-kita ko ang pagluha niya at ganoon din siya sa akin. Unang beses naming pinakita ang kahinaan namin sa isa't isa…


Halata naman ayaw mong gawin 'to eh, pero bakit ginagawa mo parin? Bakit gusto mong tapusin? Hindi mo na ba ako mahal? May iba ka na ba?” Wala na akong pake kung magmukha akong tanga na nagmamakaawa sa kanya sa harap ng laptop ko ng madaling araw…


Kahit putcha! May exam pa kami kinabukasan. Ganoon ko siya kamahal eh.


"Mahal kita Kit Celestine, alam mo iyan.... Mahal na mahal kita..... Kaya nga, napag-isipan kong gawin 'to... Boyfriend mo ako 'di ba? Dapat lagi akong nandiyan, kasama ka... Dapat ako ang nagpapasaya sa'yo at tumutulong kapag nahihirapan ka... Pero hindi naman ako-"


“Nagseselos ka na naman ba kay Ron? 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na kaibigan ko lang talaga siya. Kahit tanungin mo pa sina Sammy. Wala akong ginagawang masama, ikaw ang mahal ko, 'di ba? Pero sige, iiwasan ko na lang siya. Iiwasan ko na siya Motch hindi mo na kailangan makipagbreak.” Alam ko naman na nagseselos siya kaya kasalanan ko 'tong lahat. Umabot pa tuloy sa puntong gusto na niyang tapusin ang lahat sa amin.



Finally You're Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon